47

709 31 29
                                    

Mia

Pagtapos ng aming klase ay pinuntahan ko agad si Jeongin. Kahit na alam kong wala syang balak pansinin ako, kakausapin ko pa rin sya.

Ng makarating na ako sa room nya ay nakita kong nagsisilabasan na yung mga kaklase nya. Maya-maya ay nakita ko na rin syang lumabas kasama yung mga kaibigan nya. Bigla ko tuloy naalala yung mga araw na pag magkasama kami at nakikita kami ng mga kaibigan nya eh sinasabi nya lang na di nya ako kilala. Aaminin ko, nasasaktan ako pag sinasabi nya yun. Pero iba na ngayon. Huminga ako ng malalim at tsaka nilapitan sya.

"Jeongin.."

Tawag ko, dahilan para matigilan sila at mapatingin sa akin. Maliban lang kay Jeongin.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

Tanong ko pero di nya ako kinikibo o di man lang humarap sa akin. Maya-maya nagsalita yung isa sa kaibigan nya.

"Hey, diba ikaw si Mia?"

Tanong nung kaibigan nya sa akin. Bigla nalang naglakad palayo si Jeongin. Nagpaalam na ako dun sa mga kaibigan nya at agad hinabol si Jeongin.

"Jeongin! Wag ka naman ganyan!"

Sabi ko. Wala na akong pake kung pagtinginan man kami ng iba. Tumigil ako sa paglalakad at sinarado ang aking kamao. Di ko na kaya...

"YANG JEONGIN!"

Sigaw ko at umalingawngaw sa buong corridor ang boses ko. Lahat ay napatingin sa akin. Tumigil na rin sa paglalakad si Jeongin at dahan-dahan lumingon sa akin. Sobrang seryoso ng kanyang mukha ngayon.

"Alam ko na ako ang may kasalanan kaya di mo ako pinapansin. Pero pwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag at isantabi mo muna yang galit mo?"

Sabi ko at di sya nagsalita. Naglakad ako papalapit sa kanya. Tumigil ako sa may harapan nya.

"Sorry kung pinag-alala kita nung isang araw. Pinuntahan ko lang ang kaibigan ko dahil nilagnat sya. Oo aaminin kong nakalimutan ko iyon..."

Sabi ko. Sa mga oras na yon, naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko..

"P-pero Jeongin, yung sinabi mo, nagkakamali ka. G-gusto kita, Jeongin. Matagal na kitang nagugustuhan..."

Napayuko ako ng ulo. Di ko alam bakit..

"Naalala mo pa ba yung araw na pinahiram mo sa akin yung payong mo? You don't know how precious to me that day is. Hinding-hindi ko makakalimutan yung araw na yun dahil...dun nagsimula itong nararamdaman ko para sayo. And I'm very thankful to that day because I met you..."

Sabi ko at tumingala na muli hanggang sa magtama ang mga mata namin. Di na maawat tong puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Mia.."

Sabi ni Jeongin. Di ko alam bakit ang seryoso pa din ng mukha nya ngayon. Pero may kung anong kumirot sa aking puso ng marinig ko ang susunod nyang sinabi..

"Wala na akong nararamdaman para sayo."

...

an: i know it sucks af so pls forgive me :(

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon