Chapter 22
ULYSSESS
"HEY! You okay?" Para akong robot na napalingon kay Irv. Ang kaibahan nga lang, hindi ako expressionless dahil nanlalaki ang mga mata ko.
"Are you kidding me? There are five monsters in front of me and then you're asking me if I am okay? What the fuck, Irv! Just take a look! All of them are trying to get on my way!" nagpapanic kong sikmat sa kaniya.
"Relax. Nakikilala ka nila. Pfft." Sumiksik ako kay Erin na lumapit sa akin at inakbayan ako. Pero siniko ko siya sa tagiliran niya.
"You want me to relax?" Ang limang halimaw ang tila sumagot sa akin nang umungol ang mga ito. "W-what are they?" Nag-iwas ako ng tingin nang sa akin pa rin ang mga mata ng limang halimaw. That's a stupid question pero hindi ko alam kung anong klase sila pero lahat sila ay mayroong mga pakpak.
Iyong tatlo, kulay itim ang mga ito at parang katulad nila iyong mga klase ng dinosaur na lumilipad. Ang kaibahan nga lang, may malapad na parte ang likuran ng mga katawan nila na parang Pague. Parang alam ko na kung bakit sila ang magiging transportasyon namin.
Kulay berde ang mga mata nila at may matutulis na tenga at gayon din ang ilong at mga paa at kamay. Wala silang mga balahibo na tila binalatan pero makintab iyon na klase ng pagka-itim. Marami ang mga mata nila na halos ukupahin na ang kanilang buong mukha. Parang mga pinya lang.
Iyong dalawa naman ay parang mga agila ang hitsura. Pero hindi ko gusto ang mga balahibo nila dahil parang tinik ng Durian. Kapareho pa ng kulay. Kulay ginto naman ang mga mata nila at may mga sungay na parang sa isang Usa. Ito yata ang reindeer nila rito, eh.
"W-wala bang iba sa mga 'yan?" pabulong kong tanong. I was expecting na may Pegasus o Griffin na alaga si Zael. "K-kasi ano..." Hindi ko na itinuloy ang pagsasalita. Papalapit kasi sa direksyon ko ang mga halimaw. "Uy! Baka lapain nila ako!" Natataranta akong kumapit sa mga braso nina Irv at Erin. "Uy! Pigilan niyo ang mga 'yan, ano ba!" ungot ko sa kanila nang wala silang ginagawa.
"Tsk. Go and touch them, Uly." Napalingon ako sa nagsalitang si Glizen. Sumimangot ako sa kaniya. Baliw ba siya? Natatakot nga ako, hinihikayat pa niya akong hawakan ang mga halimaw at makipag-socialize? "They won't hurt you. Zael's scent is all over you, and that means, their loyalty is also for you. So, go. Huwag kang OA."
"Try mong maging ako at nang malaman mo kung bakit ako OA!" balik ko sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang sabihan akong OA. Siya na lang ang maging ako. Hindi ako nakapalag nang hilahin niya ako mula sa mga bisig nina Irv at Esin. At ang mga walang'ya, halos ipagtulakan pa ako.
Nagpabigat ako kay Glizen pero isang hila lang niya sa akin, wala na akong kawala at nalugmok na ako sa mga paa ng isa sa mga halimaw nang itulak niya ako. At ngayon, pinapalibutan na ako at nakadungaw sa akin ang mga halimaw.
"Ah, guys!" tawag ko sa mga lalaki pero walang sumagot. Nanginginig na tumayo ako na parang walang gravity sa paligid ko. Halos ayaw ko nang gumawa ng kilos. "G-guys!" pagtawag kong muli sa kanila pero mga walang'ya talaga sila at 'di man lang sila naaawa sa akin. Mukhang balak nila akong ipakin sa mga halimaw. Isusumbong ko sila kay Zael kahit multo na ako!
"Just touch them, Uly! Kailangang may bond ka sa kanila kung gusto mong pasakayin ka nila." ani Animer. Gusto ko siyang sampalin. In the first place, hindi ko plano ang sumakay sa kanila. At anong bond ang sinasabi niya? Wala akong talent magpaamo ng mga halimaw—well except kay Zael.
"W-whoa! Whoa!" Iniharang ko ang mga kamay nang ilapit sa akin ang mukha ng isang halimaw. Nakadiwal siya at parang gusto akong dilaan. "Uy huwag! Baka may rabies ka!" Napatigil naman ito at parang nakikita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya. Parang nasaktan ako sa hitsura niya dahil sa sinabi ko. "S-sorry."
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasíaMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...