Mia
Lunch break na at papunta na kami ngayon ni Veronica sa canteen. Sa mga oras na yon nakaramdam ako ng deja vu.
Baka mamaya makita ko nanaman si Jeongin at yung mga kaibigan nya."Oy! Mia!"
Natauhan ako ng bigla akong sigawan ni Veronica dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"A-ano yun?"
"Di mo ba ako naririnig? Liek kanina pa kita tinatawag. Ano ba iniisip mo?"
Tanong nya at napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Napahinga nalang ako ng malalim tsaka napailing.
Ng makarating na kami sa canteen ay pumila na kami, si Veronica ang nasa unahan ko at ako naman sunod sa kanya. Pinapauna ko na sya lagi since lagi naman syang gutom. Ng makapili na ako ng pagkain ko ay dumiretso na ako sa counter sa dulo.
"Kulang ka ng dalawang piso."
Sabi sa akin nung babae sa cashier. Ehh??? Hindi ba sakto yung binigay ko?? Kukunin ko na sana wallet ko ng biglang may nagsalita.
"Eto po."
May nakita akong isang kamay sa gilid ko at sya na nag-abot ng dalawang piso dun sa babae sa cashier. Napalingon ako at nanlaki mga mata ko ng makita ko si Jeongin.
"J-jeongin?"
Sabi ko. Napatingin naman sya sa akin at nginitian ako.
"Tatayo ka nalang ba dyan?"
Tanong nya at natauhan naman ako at halos magalit na sa akin yung mga nakapila rin kaya nag-sorry nalang ako sa kanilang lahat at binuhat yung tray ko tsaka naglakad paalis.
"D-di mo na kailangan gawin yun.."
Sabi ko kay Jeongin.
"Eh. At tsaka mas lalong tatagal kung kukunin mo pa sa wallet mo yung pera mo kaya ako na nagbayad."
"Bak---"
Di ko na natapos sasabihin ko ng may biglang lumapit kay Jeongin na mga grupo ng lalaki. Sila rin yung mga grupo ng lalaki na nakita ko nung isang araw. Matapos nilang magbatian ay napatingin sila sa akin at di ko tuloy maiwasan mailang.
"Ehh? Sabihin mo nga Jeongin, magkakilala ba talaga kayo??"
Sabi nung isa. Napatingin ako kay Jeongin na di na nakangiti at seryoso na ang tingin. Napahinga sya ng malalim sabay sabing,
"Sinabi ko na ngang di ko sya kilala, diba?"
Sabi ni Jeongin at di ko alam kung bakit nasaktan ako ng onti dun. Waw, parang kanina lang magkausap tayo tapos sasabihin mong di mo ako kilala? Alam kong kilala ako ni Jeongin pero, bakit nyang sinabing Hindi?
"Tara na.."
Sabi nya at naglakad na sila palayo habang ako naiwan namang nakatayo dito mag-isa. Napatingin ako kung nasan sila at nahuli kong nakatingin sa akin si Jeongin pero agad naman syang umiwas ng tingin sa akin at nakipag-usap na sa mga kaibigan nya. Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan sya.
Bakit ganyan ka, Jeongin?
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
De Todo❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3