Chapter 20
ULYSSESS
"KAILANGAN na nating kumilos ngayon. Kung patatagalin pa natin ang paghahanap sa lunas, baka mahuli na ang lahat para kay Esin." Tiningnan ko ang nakapanlulumong hitsura ni Esin. Isang araw pa lang ang lumipas ay mas lumala ang sitwasyon niya. Para nang naagnas ang kaniyang katawan. I can't watch him anymore kay iniwas ko ang paningin. I threw my eyes on Irv. "Desidido na ako, Irv." sabi ko sa kaniya at tiningnan din ang ibang mga nandito kasama ko.
Lahat sila ay napailing at mababakas sa mga mukha ang matinding pag-aalala. Lahat din sila ay tumutol sa naging desisyon ko. "Zael will definitely kill us all if he'll know about this, Uly." frustated na untag sa 'kin ni Irv. Napahilamos pa siya ng kaniyang mukha. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano'ng gusto nilang gawin dito, tumunganga na lang hanggang sa mamatay si Esin? I can't just sit here without doing nothing. Hindi na mahalaga kung ano ang maaaring gawin ni Zael sa kanila. Ako na'ng bahala roon dahil ako ang nagdesisyon nito at hindi sila. Isa pa, kung nandito lang siya, it would be easier for us to find the cure.
"Don't worry about it. Ako na ang bahala sa oras na magpakita siya sa akin. Ang importante ay malunasan natin si Esin. No buts!" hiyaw ko nang hihirit sana si Erin. "This is for your brother, okay?" Napayuko siya at binalingan ang kaniyang kambal. Vulnerability flashed on his eyes as he saw his twin in a dying state. Muli siyang tumingin sa akin na naniningas ang mga mata at nakaigting ang panga. May isang butil ng luha ang kumawala sa isa niyang mata at nadurog ang puso ko. "Malulunasan natin siya, I promise." Ngumiti ako nang pilit para sa kaniya.
"Sasama ako sa 'yo sa Harlanja, Ate." buong tatag niyang saad. Lahat napatingin sa kaniya. Sa kadahilanang bawal silang pumunta lahat doon sa nasabing gubat, iyon ang naging mitsa para ako na lang ang nagbuluntaryo. Wala akong pakialam kung ipinagbabawal ang pagpunta roon. Kahit isa man akong witch o bampira ngayon, that doesn't stop me at all. I'm going there whether they like or not. Buhay ni Esin ang nakataya rito. "Kung ayaw niyong magtungo roon, then I'm going with her. Hindi natin siya hahayaang magtungo na lang doon nang mag-isa." Bigla na lang siyang tumawa. "What's the use of breaking the rules gayong outcast din naman na tayo? Samantalahin na lang natin." Kusa akong napatango. Iyon na ang pinakamagandang nasabi nitong si Erin simula nang makilala ko siya.
"P-pero, Erin...you'll die out there." halos pabulong nang saad ni Renelda. Ngumiti lang si Erin at nilapitan ang babae. Hindi ito pumalag nang yakapin niya ito nang mahigpit. Natuwa naman ako at kinilig na rin. "Kahit loko-loko ka, mate pa rin kita. At ang pinaka-unang bagay na hindi ko gustong mangyari sa 'yo ay ang mawala ka sa 'kin. Hindi ko man sinasabi sa 'yo...pero m-mahal kita." Kung hindi lang talaga sa bigat ng atmospera namin ngayon, nangantyaw na ako sa kanila. Naiinggit din ako. Sana nandito rin si Zael. "Be careful out there, okay?" Parang gusto kong gumulong sa sahig nang si Renelda mismo ang nanguna ng halik sa kaniya. Natulala naman si Erin at malaki ang naging ngiti nang ma-realize niya ang nangyari.
"Ehem." pukaw ni Irv na salubong ang mga kilay. "Sa harapan ko pa talaga kayo naglaplapan, ha? Ako ang Kuya, 'di ba?" Napabungisngis na lang ako nang hindi siya pinansin ng dalawa. Nagkatinginan kami ni Reala na nakaupo sa gilid ng kama ni Esin. Hawak-hawak din niya ang kamay ng kaniyang minamahal. "Hoy!" tawag ni Irv sa dalawa nang hindi pa rin sila mapaghiwalay. "Ano ba!" Siya na ang kumilos at inilayo si Erin at Renelda sa isa't-isa. Nakatanggap tuloy siya ng masamang titig galing sa dalawa. "Aba, ako pa ngayon ang masama?"
"Irv, hayaan mo na." awat ko sa kaniya at napabuntong-hininga na lang siya. "Gusto mo ring sumama sa amin?" alok ko sa kaniya dahil mas mabuting kasama rin namin siya ni Esin. He gave a nod. "Great!" masaya kong anas. "So, are we ready to go?" Kinuha ko ang atensyon nila Erin at Renelda. Halata sa mga mukha nila ang matinding pagmamahal para sa isa't-isa. Napakasuwerte ko at nagawa kong makasaksi ng ganitong klase ng pag-ibig. At kagaya nang hinahangad ko para sa amin ni Zael, sana sa huli ay sila pa rin. They all deserve to have that kind of love as much as I do.

BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...