00

1.3K 52 21
                                    

Mia

Lumakas na yung ulan kaya wala na akong nagawa kundi humanap na ng masisilungan. Mabuti nalang rin may isang waiting shed kaya doon nalang ako sumilong. Ng makarating na ako dun ay pinunasan ko ang aking sarili dahil nabasa ako ng onti dahil sa ulan.

Nakalimutan ko nanaman dalin yung payong ko, hays!

Di ko rin naman matatawagan sila Mama dahil lowbat na cellphone ko kaya  hihintayin ko nalang tumila yung ulan.

Maya-maya naramdaman kong may tumayo sa gilid ko pero di ko iyon pinansin. Nagulat ako ng biglang may nagbigay ng payong sa akin.

"Gamitin mo na yan."

Napatingin ako sa taong nakatayo sa gilid ko na syang nagsalita at isang lalaki pala. Nakajacket sya na itim at mas matangkad sya sa akin.

"O-ok lang a---"

"Sige na, gamitin mo na."

Sabi nya. Napalunok ako dahil sa kaba at dahan-dahan kinuha mula sa kamay nya yung payong nya.

"P-pano ikaw?"

"Wag mo na ako alalahanin."

Sabi nya sabay ngiti sa akin at ako naman natameme ng dahil dun sa napakaganda nyang ngiti. Sa mga oras na yon naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Sinuot nya yung hood ng jacket nya at naglakad na paalis habang ako naiwan namang nakatulala dito.

Bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko?

Dahan-dahan ako napatingin sa payong nya na hawak ko. At mula dun sa may handle ay nakasulat yung pangalan nya..

Jeongin

So Jeongin pala pangalan mo, huh?

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon