12k Special

703 25 17
                                    

Lahat sila nagpunta sa bahay ni Jeongin para tumambay. Nakaupo silang lahat sa sala at may sari-sariling mundo ng biglang magsalita si Jeongin.

"Um, hyungs."

Ng masabi iyon ni Jeongin ay lahat napatigil at agad napatingin sa pinaka-bata nilang kaibigan.

"Ano meron?"

Tanong naman ni Chan at naupo sa tabi ni Jeongin. Napalunok naman sa kaba si Jeongin habang pinaglalaruan ang mga daliri.

"Diba next week na yung Masquerade Ball natin?"

Tugon nya at lahat ay nagsitanguan. Ilang araw na iyon pinag-iisipan ni Jeongin at hanggang ngayon ay namomoblema pa din sya. Namomoblema kung paano nya yayayain si Mia bilang ka-date nya para sa Ball na gaganapin next week.

"Excited na nga ako eh!"

Sabi naman ni Minho at napangisi sa sarili. Tinawanan naman sya ni Jisung at hinampas nung unan. Napahinga naman ng malalim si Jeongin at napasandal sa sofa na inuupuan nila ngayon.

"Ano kasi.."

"Kasi..?"

Nagtatakang tanong naman ni Woojin. Kinakabahan naman sabihin ni Jeongin dahil naiisip nya na baka pagtawanan sya ng mga kaibigan nya sa oras na sabihin nya kung ano ang problema. Maya-maya ay inakbayan naman sya ni Chan.

"Jeongin, kung may gumugulo man sa iyo, sabihin mo lang sa amin. Dali."

"Ano?! May gumugulo sa bebe natin?!"

Hysterical na sabi ni Hyunjin at agad naman syang binatukan ni Felix.

"Hyunjin ang OA mo talaga."

Sabi ni Felix at sinamaan naman sya ng tingin ni Hyunjin. Muling napahinga ng malalim si Jeongin at umayos ng upo. Bumilang muna sya sa isipan nya bago nya sabihin sa kanilang lahat.

"Wala naman gumugulo sa akin. Ano kasi, di ko alam kung paano ko yayayain si Mia na maging date ko para sa Ball."

Sabi nya at hinintay yung magiging reaksyon ng mga kaibigan nyang nakapaligid sa kanya. Bigla naman tumawa si Minho at dahil dun dalawang unan ang tumama sa mukha nya; na ibinato ni Jisung tsaka ni Felix. Si Chan naman ay kinilig maging yung iba maliban kay Changbin.

"Sus. Edi lapitan mo sya tapos sabihin mo na sya kadate mo. Tapos."

Sabi nya at maging sya ay nabatuhan ng unan ni Felix.

"Puta?! Anong ginawa ko?!"

"Ang panget naman kung ganun lang, no! Dapat bongga!"

Mataray na sabi ni Felix at napailing-iling nalang sa kanya si Changbin.

"Vaklang twoah!"

Natatawang sabi naman ni Minho. Bigla naman sumingit si Hyunjin.

"Akala mo naman di sya bakla."

"Hoy! Sinong nagsabing bakla ako, ha?!"

"Ako malamang!"

Pasigaw na sabi ni Hyunjin at aatakihin na sana ni Minho si Hyunjin pero parehas silang nabatuhan ng unan ni Chan na mukhang naiirita na sa mga alaga nyang takas mental. Charot.

"Umayos nga kayo. Tutulungan natin si Jeongin!"

"Kahit wag na, hyung. Bigyan nyo lang ako ng advice kung paano."

Sabi naman ni Jeongin at ngumiti sa kanilang lahat. Pero deep inside kinakabahan talaga sya at di alam ang gagawin.

"Ganto, i-surprise mo nalang sya ng flowers tsaka banner. Yung parang sa mga movies."

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon