29

745 33 1
                                    

Mia

Ngayon na ang last day ng School Fair. Andito kami ngayon ni Veronica sa may school gate habang inaantay namin si Jeongin. Minessage ko na sya kanina lang at hanggang ngayon di pa rin dumadating ang deputang yun.

"Hm. Ba't ang tagal nya naman?"

Sabi ni Veronica. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ewan ko dun. On the way na daw sya e–"

"Andito na ako."

Naramdaman kong may nagpatong ng kamay sa ulo ko. Paglingon ko ay nakita ko na si Jeongin. Again, bumilis nanaman tong tibok ng puso ko ng makita ko sya.

"Sorry kung pinag-antay ko kayo."

Sabi nya. Magsasalita na sana ako eh kaso naunahan ako ni Veronica.

"Naku, ok lang. Tara na, punta na tayo sa mga booths!"

Sabi ni Veronica at parehas kaming hinila papasok sa loob ng school. Pumunta kami sa mga iba't ibang booths at sinubukan rin namin ang mga laro dun. Bumili na rin kami ng pagkain dahil nagugutom na rin kami. Nag-cr lang sandali si Veronica at nakaupo lang kaming dalawa sa bench ni Jeongin habang inaantay sya.

"Hays, di naman masarap yung sandwich nila."

Rinig kong sabi ni Jeongin. Napatingin ako sa kanya at nakitang diring-diri sya dun sa tinapay na binili nya.

"Sus, ika bumili nyan e."

"Eh yung tsura nya parang masarap, di naman pala. Yuck."

Kay lalaking tao ang arte HAHAHAHA!

Sandaling nagkaron ng katahimikan. Muli ko nanaman naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam ba't ang awkward. Bukod sa ilang metro lang ang pagitan namin sa isa't isa eh kaming dalawa lang ang nakaupo dito sa bench. Napasulyap ako kay Jeongin at nakitang nakasandal sya ng komportable habang nakatingin sa kawalan. Bigla nalang humangin kaya pati yung buhok nya ay tinangay at nasilayan ko ng onti ang kanyang noo.

Dug dug dug dug...

Nagugustuhan ko na ba talaga sya? O baka...naattract lang ako sa kanya? May pinagkaiba ba yung dalawang salitang yun?

"Andito na ako!"

Napaiwas agad ako ng tingin ng dumating na si Veronica. Oo nga pala, may gusto nga rin pala sya kay Jeongin..

"Gusto nyo ba ulit maglaro ng games?"

Tanong nya sa amin at nagkatinginan naman kami ni Jeongin. Unang umiwas ng tingin si Jeongin.

"Sige."

Sabi nya at tinignan ko ang reaksyon ni Veronica at nakitang mas lalong lumapad ang ngiti nya. Sa mga oras na yon, nakaramdam ako ng pagkakirot sa aking puso.

Pumunta na ulit kami sa mga booths at naglaro ulit ng mga games. Triny namin yung isang dart game at kapag nanalo ka ay may prize ka na malaking panda stuff toy.

"Ako na ang maglalaro."

Sabi ni Jeongin at parang pinagmamalaki nya pa sa amin na sya lang ang marunong mag-dart dito. Edi sya na. Pumwesto na si Jeongin sa may gitna at nasa gilid naman kami ni Veronica habang pinapanood sya.

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon