24

723 28 4
                                    

Mia

Ngayong araw na yung School Fair at dahil dun wala kaming klase ngayon. Wala naman ako masyadong ginagawa kaya naisipan kong puntahan si Veronica. Pero habang papunta ako sa kanya ay nakasalubong ko si S.Coups.

"Mia!"

Sabi ni S.coups. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"San ka pupunta?"

"Pupuntahan ko si Ve---"

Natigilan ako at napakunot naman yung noo nya. Shet, baka masaktan nanaman sya pag binanggit ko pangalan ni Veronica..

"Hmm? Pupuntahan mo si Ve..?"

"A-ah, sabi ko pupuntahan ko yung kaibigan ko. Sige, bye-bye!"

Aalis na sana ako pero bigla nya nalang hinawakan tong braso ko dahilan para matigilan ako at mapatingin muli sa kanya.

"Pwede bang samahan mo ako? Wala ako kasama eh.."

Sabi nya at nag-pout pa. Pero deep inside sobra syang nasaktan ng dahil dun sa nangyari kahapon..

"Umm..sige.."

"Yay! Taraaaa ~ "

Sabi nya na parang bata at hinila na ako kung saan man kami pupunta.

...

Jeongin

Pinagmamasdan ko lamang silang dalawa. Tss, hindi ba't sinabi ko sa kanya na wag nya muna syang lapitan?

"Jeongin?"

Natauhan ako ng marinig kong may nagsalita sa gilid ko. Pagharap ko sa gilid ay nakita ko si Jisung.

"Ok ka lang?"

Tanong nya sa akin. At ngayon ko lang namalayan na nakasara na pala tong kamao ko kaya agad ako umayos.

"Oo, ok lang ako."

Sabi ko kay Jisung at tumulong na ulit sa kanila magdecorate. Puta, ba't naiinis ako?

...

Mia
Active Now

Jeongin: hoy

seen ✔️

Mia is typing...

Mia: bakit??

Jeongin: ba't kasama mo nanaman yung lalaking yun? | delete

Jeongin: hindi ba sinabi ko sayo na hayaan mo muna sya? | delete

Jeongin: hayss | delete

Jeongin: di ka ba marunong makinig sa akin? | delete

Mia: uy?

Jeongin logged out

Mia: luh???




UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon