30

763 36 4
                                    

Mia

"Grabe, tignan mo parang may concert dito!"

Sabi ni S.coups. Oo nga, parang may concert nga dito. Nakalubog na ang araw at gabi na. Kaya nagsisimula na ang after party. Sobrang lakas ng tugtog, isama mo pa ang malalakas na sigawan ng mga tao kaya nagsisigawan tuloy kami ni s.coups dito dahil di kami magkaintindihan. Sila Veronica at Jeongin? Aba malay ko sa dalawang yun. Di ko na sila pinuntahan pa baka makaistorbo pa ako sa kanila.

"Tara! Dun tayo!"

"Teka–"

Di ko na natapos sasabihin ko ng hawakan ni s.coups kamay ko at hilahin ako papunta sa kung san man nya ako dalhin. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni s.coups habang nakikipagsiksikan kami sa mga tao.

Akala ko makikisali kami dun sa mga nagpaparty pero nagtaka ako ng dumiretso kami sa loob ng school building. T-teka, ba't dito kami?

"H-hey, bat dito tayo?"

Tanong ko. Tinahak namin ang hagdanan papunta sa taas.

"Basta."

Rinig kong sabi ni s.coups ng di nya ako nililingon. Tinahak namin ang hagdanan paakyat hanggang sa makarating na kami sa rooftop. Ng makarating kami dun ay binitawan nya na ang kamay ko at nagsimula na syang maglakad papunta dun sa gilid.

"Ba't mo ako dinala dito??"

"Eh napansin ko na parang di ka sanay sa maraming tao kaya dito nalang kita dinala. Baka mamaya bigla-bigla ka nalang mahimatay dun."

Sabi nya at naupo dun sa railings. Naglakad ako papalapit sa kanya at di ko maiwasan mamangha ng makita ko yung ganap sa baba. Sobrang dami ng ilaw na iba't iba ang kulay na nakabukas at ang dami ring tao. Ang aesthetic tignan.

"Ang daming tao.."

Sabi ko. Narinig kong tumawa bigla si s.coups.

"Pfft. Obvious ba?"

Sabi nya. Tinignan ko sya ng masama at hinampas ang kanyang braso. Tumawa naman ang deputa.

"Hahahah joke lang."

"Tsk. Paano tayo bibili ng pagkain?"

Tanong ko. May kung ano syang kinuha sa likod nya at pinakita ito sa akin.

"Charan! Prepared ako syempre!"

Sabi nya at inabot sa akin yung pagkain na hawak nya. San nya nakuha to? Napatingin ako sa kanya na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga taong nasa baba. Buti pa sya nakakangiti ng ganyan despite na nareject sya ng taong mahal nya. Pero alam kong sa likod ng ngiti nya ay tinatago nya ang lungkot na nararamdaman nya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Salamat, s.coups."

Sabi ko nalang sa kanya. Napatingin naman sya sa akin at mas lalong lumapad ang ngiti nya.

"Syempre, we're bestfriends!"

Sabi nya sabay akbay sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya at mas mabuti ng makisabay sa trip nya.

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon