Mia
"Inumin mo na to."
Sabi ko kay s.coups habang hawak-hawak ko yung gamot na binili ko para sa kanya. Umupo sya at kinuha na mula sa kamay ko yung gamot ko. Ngumiti sya sa akin tsaka ito kinain. Agad ko sya inabutan ng tubig.
"Aish. Ano ba kasi pinaggagawa mo? Ba't ka nilagnat ng ganyan?"
Tanong ko at napailing-iling. Pagkainom nya ng tubig ay tumingin sya sa akin.
"Yiee nag-aalala ka sa akin."
"Syempre naman no! Ano gusto mo di ako mag-alala sayo?"
Sabi ko. Bay ba sya? Ngumisi sya at lumapit sa akin.
"Bakit ka nag-aalala sa akin, hmm?"
"M-malamang k-kaibigan kita! Aish!"
Sabi ko at tinulak sya palayo sa akin. Natawa nalang sya sa akin. Kaibigan ko sya kaya normal lang naman na mag-alala ako sa kanya, diba?
"Salamat nga pala.."
Sabi nya at humiga na muli. Kinuha ko yung kumot nya at kinumutan sya.
"Wala yun. Baka kung di pa ako pumunta dito eh patay ka na dyan."
"Patay agad?"
"Syempre joke lang yun."
Sabi ko at parehas kaming natawa kahit di naman nakakatawa iyon. Tanga lang. Mamaya-maya ay tinignan nya ako diretso sa aking mata. Di ko tuloy maiwasan mailang.
"Umm...s.coups?"
"Narealize ko na...dapat tigilan ko na yung nararamdaman ko para kay Veronica."
Sabi nya. Eh?
"Mas lalo lang akong masasaktan kapag patuloy ko lang sya minamahal eh hindi nya naman ako mahal. Salamat, Mia."
"B-bat ka sa akin nagpapasalamat?"
Naguguluhan kong tanong. Bumangon sya muli at bigla nya nalang hinawakan yung kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang kanyang palad na sobrang init.
"Dahil andyan ka lagi sa tabi ko at tinulungan mo ako. Ang swerte ko dahil naging kaibigan kita.."
Sabi nya at naramdaman ko ang pagkabilis ng tibok ng aking puso ng dahil sa sinabi nya. Kahit na mukhang loko-loko tong si s.coups, napakasincere nung sinabi nya. Ngumiti ako at hinawakan rin ang kanyang kamay.
"Lagi naman ako nasa tabi mo sa tuwing may problema ka."
"Kikiligin na ba ako?"
Pabiro nyang sabi. Kinurot ko yung braso nya at natawa nalang ulit kami. Alam ko kung gaano kasakit para sa kanya na hindi sya mahal ng taong mahal nya, ni Veronica. Pero at least nakayanan nya iyon. Ba't sa kanya madali lang kalimutan ang nararamdaman nya para kay Veronica pero bakit ako hirap na hirap akong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Jeongin? Alam kong dapat ko na rin tigilan, pero, bakit ang hirap?
"Mag aalas otso na pala. Hatid na kita."
Sabi nya. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na ngang mag 8:00 ng gabi.
"Ako na uuwi mag-isa. Magpahinga ka nalang dyan."
"Hatid na kita, kahit hanggang dyan nalang sa labas. Tutal tinulungan mo rin naman ako at sinamahan dito."
Sabi nya. Napabuntong hininga ako at pumayag nalang rin. Kinuha ko na gamit ko tsaka naglakad na kami palabas. Ng makarating na kami sa labas ay humarap na muli ako sa kanya.
"Sige na, kaya ko na dito. Pumasok ka na at magpahinga."
Sabi ko. Saglit syang di kumibo at mamaya-maya nagulat nalang ako sa susunod nyang ginawa. Niyakap nya ako.
"Salamat, Mia..."
Sabi nya. Natawa ako at tinapik-tapik ang likod nya. Paulit-ulit nya ng sinasabi yan.
"Oo na, oo na."
"Sana ikaw nalang ang nagustuhan ko..."
Bulong nya. Kahit na pabulong nya lang iyon sinabi ay narinig ko pa rin. Kumalas ako sa yakap at tinignan sya at nakitang seryoso ang kanyang mukha.
"A-ano?"
"Sana ikaw nalang nagustuhan ko, Mia.."
Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Wait, what? Napalunok ako at di alam ang sasabihin.
"S-s.co--"
"Mia."
Naputol ang sasabihin ko ng may biglang tumawag sa akin. Sabay kaming napaharap sa gilid at nanlaki mga mata ko ng makita ko si Jeongin.
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
Random❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3