52

773 29 1
                                    

Mia

Paglabas ko ng school ay nakita kong umuulan pala. Agad ko kinuha mula sa bag ko yung payong at di ko alam ba't natigilan ako ng makita ko ang payong na hawak ko ngayon...

Oo nga pala, kay Jeongin nga pala tong payong...

Naramdaman ko nanaman ang pagkirot sa aking puso.

Tama na, Mia. Kalimutan mo na sya...

Binuksan ko na yung payong nyang yun at inilagay sa ibabaw ng ulo ko. Nagsimula na akong maglakad palayo.

Habang naglalakad ako ay bigla ko nalang naalala yung araw na yun. Yung araw na hinding-hindi ko makakalimutan. Yung araw kung saan....nagsimula ang lahat.

Mas mabuti bang kalimutan ko nalang yung araw na yun?

Kung di nangyari yun, makikilala ko ba si Jeongin?

Namalayan ko nalang na nakatigil na pala ako. At ngayon ko lang napansin na may luha na palang tumutulo mula sa aking mata. Bakit ganun? Bakit umiiyak ako?

Napatingin ako dun sa handle ng payong kung saan nakasulat yung pangalan nya. Di ko na kaya. Gusto ko syang puntahan. Gusto ko syang kausapin. Pero imposible na mangyari iyon..

Bigla nalang may tumawag sa akin. Dahilan para matauhan ako at mawala lahat ng mga iniisip ko. Napatingala ako at pagtingin ko sa aking harapan nakita kita. Napansin kong medyo gulat na gulat yung tsura mo.

"MIA!"

Nakita kong tumakbo ka papalapit sa akin. Pero, di ko namalayan ang kotseng paparating...

"MIA----"

Di ko na nasilayan ang sunod na nangyari ng biglang dumilim ang aking paligid.


UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon