09

891 44 12
                                    

Mia

"Teka lang Mia! May nakalimutan pa akong kunin!"

Sabi ni Veronica at napabuntong hininga naman ako. Kanina pa kami nag-iikot ikot dito sa store at sa dinami-dami ng kinuha nya may nakalimutan pa sya.

"Mauna ka ng pumila ha!"

"Teka--"

Di ko na natapos sasabihin ko ng umalis na sya. Muli akong napabuntong hininga at wala ng nagawa kundi pumila na. Siguraduhin nya lang makabalik sya agad. Ayoko pa naman yung ganto. Saktong ako na yung nasa cashier ay nakabalik na si Veronica.

Habang scinascan lahat ng pinamili naman ay nakatingin lang ako sa may harapan. Pero maya-maya may nakita akong isang pamilyar na lalaki na dumaan. Si Jeongin kaya talaga yun o baka namamalikmata lang ako?

Natauhan ako ng marinig kong tinatawag na ako ni Veronica at nakasupot na pala lahat ng mga pinamili namin. Pagtapos ay umalis na kami at kagaya ng sinabi nya ay nilibre nya ako ng paborito kong shawarma.

...

"Salamat nga pala, Mia ah! Mauuna na ako!"

"Sige, mag-iingat ka ah."

Paalala ko at nginitian nya nalang ako tsaka naglakad paalis. Ng makaalis na sya ay naglakad na rin ako pauwi. Nakapamulsa ako habang naglalakad at maya-maya may naramdaman akong pumatak sa ulo ko dahilan para mapatingala ako sa kalangitan. Inilahad ko ang aking palad at meron pumatak.

Umaambon.

Kinuha ko agad sa bag ko yung payong. Yung payong na pagmamay-ari ni Jeongin pero binigay nya na sa akin. Maya-maya ay lumakas na yung ambon kaya medyo binilisan ko na ang paglakad ko. Medyo humahangin rin ng onti kaya napakapit ako ng mahigpit sa payong. Baka mamaya kasi tumalsik to ng wala sa oras.

Maya-maya ay lumakas na yung ulan at yung hangin kaya kahit naka payong na ako ay nababasa pa rin ako. Ba't ang lakas ng ulan?? Napadaan ako sa isang maliit na convinience store kaya naisipan kong pumasok muna dun. Pagpasok ko dun ay pinunasan ko ang aking sarili at inilagay yung payong ko sa lagayan ng mga payong.

"Grabe, ang lakas naman ng ulan..."

Sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko yung ulan sa may bintana nitong convinience store. Habang hinihintay kong humina yung ulan ay bumili muna ako ng cup noodles since nagugutom nanaman ako. Naupo ako dun sa upuan katapat lamang ng bintana.

Pagtapos kong hipan yung noodles ko ay kinain ko na ito. At naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Hi."

Sabi nung naupo sa tabi ko. Eh?? Dahan-dahan akong napatingin sa katabi ko at nanlaki mga mata ko ng makita ko si Jeongin na nakatingin at nakangiti sa akin. Dahil sa gulat na makita sya ay muntikan ko ng maibuga tong noodles na nasa bibig ko. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at narinig ko naman syang tumawa.

Fucc! Ba't andito rin sya? So, sya nga talaga yung nakita ko kanina dun sa supplies store?

"Ang lakas kasi ng ulan kaya dito muna ako.."

Rinig kong sabi ni Jeongin. O tologo ba--- de joke. Nilunok ko na yung kinakain kong noodles bago humarap sa kanya.

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon