Chapter 13

147 13 0
                                    


Chapter 13

ULYSSESS


"WALA ba talaga kayong alam kung nasaan si Zael?" Iling lang ang naging sagot ng kambal. "Nakikinig ba talaga kayo sa 'kin?" Tumango naman silang dalawa habang nasa TV pa rin ang mga mata. "Eh, kung patayin ko muna iyang TV, ibibigay niyo na ba sa 'kin ang buong attensyon niyo?" Napangisi ako nang sabay silang lumingon sa 'kin at nakasimangot akong tiningnan. Itinago pa ni Erin sa likuran niya ang remote control.

"Hindi talaga namin alam, Ate. Huli namin siyang nakita ay noong isang taon pa. Noong time na nalasing ka. After that, hindi na siya nagparamdam maging sa amin. Hindi na nga rin niya kami kinakausap kahit sa isip lang." paliwanag ni Erin habang nasa pinapanood pa rin ang tingin.

"You guys can do that?" mahinang usal ko. "Parang mind link, ganoon?" Tumango lamang sila. "Whoa, you guys are awesome!" Umupo ako sa tabi nila at nakinood na rin. Napangiwi ako dahil Oggy and the Cockroaches ang palabas sa channel ng cartoon network. "Ano ba 'yang pinapanood niyo. Pambata!"

"Bakit? Bata lang ba ang puwedeng manood nito?" masungit na balik nila sa 'kin. Ang seryoso pa ng mukha nila habang nanonood nang walang kakurap-kurap. Pero namangha talaga ako.

Maliban sa kaya nilang makabasa ng isip, kaya rin pala nilang makipag-usap kahit nasa malayo. Akala ko mga taong-lobo lang ang nakakagawa no'n.

"We're not vampires for nothing. I mean, we're not the ordinary ones." Nasa tono ni Esin ang pagmamayabang. Na-curious naman ako. Hindi ko pa sila nakakausap tungkol sa kanila at kung sino ba talaga si Zael. Ang alam ko lang, isang sangganong bampira ang isang 'yon doon sa mundo nila.

"Ilang taon na ba si Zael?" Sinimulan kong magtanong tungkol sa edad niya. Sana naman ay nasa thirties pa siya at hindi iyong mas matanda pa sa mga ninuno ko kung saang family tree man ako nabibilang.

"Five hundred and sixty years old lang naman siya." Muntik na akong malaglag sa kinauupuan dahil sa narinig. Napatakip ako ng bibig habang namamangha ko silang tiningnan. Naka-pokerface naman na nilingon nila ako para ipakitang hindi sila nagbibiro. "Five. Six. Zero." pag-uulit ni Esin na ipinakita pa sa 'kin ang mga daliri niya sa bawat bilang.

"Nila-lang niyo lang iyong 560 years? My goodness! Ang tanda na pala ng bampirang 'yon!" Napalunok ako at napatingala sa kawalan dahil na-realize kong... "Na-in love ako sa isang 560 years old na bampira." Hindi naman sa nag-iba ang tingin ko kay Zael, it's just that— I shrugged the thought away. "Hmmm. Hindi naman masama." Napakagat labi ako nang maalala ang taglay niyang kaguwapuhan. "Age doesn't matter naman, eh." nakabungisngis ko pang dagdag.

"Kaya totoo iyong sinasabi nilang "Love is blind" , Ate." Kinurot ko sa tagiliran si Erin. "Aray ko naman! What was that for?" Napapangiwing hinihimas niya ang parteng kinurot ko. "Totoo naman ang sinasabi ko, eh. 'Di ba, bro?" Parang may string naman ang leeg ni Esin dahil sa ginawa niyang sunod-sunod na pagtango.

"He's a vampire, a barbaric one, but you still love him despite of that. No'ng biniro ka namin na patay na siya, doon namin nakita kung gaano mo siya kamahal. So for me, it's a big yes. Love is blind and you're the proof." Napangiti ako sa kanilang dalawa at lumipat ng pwesto sa may gitna nila.

"Sinong mga magulang niyo? Nakilala niyo ba sila?" Inakbayan ko sila pareho at palipat-lipat ang lingon ko sa kanila kung sino ang sasagot sa tanong ko. "Come on! Answer me or I'll turn off the TV." Napaungol sila bilang protesta. Kasabay pa no'n ang inis ding pag-ungol ni Oggy.

"Fine." Pinatay ni Esin ang TV. Umayos naman ako ng upo para makinig sa mga sasabihin nila. "Nakilala naman namin ang aming mga magulang dahil sinabi iyon sa amin ni Kuya Zael nang magka-isip kami." Kay Erin naman ako bumaling ng tingin.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon