18

845 39 7
                                    

↑ s.coups ♡

Mia

"MIAAAAAAA!!"

Napalingon agad ako ng marinig kong may tumawag sa akin at nakita ko si Veronica. Ng makalapit na sya sa akin ay niyakap nya ako ng mahigpit.


"MIA! SORRY KUNG DI NA AKO NAKAKASABAY SA IYO PAG LUNCH! SADYANG BUSY LANG TALAGA KASI AKO EH! SORRY!"

Mangiyak-iyak nyang sabi. Tinaas ko kamay ko at dahan-dahan tinapik ang likod nya. Aaminin ko namiss ko na rin sya kasama.

"Ok lang, tsaka, may nakasabay naman ako eh."

Sabi ko at agad sya kumalas sa yakap. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko sabay sabing,

"Sino?! Pinagpapalit mo na ako?!"

Tinignan ko sya ng seryoso at tinanggal yung mga kamay nya sa aking balikat.

"Baliw hindi. Niligtas nya kasi ako nung muntikan na ako maaksidente sa canteen. Dahil nahulog pagkain ko eh sya na ang bumili para sa akin."

Paliwanag ko at bigla nalang nag-iba yung ekspresyon ng mukha nya. Nakangiti na sya ngayon sa akin, ngiting nang-aasar.

"Ikaw ahh~ Sino yan at anong pangalan nya?"

"Sya si S---"

Di ko na natapos sasabihin ko ng lapitan kami ng isang babae.

"Veronica! Tara tulungan mo muna kami."

Sabi nung babae. Napatingin sa akin si Veronica at mukhang nagdadalawang isip sya kung aalis sya o magstastay dito sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan yung braso nya.

"Sige na, Veronica. Tulungan mo na sila."

"Pero, pano---"

"Ok lang ako mag-isa. I promise."

Sabi ko. Ngumiti nalang rin sya at niyakap muli ako bago sila umalis. Di pa sila nakakalayo ay lumingon ulit sya sa akin.

"PROMISE KO SAYO MIA LILIBRE KITA NG SHAWARMA PAGTAPOS NITO!"

Sigaw nya. Natawa nalang ako at nagthumbs up sa kanya. Ng makaalis na sila ay tumalikod na ako at maglalakad na rin sana pero natigilan ako ng biglang may humarang sa akin. Akala ko si S.Coups lang yun pero pagtingala ko ay bumilis nanaman tong tibok ng puso ko ng makita si Jeongin.

"J-jeongin!"

"Hmm, para ka nanaman nakakita ng multo dyan."

Sabi nya at di ko alam sasabihin ko. Shet sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Nagulat ako ng bigla nyang inilapit yung kamay nya sa mukha ko. Akala ko anong gagawin nya but he just poked my cheeks. Parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng dumikit yung daliri nya sa pisngi ko. FUCCCC!!! Wala na syang ibang sinabi at naglakad na palayo habang nakapamulsa. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga na ng maluwag pero bigla nalang sya tumigil at lumingon sa akin.

"Oh."

Sabi nya sabay bato sa akin ng isang pagkain. Agad ko yon sinalo at isang chips pala ito. Nagtataka akong napatingin dun sa chips at sa kanya.

"Para san---"

"Eat it."

Sabi nya sabay ngiti sa akin. Yung puso ko mga nakshiiii! Naglakad na sya palayo habang ako naiwan namang nakatulala dito. Maya-maya may bigla nalang umagaw ng chips mula sa kamay ko. Pagharap ko sa gilid ko ay nakita ko na si S.Coups.

"Wow, para sa akin ba to? Thank you."

Sabi nya. Tinignan ko sya ng masama at kinuha muli sa kamay nya yung chips na bigay ni Jeongin para sa akin.

"Akin to!"

"Pfft. Tara na, kain na tayo nagugutom na ako."

Sabi nya at nagulat ako ng akbayan nya ako. Tatanggalin ko na sana yung braso nyang nakapulupot sa aking balikat pero hinila na nya ako papunta sa canteen.

...

Pagtapos namin kumain ni S.Coups ay sinabi nyang samahan ko daw muna sya. Since wala naman kaming ginagawa ay pumayag nalang rin ako. Sa gym kami ulit pumunta at pagpasok namin dun ay nakita ko yung mga kaibigan ni Jeongin. Kung nandito mga kaibigan nya, edi andito rin...Namataan ko agad si Jeongin at ng mapatingin sya sa direksyon namin ay agad ako nagtago sa likod ni S.Coups.

"Hey. Ba't ka nagtatago sa likod ko?"

"Andyan kasi sya."

Sabi ko.

"Who??"

"Si Jeongin!"

"Sino si Jeongin?"

"Ako."

Nanlaki mga mata ko ng marinig ko boses ni Jeongin. Sumilip ako ng onti at nakita si Jeongin na nakatayo ngayon sa harapan ni S.Coups. Napatingin sa akin si Jeongin at agad ako umalis sa likod ni S.Coups.

"J-jeongin! A-andito ka rin pala.."

Puta Mia ano ba! Bigla naman nagsalita si S.Coups

"Ohhh. Diba sya yung nakita natin sa canteen nung isang araw? Tapos sinabi mo rin na g---"

Agad ko tinakpan yung bibig nya bago nya pa matapos yung sasabihin nya. Napatingin muli ako kay Jeongin na mukhang naguguluhan sa amin.

"H-hehe, s-sorry."

Sabi ko at hinila palayo itong madaldal na to. Ng makalayo na kami kay Jeongin ay binitawan ko na sya.

"Walang preno yang bibig mo, no?!"

"Sorry. Ayaw mo nun? Para alam na nya na may gusto ka sa kanya."

Sabi ni S.Coups sabay ngiti sa akin ng nakakaloko. Sinamaan ko nalang sya ng tingin at naglakad palayo.

"Mia! Joke lang yun! Uyyy!"

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon