Chapter 23

189 19 4
                                        


Chapter 23

ULYSSESS


"ULYSSESS! Wake up! Please, wake up! Ulyssess!" Malalabo ang mga boses na naririnig ko at dama ko sa mga sigaw nila ang pagkabahala. Ilang beses kong naririnig ang boses ni Erin at Irv at nagkahalo-halo na ang mga hiyawan nila na siyang nagpamulat sa akin mula sa kawalan. 

"Ulyssess, wake up!" Para akong hinugot mula sa kailaliman nang magkaroon ako ng uliran. Napabalikwas ako ng bangon at habol-habol ko ang aking hininga. Napaubo ako nang sunod-sunod at sinapo ko ang aking dibdib na ramdam ko pa ang paninikip. Umiikot din ang paningin ko at para akong nasusuka.

"Salamat naman, Ate, at nagising ka na!" Nilingon ko si Erin na nasa aking tabi. Niyakap niya ako sandali at masuyong hinalikan sa pisngi. "Akala ko patay ka na kanina. Ako ang malalagot kay Kuya Zael kapag nagkaganoon." Napasimangot ako sa kaniya dahil akala ko pa naman one hundred act of concern para sa akin ang ipinakita niya, pero para lang pala sa sarili niya. "It's good that you're alive." pahabol pa niya at ngumisi. Kung hindi lang ako nakakaramdam pa ng panghihina, talagang piningot ko na siya.

"We're so worried about you. Shit, Uly. Tinakot mo kami nang husto." Nilingon ko si Irv na nasa gawing kanan ko at nagkumpulan naman sa isang tabi ang iba pang bampira. Kumilos ako para tumayo at inalalayan naman ako ni Erin, pero muli akong napaupo dahil tila wala pang lakas ang mga tuhod ko.

"Ano'ng nangyari?" usisa ko dahil ang huli kong naalala ay ang malakas na pwersa na tumama sa aking katawan na dahilan nang pagtilapon ko sa isang puno. Kinapa ko ang aking ulo kung saan ako napuruhan. Walang ni maliit na sugat o bukol. Hindi naman masakit gayong expected kong magtatamo ako ng cuncussion o head injury. I don't feel nothing except sa nahihilo ako at hinang-hina ang aking pakiramdam.

"Nasundan tayo ng isa sa mga alagad ni Morgana. Mabuti na lang at nag-iisa lang ang hinayupak at nailigtas ka ng iyong kwentas." pahayag ni Irv na nakatingin sa leeg ko. Napalunok ako habang hinihila ko ang kwentas sa loob ng aking dibdib at hinawakan nang mahigpit. Si Morgana... Hindi puwede. Kung pinansundan niya kami rito, ibig sabihin no'n ay hahadlangan niya ang paghahanap namin sa lunas para kay Esin.

Naisip ko rin sina Renelda at Reala. Paniguradong pareho kami nang sitwasyon ngayon dahil sa nangyari sa 'kin. Maraming salamat talaga sa kwentas o amulet na ito na bigay ni Zael. Kung hindi dahil dito, nagtamo na ako ngayon ng malaking pinsala sa katawan.

"Nasaan na tayo?" Iginala ko ang mga mata sa paligid. Ngayon ko lang napansin na nasa isang hindi pangkaraniwan na silid kami at nakahiga ako sa papag na sinasapinan ng mga...bulaklak? Muli kong ginalugad ng tingin ang paligid. Parang nasa loob kami ng isang kweba dahil sa mga mabatong pader. Mga lampara at kandila lang ang nagbibigay ilaw sa bawat sulok. May naririnig din akong ingay o agos ng tubig sa may di-kalayuan. "Teka, nasaan tayo?"

"Gising na pala ang Reyna!" Napatingin ako sa dako kung saan lumabas ang dalawang babae mula sa isang pinto na ang kurtina ay yari rin sa mga bulaklak. Kumunot ang noo ko.

"Ruca at Yuca?" patanong kong bati sa kanila. Ngumisi silang dalawa at mas lalo kong nakita ang mga ngipin nilang nangingitim. Puro itim din ang kasuotan nila mula ulo hanggang paa. Pati lipstick ay itim din at maraming mga kung ano-anong guhit ang kanilang mga mukha na parang katulad sa tribe ng Indians. May kung ano-ano ring nakasabit at nakakabit sa mga damit nila at parang may mga ugat na lumilingkis sa kanilang mga leeg at mga kamay.

Base sa hitsura nila, mukha talaga silang mga bruha at 'di nalalayo sa mga babaeng baliw na palaboy-laboy sa kalsada. Maayos naman ang mga buhok nila pero parang pinugaran ng sandamakmak na kuto sa kakapalan. Malinis naman itong lungga nila pero hindi ko masabi kung may practice sila ng hygeine sa kanilang mga katawan. Wala kasi talaga sa hitsura, eh.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon