Chapter 26

334 17 8
                                    

Chapter 26

ULYSSESS

"Someone's coming." sabi ko kay Erin at nagmamadaling kumilos palapit sa kaniya. Nakita ko siyang tumango lang bago tiningnan ang kamay niyang may sugat. Alam kong nahihirapan siya pero ayaw niya iyong ipahalata sa akin, pero halata ko naman din.

"Just stay quiet, Ate." aniya. Ako naman ngayon ang napatango. Kanina pa kasi ako nagtataka. Bakit kailangang ikulong pa kami no'ng halimaw na nagdala sa amin dito? Bakit hindi na lang niya kami kinain? Tingin ko, alagad iyon ni Morgana. Kung hindi man, duda kong may kailangan pa sa amin ang halimaw na 'yon.

Pero ipinagpapasalamat ko iyon ng sobra dahil buhay pa kami ngayon at buo. Kaya kailangan naming makatakas dito bago pa man bumalik ang halimaw na iyon dito. Iyon nga lang, kanina pa ako naghahanap ng paraan, wala naman akong nagawa.

Gawa sa kahoy lang naman itong kulungan na pinaglagyan namin pero ang hirap makalabas. Hindi ko alam kung paano kami ipinasok dito ng halimaw dahil wala naman akong nakitang parang pinto o lagusan sa bawat sulok ko na puwedeng buksan.

"Psst." Sabay kaming napa-angat ng mukha ni Erin sa bandang uluhan namin kung saan may malaking sanga ng kahoy ang nakayungyung. May sumagutsot doon. Ang kulungan kasi naming dalawa ay nakatungtong sa mismong napakalaking kahoy. Para siyang tree house lang pero walang kaarte-arte. "Uly, over here." rinig kong pagtawag sa pangalan ko. Napatayo ako at sinilip ang pinanggalingan ng boses.

"Irv, ikaw ba 'yan?" Parang kaboses kasi ni Irv ang naririnig ko. Sana naman siya talaga iyan at hindi iyong halimaw na kayang manggaya ng anyo ng iba. Naloko nga ako no'ng halimaw kanina na akala ko ay si Zael.
"I don't think so." Napailing ako at muling bumalik sa pwesto ko.

"Ate, si Irv ba iyan?" ani Erin at nilingon ko siya. Nakatingala pa rin siya sa taas kung nasaan nanggaling iyong boses na naririnig namin. Wala kaming makita kung may tao, halimaw o impakto na naroroon sa sanga dahil bukod sa hindi iyon abot ng siga mula sa bonfire, ang dami at laki rin ng mga dahon na nakatabon.

"I'm not sure. Ayaw ko nang maulit iyong kanina kaya tayo nandito ngayon. Malay natin at baka ang halimaw iyan na nagdala sa atin dito at si Irv naman ngayon ang ginagaya niya para kunin tayo rito at pagkatapos ay saka tayo kakainin." Alam kong masyado akong advance thinking, pero okay na rin iyong ganoon. Pag-iingat ang tawag do'n.

"Uly, raised your hand." Nagkatinginan kami ni Erin. Kaboses talaga ni Irv. Nagkibit-balikat lang ako. Si Erin naman ay halatang nag-iisip. "Damn it, you two! Gusto niyo bang mabulok diyan?" Ngayon ay mas malakas na ang pagsasalita ni Irv sa amin-kung si Irv nga ba talaga iyan.

"Hindi si Irv 'yan, Erin, kundi iyong halimaw dahil mukhang gutom na gutom na yata at pinapadali tayo, eh." nakaismid kong sabi at humalukipkip.

"Hindi naman natin sigurado iyang iniisip mo, Ate. What if si Irv nga iyan,' di ba? Teka, alam ko na! Ganito na lang, kailangan lang natin ng masusing screening para sa identity niya. How's that for a plan?"

Kahit medyo childish ang iminungkahi ni Erin, parang gusto ko ring gawin."Okay, let's try it." pagsang-ayon ko sa plano niya.

"Putangina." rinig naming sabi ng kung sino man talaga iyang nasa itaas namin. Halatang nainis ito sa plano naming gagawin ngayon. "Ako nga ito, si Irv." pangungumbinsi nito sa amin.

"Let's see if you're real." sabi ko at sabay kaming tumayo ni Erin at sumilip sa mga dahon para makita namin kung si Irv nga ba talaga siya.

"Show yourself first." utos ni Erin at may gumalaw sa kumpulan ng mga dahon. Itinutok ko nang mabuti ang aking mga mata para abangan ang paglantad ni Irv. Isang minuto ang lumipas ay nakita na namin siyang nakalambitin na parang unggoy sa sanga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon