Chapter 8
ULYSSESS
ISANG malungkot na araw na naman ang nadagdag sa buhay ko. Kahit wala akong ganang pumasok kanina sa trabaho, pinilit ko dahil ayaw kong maburyong at walang ginagawa. Paraan ko na lang din 'to para hindi ko na masyadong iniisip si Zael.
Nagpapasalamat talaga ako kay Mizah dahil palagi siyang nandito para sa 'kin at pinapagaan ang loob ko. Iyon nga lang, panay ang kulit niya sa 'kin na ipakilala ko raw sa kaniya si Zael. Paano ko naman magagawa 'yon? Ni hindi ko nga siya mahagilap kung saang lupalop ba siya ng mundo.
"Salamat po, Manong." pasasalamat ko sa taxi driver nang ibigay niya sa 'kin ang sukli ko. Tinulungan pa niyang ibaba ang ilan sa mga binili kong groceries. "Ay, salamat po ulit." Hindi siya sumagot at tanging tango lang ang ibinigay sa 'kin.
Sinilip ko ang mukha niya dahil sobrang baba ng suot niyang sumbrero. Nakasuot din siya ng mask. Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang outfit niya pero mahahalatang bata pa siya base sa kaniyang pangangatawan. Sa katunayan ay magkasingtangkad lang sila ni Zael.
Medyo nag-alangan nga akong sumakay sa kaniya kanina dahil baka masama siyang tao at nagpapanggap lang na taxi driver. Nakakapagtaka nga dahil kahit kasya pa ang isang pasahero ay hindi na siya nagpasakay.
At ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala nasabi sa kaniya kung saan ako ihahatid. Lumilipad kasi ang isipan ko kay Zael, kaya hindi na ako nakapagsabi. Pero nandito na ako sa apartment ko. Paano niya nalaman?
"Ahh, Kuya." tawag ko sa kaniya at nananatili siyang nakatalikod sa 'kin. 'Kuya' na lang din ang ginamit ko kasi masyadong pang-matanda ang 'Manong'. "Paano mo nalaman na dito ako bababa gayong nakalimutan kong sabihin sa 'yo kanina."
Walang imik na bumalik ulit siya sa driver seat at nagmaneho paalis nang hindi sinasagot ang tanong ko. "Ang weird naman." Napailing na lang ako at binitbit ang mga bags ng grocery sa loob.
Pagdating ko ng kusina ay inilabas ko muna ang mga iyon at inilagay sa kitchen cabinets at sa ref. bago ako magbibihis ng pambahay. Hindi ko na rin kailangang magluto ngayon dahil sa labas na kami kumain ng hapunan ni Mizah kanina.
Pagkatapos kong iayos ang lahat, umakyat na ako ng kuwarto at naghanda para matulog. Pagod na pagod ako ngayong araw kahit hindi naman gaanong busy kanina sa bangko. Pero kahit anong pwesto ang gawin ko sa kama ay hindi pa rin ako makatulog.
Napapitlag ako nang may marinig akong kumalabog sa baba. Dali-dali akong pumanaog at nagbabasakaling bumalik si Zael. Hindi ko na inisip na magnanakaw dahil may kapitbahay naman akong mga pulis kaya hindi ako masyadong natatakot.
Tumatambol ang puso ko habang patungo ako sa sala. Pero nadismaya ako nang hindi si Zael ang nadatnan kong nakaupo sa sofa kundi si Irv. Pinigilan ko ang mapa-ismid. Mas matatanggap ko pa kung isang akyat-bahay na lang ang nakaharap ko ngayon.
Walang pinagbago ang hitsura niya sa loob ng dalawang buwang hindi namin pagkikita. Guwapo pa rin siya, malinis at mabango. Meron nga lang akong napapansin sa mga mata niya na hindi ko nakikita kapag kami ang magkasama. Masaya siya at ang sakit lang isipin na hindi ako ang dahilan ng kaligayahang iyon.
"Irv," walang kabuhay-buhay na bati ko sa kaniya. Kung dati ay halos magtatalon ako sa tuwa sa tuwing umuuwi siya dito, ngayon ay hindi na. At alam kong nagtataka siya ngayon lalo na't ni hindi ko rin siya sinalubong ng yakap at inaasikaso.
Naka-bussiness suit pa rin siya at mukhang dumiretso lang dito para tingnan kung tangang-tanga pa ba ako sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin ang coffee table.
May nakapatong na bouquet ng bulaklak doon, isang parehabang kahon at isa pang kulay pula na paper bag.
Kagaya nang lagi niyang ginagawa, may pasalubong na naman siya sa 'kin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit pinili kong mahalin pa rin siya sa kabila ng lahat. Nagpa-uto ako sa mga materyal na bagay.
Pero dati lang 'yon. Marami nang nagbago ngayon.
"Hey, hon. I'm sorry kung ngayon lang ako nakauwi. I've been very busy sa trabaho." Pinigilan ko ang mapangiwi. Hindi ko alam kung paano niya kayang lokohin ako nang matagalan. "Hey, where's my hug?" Tumayo siya at lumapit sa 'kin.
Hinayaan ko siyang halikan ako sa aking pisngi pero hindi ko siya niyakap kagaya nang dati. Kumikirot at naninikip ang dibdib ko. Sa mahigit apat na taon naming mag-nobyo, ni minsan ay hindi niya ako nagawang halikan sa aking mga labi.
Akala ko nga mabaho ang hininga ko, pero kaya pala hindi niya iyon magawa sa akin dahil sa ibang babae niya 'yon gustong gawin. Isa pa, hindi rin naman talaga niya ako mahal. 'Di ko nga alam kung ano ba talaga ang papel ko sa buhay niya.
"Buti naman at umuwi ka na." kaswal ko lang na sabi. Pero mas mabuti kung hindi na siya umuwi at nagpunta pa rito. Akala ko kasi wala na talaga siya sistema ko, pero nandito pa pala kapag nakita ko ang pagmumukha niya.
"Why not? Nami-miss ko na rin ang honey ko. Sorry kung sobrang busy ko na lately sa trabaho." Gusto kong tumawa sa numero unong rason na lagi niyang binabanggit sa akin. Busy sa trabaho, trabaho at trabaho. Alam kong nagtatrabaho naman talaga siya, pero bukod doon ay may iba pa siyang pinagkakaabalahan. Sobrang busy niya kamo sa monkey business niya.
"Okay lang. Sanay naman na ako." puno ng pait na sabi ko pero nagawa ko pang ngumiti sa kaniya nang pilit. Kahapon, kahit papaano ay umasa akong darating siya sa kaarawan ko kahit ayaw ko na siyang makita.
Gusto ko namang maramdaman na kahit sa birthday ko man lang ay maipakita niya sa akin na may halaga pa ako sa kaniya. Na may pakialaman siya sa girlfriend niyang mahigit apat na taon na niyang niloloko.
"You're acting weird, hon." Alangan ang naging ngiti niya at nagtataka akong tiningnan. Iniisip lang siguro niya ngayon na nagtatampo ako kaya kumilos siya at kinuha ang bouquet ng bulaklak at paper bag sa mesa at inabot ang mga iyon sa akin.
"No, I'm good." sabi ko sa mababang boses. Okay naman talaga ako sa mga kagaguhan niya at dinagdagan pa ng pag-alis ni Zael. Okay ako, at mas okay pa sana kung hindi ko na siya nakaharap ngayon.
"Here, this is for you. Belated happy birthday. I'm really sorry for coming late." Ininguso niya ang parehabang kahon na alam kong cake ang laman. "Cake lang ang nadala ko. Gusto mo bang kumain tayo sa labas ngayon?" Tiningnan niya ang kaniyang wrist watch. "Maaga pa naman, oh. Let's go?" anyaya niya.
"Huwag na, Irv." mabilis na pagtanggi ko. "Salamat na lang dito." Tinanggap ko ang paper bag at ang bouquet ng bulaklak. "Mukhang galing ka pa sa biyahe kaya umuwi ka na muna at magpahinga." Ibinaba ko ang mga hawak ko sa mesa at pinigilan ko ang maluha.
"Why? Bawal ba akong matulog dito?" nakangiti niyang tanong at tumingin pa sa taas kung nasaan ang kuwarto ko. Ilang beses na kaming magkatabi matulog pero ni minsan ay hindi rin niya ako ginalaw.
"Hindi naman sa ganoon." pagsisinungaling ko dahil ayaw ko na siyang makatabi at makasama pa. Hindi ko na nga matagalan ang presensya niya ngayon. Sobrang sikip na ng dibdib ko at parang gusto na lang dukutin dahil hindi na ako makahinga. Ayaw ko nang pahirapan pa ang sarili ko.
Tama na iyong apat na taon na pagdudusa ko sa pagmamahal sa kaniya na kahit kailan ay hindi niya nasuklian. Ayaw ko nang maging kawawa. Kung ano ako dati, wawakasan ko na 'yon ngayon. Matagal na akong nasasaktan kaya panahon na rin na sarili ko naman ang unahin ko. Utak ko na rin ang kailangan kong pairalin.
"'Yon naman pala. Gusto kitang makatabi matulog ngayon para naman makabawi ako sa dalawang buwan na wala ako."
"Hindi ka na makakabawi pa sa 'kin, Irv." Basta na lang 'yong lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin napigilan ang maiyak. Napapagod na akong magpanggap na kaya ko pang magtiis sa kaniya.
"What are you talking about?" At nagmaang-maangan pa talaga siya. Ang galing din niya pagdating sa acting-ngan, eh. Ako naman itong si tanga na nagpa-uto, hayon at naniwala. Kinarer pa talaga ng apat na taon bago natuto. Mabuti na lang at dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay ko.
Hahawakan sana niya ako pero pinigilan ko siya. Umatras din ako palayo sa kaniya. "Alam ko na ang lahat, Irv." Nagbago ang hilatsa ng mukha niya at napayuko. Hinintay ko siyang magsalita habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.
"I...I'm so sorry, Uly." mababa ang tinig na aniya. Mabuti at umamin siya dahil kung itinanggi pa niya ang tungkol do'n, baka masaktan ko siya nang wala na sa lugar.
Pero kahit ilang sampal pa ang igawad ko sa kaniya, hindi pa rin iyon sapat sa ginawa niya.
"M-minahal kita nang buo, Irv, pero ano'ng ibinalik mo sa 'kin?" Nag-angat siya ng tingin at kita ko ang awa sa mga mata niya. Mabuti naman at may konsensya pa siyang natitira para sa akin. Now I can't imagine na nagawa ko siyang mahalin sa kabila ng mga ginawa niya. I'm so stupid for letting him to hurt me again and again.
"Sasabihin ko sana sa 'yo, pero..." Napahilamos siya ng kaniyang mukha. "Hindi ko magawa dahil alam kong masasaktan ka. I'm really sorry, Uly." Lumuhod siya sa harapan ko.
"S-sana noon mo pa ginawa, Irv! Sana noon pa dahil sobra na akong nasasaktan ngayon! Ang tagal-tagal na no'n. Ginawa mo lang akong tanga!" Pinulot ko ang bulaklak na dala niya at hinampas iyon sa ulo niya. "Ang laki ko ring tanga, eh. Matagal ko nang alam pero minahal pa rin kita kasi...umaasa ako na makikita mo rin 'yon."
"I don't deserve you, Uly. Alam kong hindi mo ako mapapatawad ngayon, pero pinagsisihan ko na nasaktan kita nang ganito. Forgive me, Uly, pero si Xyrel talaga ang mahal ko." Parang sinaksak ng napakaraming karayom ang dibdib ko sa narinig.
Ganito pala ang pakiramdam kapag siya na mismo ang nagsabi na hindi ako ang mahal niya. At ito pala iyong sakit na sinasabi ng iba na gugustuhin mo lang na mamatay kaysa dalhin pa iyon at maghintay ng matagal para tuluyan iyong maghilom.
"T-tumayo ka diyan," utos ko sa kaniya na kaagad naman niyang ginawa. Kita ko sa mukha niya ang pagsisisi pero hindi ko siya mapapatawad nang ganoon kadali.
"Uly..." Hinayaan kong ipakita sa kaniya kung gaano ako ka-miserable sa mukha ko pa lang. "You're a good woman but my heart beats for someone else. Ako ang may kasalanan ng lahat at hindi ikaw, so please don't blame yourself. You'll be better off without me, Uly."
"You're right," pagsang-ayon ko. "Kaya hindi ko na 'to patatagalin pa. Matagal naman na tayong tapos at ako lang ang patuloy na kumakapit... kaya panahon na rin para bumitaw ako."
"I'm really sorry." Hindi ko pinansin ang paulit-ulit niyang sinasabi. Hindi mababago ng sorry niya ang ginawa niya sa 'kin. Pumikit ako at huminga nang malalim para sa kasunod kong sasabihin.
"Y-you can go now, Irv, but please don't ever come back. H-hahayaan kitang maging maligaya sa kaniya. So go now, tapusin mo na ang paghihirap ko. H-hanggang dito na lang ako..." Tumalikod ako sa kaniya at tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang paggawa ng ingay ng aking mga hikbi.
"M-maraming salamat, Uly. Sana balang araw ay mapatawad mo ako. At sana, mahanap mo rin ang lalaking magmamahal sa 'yo at hindi ka sasaktan kagaya nang ginawa ko. Maswerte siya kapag natagpuan ka na niya."
Yumuko lang ako habang patuloy na nakikinig sa mga sinasabi niya. Naramdaman ko namang lumapit siya sa aking likuran at niyakap ako nang mahigpit. Hinayaan ko na lang siyang gawin iyon dahil wala na akong lakas para pigilan pa siya.
"Huwag mong isipin na 'di kita minahal. Yes, I didn't give you my heart but I considered you as my friend. Mahal kita bilang isang kaibigan, Uly. I'm sorry kung hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa 'yo."
Nagtungo siya sa harapan ko at inangat ang aking mukha. Nananatili naman akong nakapikit at impit na umiiyak. "Thank you for everything, Uly. I will never forget you, and I'm going to miss you." Hinalikan niya ako sa noo nang matagal bago niya ako binitawan at iniwan.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ko nagawang dumilat at nilingon ang pinto kung saan siya lumisan. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at niyakap ang sarili ko. Hindi sana ako mahihirapan nang ganito kung nandito lang si Zael.
Nang muli ko siyang maisip, mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa mga huling sinabi ni Irv. I did the right thing. Mahihirapan lang kaming dalawa kung hindi na ako mismo ang bibitaw. Kailangang may magsakripisyo para sa tama at kung anong nararapat gawin. It's a game over, and I'm a loser.
"Z-zael, nasaan ka na. K-kailangan kita." Inilibot ko ang paningin sa paligid para makita kung nandito ba siya, pero wala. Napahiga na lang ako sa sahig at hihintayin ko na lang na maubos ang mga luha ko. "Z-zael," buong puso kong bulong sa pangalan niya. "P-please come back and s-save me..."
A/N: Ay nako, mahirap na kung di ako mag-ud ngayon! Haha!
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...