37

797 35 4
                                    

Mia

Pagkabili ko ng noodles ay naupo na ako dun sa upuan na malapit sa bintana. Naisipan kong kumain ulit ng noodles dito sa convinience store. Why not diba? Habang inaantay kong lumambot yung noodles ay sinuot ko muna yung earphones ko at nag-soundtrip.

Maya-maya ay narinig kong bumukas yung pinto kaya napatingin ako dun. Akala ko si Jeongin yun pero ibang tao pala. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin nalang sa labas ng bintana. Di ko alam ba't gustong-gusto ko ulit makausap yung lalaking yun..

"Hinahanap mo ba ako?"

Nagitla ako ng marinig kong may nagsalita sa gilid ko. Pagtingin ko ay bumilis nanaman yung tibok nitong lecheng puso ko ng makita ko si Jeongin.

"S-san ka nanggaling??"

Nagtataka kong tanong sa kanya. Bigla nalang sya nag-smirk. Luh?

"Kanina pa ako nakatayo sa gilid."

"S-so ibig sabihin kanina mo---"

"Yes kanina pa kita tinitignan."

Sabi nya at naupo sa tabi ko. Napatingin sya muli sa akin at umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Kanina pa pala sya nandito eh bakit di ko man lang sya nakita? Hayst.

"Gustong-gusto mo talaga kumain ng noodles dito, no?"

Tanong nya sa akin. Napakagat ako sa aking labi at di makatingin sa kanya ng diretso.

"D-di naman sa ganun.."

Sabi ko at natawa naman sya ng onti. Luh may nakakatawa ba sa sinabi ko? At tsaka, bakit ang cute ng suot nya ngayon? Aish, ano ba tong iniisip ko?! Umiling-iling ako at halos nakalimutan ko ng kainin yung noodles na binili ko kaya tinanggal ko na yung takip at sinimulan ng kainin iyon.

"Anong meron sa inyong dalawa?"

Bigla nyang tanong sa akin, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"E-eh?"

"Ano meron sa inyong dalawa nung kasama mo kanina? Boyfriend mo ba sya?"

Tanong nya ng di tumitingin sa akin. Teka, si s.coups ba yung tinutukoy nya? Malamang, Mia.

"A-ah, si s.coups? Wala kaming relasyon at mas lalong di ko sya boyfriend."

Sabi ko. Tss, porket magkasama lang kami.

"Weh."

"Oo nga! Tsaka si Veronica yung nagugu---"

Agad akong napatakip sa aking bibig. Shet! Bakit ko sinabi yun?!

"Yung kaibigan mo ang nagugustuhan nya?"

Tanong ni Jeongin. Wala na finish na. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako tsaka tumango.

"Please wag mong sabihin sa iba na sinabi ko sa iyo, lalo na sa kanila."

Sabi ko. Kahit na di ko naman sinasadyang sabihin yun.

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon