Mia
Lumabas na agad ako sa room para makakain na ng lunch. Saktong paglabas ko ng room ay nakita ko si S.coups na inaantay ako. Ng makita nya ako ay ngumiti sya sa akin at kinawayan ako. Napangiti nalang rin ako ng makita sya.
"Tara, lunch na tayo."
Sabi nya ng makalapit na sya sa akin. Tumango nalang ako at sabay na kami naglakad papuntang canteen.
Ng makarating na kami sa canteen ay bumili na agad kami ng pagkain namin. Naghanap na agad ako ng mauupuan namin dahil my binili pa si S.coups. Bitbit ang aking tray, natigilan ako ng makita ko si...Jeongin. Napatingin rin sya sa akin. May kung anong kumirot sa aking puso ng makita sya..
Umiwas agad ako ng tingin at naglakad na. Ng makaglagpas na ako sa kanya ay narinig kong tinawag nya ako.
"Mia.."
Pinilit kong wag lumingon sa kanya. Pero di ko kaya. Lilingon na sana ako ng biglang dumating si S.coups at inakbayan ako.
"Tara Mia dun tayo maupo o."
Sabi ni S.coups sabay turo dun sa isang lamesa sa gilid. Tumango nalang ulit ako at sabay na kaming naglakad papunta sa lamesang yun.
"Kalimutan mo na si Jeongin, Mia."
Biglang sabi sa akin ni S.coups ng makaupo na kami. Tinignan ko sya at nakatingin lang sya sa akin diretso sa aking mata. Maybe, tama sya. Dapat ng kalimutan ko na si Jeongin. Mahirap man para sa akin na gawin yun, pero, kakayanin ko. Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ng kumain.
• • •
Jeongin
"Dude.."
Napatingin ako sa aking gilid at nakita si Chan hyung. Napatingin rin sya kung san ako nakatingin, kayla Mia.
"Alam mo, walang mangyayari kung titignan mo lang sya. Ba't di mo nalang sya kausapin?"
Tanong nya sa akin. Napabuntong hininga ako ng maalala ko yung mga masasakit na salita na sinabi ko kay Mia. Alam kong galit sya sa akin ngayon at di ko naman sya masisisi. Kasalanan ko rin naman eh..
"Sinabi ko rin naman sa kanya na wala na akong nararamdaman para sa kanya.."
"Wala na nga ba?"
Tanong ni Chan hyung sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso. Muli kong tinignan si Mia.
"Nagsinungaling ako, hyung. Mahal ko pa rin sya.."
...
an: heyyy. just wanted to tell you guys na malapit ng matapos to. hihi ~
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
Random❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3