33

715 31 4
                                    

Mia

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinuha ko cellphone ko sa lamesa sa gilid ng kama ko at nakitang tumatawag sa akin sa messenger si S.Coups. Tsk, ang aga-aga ba't tumatawag sya? Napabuntong hininga ako tsaka sinagot ang tawag nya.

"Hello?"

"Yow! Magbihis ka na!"

"Bakit?"

"Sabi mo gala tayo! Tara na!"

Teka? Kelan ko sinabi na--- ay oo nga pala, minessage ko nga pala sya kahapon.

"Tsk, mamaya na. Ang aga-aga pa eh.."

"Aga ka dyan! Mag-aalas dose na ng tanghali oy! Bangon na!"

Napabangon agad ako ng marinig ko sinabi nya. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na ngang mag 12:00 ng tanghali. Shit!

"Yow? Yow?"

"Oo na, oo na. Maliligo na ako."

"Yuck di ka pa naliligo? Kaya pala amoy na amoy dito eh."

"Ulol s.coups. sige na."

Sabi ko at binaba na yung tawag. Tumayo na ako at tsaka naligo na. Pagtapos kong maligo ay nagbihis na ako. Pagtapos ay bumaba na ako tsaka nagpaalam kayla Mama at dumiretso na sa labas at dun kami sa convinience store nagkita ni S.coups.

...

Naisipan namin na sa mall nalang gumala. Sabado ngayon kaya marami ang nandito rin ngayon.

"Gusto mo nood tayo sine?"

Biglang tanong sa akin ni s.coups. Naalala ko tuloy bigla sila Jeongin at Veronica. Sabi sa akin ni Jeongin na manonood rin sila ng sine ngayon. Paano kung nandito rin sila? Ano magiging reaksyon ni s.coups? Naku, baka magwala sya! Pero, baka naman sa ibang mall sila. Tama.

"Yow. Tulala ka nanaman dyan."

"S-sorry. Sige."

Sabi ko at dumiretso na kami sa may cinema area. Habang hinihintay kong bumili ng tickets si s.coups ay nakatayo lamang ako sa gilid. Patingin-tingin ako sa palagid, baka mamaya andito rin pala sila Jeongin. And when that happens, I don't know what'll happen. Kumalma ka nga, Mia. Baka naman wala sila dito at nasa–

"Mia?"

Napatingin agad ako sa gilid ko ng marinig kong may nagsabi ng pangalan ko. Nanlaki mga mata ko ng makita ko sila Jeongin.

"M-mia, andito ka rin pala."

Sabi ni Veronica at parang di sya kumportable ng makita ako.

"Sino kasama mo?"

Tanong sa akin ni Jeongin. Magsasalita na sana ako eh kaso dumating na si s.coups dala-dala ang tickets na binili nya para sa aming dalawa.

"Let's goooo Mia nabili ko na----"

Natigilan sya ng makita sila Veronica at Jeongin. Kinabahan ako ng makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni s.coups. shit! No!

"Manonood rin kayo ng sine?"

Tanong sa akin ni Veronica. Napatingin ako sa kanya at kay S.coups na ang lungkot ng mukha. Agad ko nilapitan si s.coups.

"A-ah, oo. Hehe, sige mauuna na kami. Enjoy kayong dalawa ah!"

Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa at hinila palayo si S.coups. phew, akala ko magwawala sya. Ng makalayo na kami sa dalawang yun ay tumigil na ako at tsaka humarap kay s.coups na hanggang ngayon ang lungkot pa rin ng tsura.

"A-ang sakit makita syang may kasamang iba.."

Sabi ni s.coups. Napabuntong hininga ako at napatingin kayla Jeongin at Veronica na pumasok na sa loob ng sinehan.

"Wag ka mag-alala, di lang ikaw ang nasasaktan dito.."


UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon