48

696 33 0
                                    

Mia

"Wala na akong nararamdaman para sayo."

Hanggang ngayon di ko pa rin maalis sa isipan ko yung sinabi ni Jeongin na yun. At di ko alam bakit naiiyak at nasasaktan ako at the same time.

"Mia?"

Agad ko pinunasan yung luha mula sa mata ko ng marinig kong may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si s.coups.

"H-hi.."

Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. Naupo sya sa tabi ko at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Umiiyak ka ba?"

Tanong nya at agad ako napaiwas ng tingin sa kanya.

"H-hindi..."

I lied. Bigla nya nalang nilapit ang kanyang kamay sa mukha ko. Akala ko anong gagawin nya pero pinunasan nya lang pala yung natitirang luha sa aking mata.

"Tch. Bakit ka umiiyak?"

Seryoso nyang tanong sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa sahig.

"W-wala. May naalala lang ako.."

"Dahil ba dun sa Jeongin na yun? Anong ginawa sayo ng lalaking yun? Sinaktan ka ba nya?"

Sunod-sunod nyang tanong. Agad ako napailing.

"H-hindi! W-wag mo ng idamay si Jeongin dito.."

Kahit sya naman talaga ang dahilan kung bakit ako umiiyak at nasasaktan ngayon. Hays. Kasalanan ko rin naman.

"Kung sino man ang nagpaiyak sayo, lagot sa akin yun. Don't worry, Mia. Andito lang ako para protektahan ka."

Sabi nya at napangiti nalang ako. Kahit papaano gumaan na yung pakiramdam ko, thanks to him. Tumayo na sya at pinagpagan ang sarili.

"Tara, libre kita ng ice cream. Sabi kapag malungkot ka kumain dapat ng ice cream."

Sabi nya. Di ko maiwasan matawa sa sinabi nya. Tumayo ako at tsaka humarap sa kanya.

"Sino nagsabi nyan, ha?"

"Ako malamang."

Sabi nya sabay kindat sa akin. Natawa nalang ulit ako at pumayag nalang rin.

"O sige na nga."

"Yowwwwn!"

Wika nya. Pumunta sya sa may likod ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. At tinulak na ako palabas sa school. At least medyo nakakangiti na ulit ako..pero di ibig sabihin nun na ok na ako...

Ang sakit pa rin. Sobra..

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon