12

768 41 22
                                    

Mia

Wala pa si Veronica at ang kasama ko ngayon kumain ay si...S.coups. Weird ng nickname nya. Naiilang tuloy akong kumain. Bukod sa di ako komportableng may iba akong kasama kumain, ay sya rin bumili nitong pagkain ko. Napatigil naman syang kumain at tumingin sa akin.

"Eh? Ba't di ka kumakain? Diba masarap yung napili ko?"

Sabi nya at umiling agad ako.

"H-hindi. Kasi...ikaw bumili nito at nakaka---"

"Sus. Oks lang yun. Sige na, kumain ka na baka lumamig pa yan."

Sabi nya at nagulat ako ng kunin nya yung kutsara ko. Sumandok sya ng kanin at ulam at tinapat iyon sa bibig ko.

"Say ahh~"

Sabi nya. Di ko maiwasan matawa at kinuha yung kutsara mula sa kamay nya.

"Ako na."

Sabi ko at sinubo na iyon. Napangiti lamang sya at pinagpatuloy kumain. Teka, parang ngayon ko palang sya nakita dito ah.

"Kakatransfer ko lang dito."

Bigla nyang sabi dahilan para manlaki tong mga mata ko. Ehh? Mind reader ba sya??

"Ok.."

Sabi ko at tumango-tango.

"Alam mo kung bakit ako nagtransfer dito?"

Sabi nya at nacurious tuloy ako.

"Bakit?"

"Dahil andito ang babaeng mahal ko."

Sabi nya sabay ngisi. Susss. Pagibig nga naman.

"Aish. Pano mo naman nalaman na andito sya?"

"Syempre, stinalk ko sya."

Sabi nya at parang proud pa sya na iniistalk nya kung sino man yun. Napailing-iling nalang ako sa kanya. Pagtapos nyang kumain ay tumayo na sya.

"Welp, kailangan ko ng umalis. May klase pa ako."

"Sige---"

"Ano nga pala name mo sa facebook? Add kita."

Bigla nyang sabi at napaatras ako ng lumapit sya sa akin.

"M-mia---"

"Great! Iaadd kita mamaya! Bye!"

Sabi nya at tumakbo na sya paalis at naiwan naman akong nakatulala dito.
A-anong nangyari?

Nakatanggap muli ako ng text galing kay Veronica at sinabi nyang di na sya makakasabay sa akin dahil may kailangan pa daw syang gawing importante.

Pagtapos kong kumain ay sinukbit ko na yung bag ko at saktong pagtayo ko ay nakita ko sila Jeongin. Di ko alam kung bakit natigilan ako ng makita ko sya.

Wala syang sinabi sa akin at ng tawagin na sya ng mga kaibigan nya ay umiwas sya ng tingin sa akin at naglakad na sila palayo.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na rin paalis.




UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon