Mia
Active 3 minutes agoJeongin: mia..
Jeongin: mia asan ka na?
Jeongin: andito ako sa may school gate
Jeongin: mia?
Jeongin: pucha ba't di sya online?? | delete
Jeongin: mia asan ka na ba? | delete
Jeongin: mia asan ka?
Calling Mia...
Did Not Answer
Jeongin: fuck | delete
Jeongin logged out
• • •
Jeongin
Nakalimutan kaya nya yung sinabi ko? Bakit umalis sya agad? Ni hindi man lang nya ako pinuntahan o hinintay. Napabuntong hininga ako at tatawagan sana sya ulit ng biglang may tumawag sa akin.
"Jeongin.."
Agad ako napaharap sa gilid. Akala ko si Mia iyon pero yung kaibigan nya lang pala. Naglakad sya papalapit sa akin.
"Sino inaantay mo?"
Tanong nya.
"Nakita mo ba si Mia?"
"H-hindi eh..."
Sabi nya at napayuko. Pucha kaibigan nya di nya alam kung nasaan? Ibinulsa ko na yung cellphone ko at nagpaalam na sa kanya.
"Sige, kailangan ko ng umalis."
Maglalakad na sana ako eh kaso natigilan ako ng hawakan nya yung braso ko. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko at sa kanya.
"J-jeongin, pwede ba tayo mag-usap sandali?"
Sabi nya. Ano naman pag-uusapan natin? Napatingin ako diretso sa kanyang mata at nakitang may namumuong luha sa gilid ng mata nya. Tsk. Napabuntong hininga ako at sinabing,
"Sige."

BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
De Todo❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3