16

890 43 75
                                    

Mia

Napadaan ako sa isang classroom at nakita kong busy silang lahat. Actually halos lahat na ng estudyante dito sa school ay busy para sa upcoming school fair which is next week na. Maglalakad na sana ako papunta sa canteen ng biglang may tumawag sa akin.

"Miaaaa!!"

Pagtingin ko ulit sa classroom na yun ay nakita ko si S.Coups na nakaputing tshirt lang at may suot na green bandana sa ulo. Lol mukha syang gangster. Lumapit sya sa akin habang nakangiti.

"Kakain ka na ng lunch?"

"Hmm, oo."

"Tara sabay na tayo!"

Sabi nya. Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan nya yung braso ko at hinila na ako papunta sa canteen. Ng makadating kami dun ay pumila na agad kami. Buti nalang onti yung pila ngayon di katulad nung isang araw.

"Hmm. Ano kaya ulam ngayon?"

Rinig kong tanong ni S.Coups. Habang nagiintay gumalaw yung pila ay patingin-tingin lamang ako sa paligid hanggang sa namataan ko si Jeongin. Nakaupo sya sa may sulok at di nya kasama ngayon mga kaibigan nya. Nakapalumbaba sya habang nakatingin sa kawalan. Nagmumukha syang loner tuloy, tsk.

"Mia!"

Natauhan ako ng tawagin ako ni S.Coups at nakagalaw na pala yung pila kaya umusog na rin ako. Ng makabili na kami ng pagkain namin ay naghanap na kami ng mauupuan. Di ulit makakasabay sa akin ngayon si Veronica dahil busy nanaman daw sya. Hays.

"Dito tayo!"

Sabi ni S.Coups sabay turo dun sa lamesa na medyo malapit kay Jeongin. Fucc!! Bago pa maglakad papunta dun si S.Coups ay hinawakan ko agad yung likod ng shirt nya at hinila sya pabalik. Nilingon nya ako at nagtatakang nakatingin sa akin.

"Ehh?? Ano meron?"

"W-wag tayo dyan. Dun nalang tayo."

Sabi ko at maglalakad na sana papunta sa ibang pwesto pero sya naman ngayon ang humila sa akin pabalik.

"Bakit ayaw mo dun?"

Tanong nya. Napasulyap ako kay Jeongin at bumilis nanaman tong tibok ng puso ko ng makita kong nakatingin na sya sa amin. Agad ako umiwas ng tingin sa kanya bago pa magwala tong puso ko nakshi.

"B-basta! Please, dun nalang---"

"Tara na wag ka na mahiya!"

Sabi nya at hinila na ako dun papunta sa lamesa malapit kay Jeongin. Fucc nakakahiya at di ko alam ba't nahihiya ako eh wala naman dapat ikahiya like what the heck is wrong with me?!

"Hi pre!"

Biglang bati ni S.Coups kay Jeongin. At nakatingin lamang sa kanya ng seryoso si Jeongin. Naupo na dun sa lamesa si S.Coups kaya wala na akong nagawa kundi maupo nalang rin. Agad ko hinawakan yung kwelyo ng tshirt ni S.Coups at hinila sya papalapit sa akin.

"Ano ka ba, ha?!"

Pabulong kong sabi, para di kami marinig ni Jeongin na nasa likod lang namin at malamang nakatingin sya sa amin ngayon!

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon