21

837 37 6
                                    

Mia

Saktong pagring ng bell ay lumabas na agad ako sa room para makapaglunch na. Last day na ngayon ng preparations para sa School Fair, dahil bukas na mismo gaganapin yun kaya todo busy na ang lahat ngayon dito.

Habang naglalakad ako sa corridor papuntang canteen ay akala ko makakasalubong ko o makita man lang si S.coups pero nakakapagtaka dahil di ko sya makita. Pumunta rin ako sa room nya at wala rin sya dun. Di naman sa di ako sanay na wala sya sa tabi ko, nakakapagtaka lang.

Matapos kong bumili ng pagkain ko ay naghanap na agad ako ng mauupuan ko. Nakita ko si Jeongin at babatiin ko sana sya eh kaso kasama nya pala yung mga kaibigan nya. Baka isnob nya lang ako..Napabuntong hininga nalang ako at nilagpasan sila. Ng mapadaan ako sa lamesa nila ay ramdam kong nakatingin sya sa akin pero di ko na iyon pinansin. Ng makahanap na ako ng mauupuan ko ay sinimulan ko na agad kumain.

...

Jeongin

Bakit mag-isa lang sya? Asan na yung lalaki na palagi nyang kasama?

"Uy!"

Natauhan ako ng tapikin ni Chan yung balikat ko. Agad ako napatingin sa kanya.

"Ano yun?"

"Kanina pa kasi kita tinatawag. Ok ka lang ba?"

Tanong nya. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa pagkain ko na halos di ko pa nagagalaw / nababawasan.

Gusto kong lapitan si Mia ngayon. Eh kaso baka kung ano nanaman isipin ng mga to.

Napatingin muli ako kay Mia at pinagmasdan syang kumain. Mukha naman syang ok pero alam kong malungkot sya.

"Ikaw Jeongin ah! Tinitignan mo ba yung babaeng yun?"

Biglang sabi ni Jisung sabay turo dun kay Mia. Agad ko sya sinaway.

"Wag ka ngang magulo."

"Luh? Ba't parang galit ka? Psh, nagbibiro lang naman eh."

Sabi nya at sinaway naman rin sya ni Woojin. Di ko na nakain yung pagkain ko at patuloy na pinagmasdan lamang si Mia. Ng matapos na silang kumain ay nagsialisan na sila.

"Di ka ba sasama, Jeongin?"

Tanong sa akin nila Felix.

"Mauna na kayo, hyungs. Susunod nalang ako."

Sabi ko at umalis na sila. Ng makaalis na sila ay tumayo ako at lalapitan na sana si Mia kaso natigilan ako ng makita kong...andun na yung lalaki na palagi nyang kasama. Di ko alam kung bakit may kung anong kumirot sa puso ko ng makita kong nakangiti sya habang kausap yung lalaking yun.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad nalang palabas.

...

Mia

"San ka ba galing?"

Tanong ko kay S.coups. Bago nya sagutin yung tanong ko ay kinuha nya yung tubig na binili ko at diretsong ininom iyon. Ayos ah!

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon