Chapter 9
ULYSSESS
"KAKAININ mo pa ba iyan? Kung hindi, akin na lang." May binabalak si Mizah sa plato ko ng pasta na hindi ko pa nagagalaw. Inilayo ko 'yon sa kaniya at tinakpan ko pa ng mga kamay. Napalabi naman siya at natatawa kong inusog pabalik sa kaniya ang plato.
"Yey! I love you so much, Sis!" masayang hiyaw niya na parang bata na nakaagaw ng pansin sa iba pang mga customer na kumakain. Dalawang buwan na siyang buntis sa pangalawa niyang anak at ang siba-siba niyang kumain. Walang pinipiling pagkain ang baby niya kaya madalas na kaming kumakain sa restaurant na ito tuwing lunch.
"Hinay-hinay lang sa pagkain, Mi. Baka hindi na maging healthy si baby niyan." Inilagay ko sa plato niya ang mga gulay na nasa plato ko. "Ito ang mga kainin mo, oh." Tinusok ko iyon ng tinidor at isinubo sa kaniya na kaagad naman niyang kinain. "Good girl." Isinubo ko pa sa kaniya ang iba.
Natutuwa talaga ako kung paano siya kumain. Hindi naman siya ganito noong buntis siya kay Lainey. Ngayon, mukha na siyang baboy na parang kambing. Ang cute lang niya dahil mukha siyang bata. Inabot ko ang table nakpin niya at pinunasan ang kaniyang bibig. Kahit man lang sa ganito ay makabawi ako sa mga ginawa niya sa akin.
Nitong mga nagdaang tatlong buwan, nahirapan akong mag-move on kay Irv. Naroong hindi na ako pumapasok sa trabaho at nagmukmukmok na lang sa kuwarto ko at umiyak nang umiyak buong araw. Pero si Mizah, hindi siya nagsawang damayan ako.
Tagapunas siya ng mga luha at sipon ko. Siya na rin ang tagapaligo sa 'kin at tagalaba ng aking mga damit. Pati pagpapakain sa 'kin ay siya rin ang gumagawa. Sa apartment ko na nga siya halos tumira. Talagang ginawa niya ang lahat para tulungan akong makapagsimula ulit.
Sabi niya, hindi ko na kailangan ng ilan pang buwan o taon para makalimutan ko si Irv. Tinuruan din niya akong huwag magtanim ng sama ng loob. Galit din siya kay Irv, pero mas makakabuti daw sa 'kin kung magawa kong magpatawad para na rin sa ikakaluwag ng kalooban ko. Sa ngayon, hindi ko pa iyon magagawa para sa lalaking 'yon.
Pero dahil sa kaniya, naliwanagan ako. Sinaktan ako ni Irv nang husto, pero pareho lang naman kaming nagmahal. Mapapatawad ko rin siya pero sa tamang panahon na. Tanggap ko naman na ang lahat at natutunan kong magmahal ulit. Iyon nga lang, kailangan pang mawala siya sa 'kin bago ko iyon maisip.
Mahal ko si Zael. Sa loob ng tatlong buwan, na-realize ko iyon. Dahil sa kaniya, nagawa kong palayain si Irv para sa babaeng tunay na minamahal niya. Pero ako, hindi pa ako nakakalaya mula sa kaniya kahit wala na siya. Sana malaman man lang niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. I love him, and I want him back. Pero nasaan siya?
Apat na buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Kung nakapag-move on na ako kay Irv, sa kaniya ay hindi pa hanggat hindi ko siya nakikita ulit. Hindi na mahalaga kung hindi kami pareho ng nararamdaman. Makita ko lang siya kahit saglit lang, sapat na 'yon sa 'kin.
"Hoy, iniisip mo naman siya." Naibalik ko ang atensyon kay Mizah. Naubos na pala niya ang pasta at ang ibang pagkain ko naman ang nilalantakan. "Akin na rin 'to, ha? Utos ni baby, eh." Hinimas pa niya ang tiyan niyang hindi pa masyadong halata.
"Oo na. Basta para kay baby." sabi ko at uminom ng tubig. Tahimik ko lang siyang tinitingnan habang maganang kumakain. "What?" tanong ko sa kaniya nang parang may gusto siyang sabihin. Nilunok muna niya ang kinakain bago nagsalita.
"Kung dati kapag ganiyan ka, alam ko nang si Irv ang dahilan. At ngayon, alam ko ring si Zael ang dahilan kung ba't ka nagkakaganiyan." Uminom muna siya ng tubig bago itinutok sa 'kin ang gamit niyang tinidor. "Bakit ba ang malas mo pagdating sa mga lalaki, Sis?"
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasiMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...