44

686 28 4
                                    

"J-jeongin--"

Di ko na natapos sasabihin ko ng tumalikod na sya sa amin at naglakad palayo. Napatingin ako kay s.coups.

"S-sorry, s.coups."

Sabi ko. Magsasalita na sana sya pero di ko na sya pinakinggan pa at agad hinabol si Jeongin. Ng makalapit na ako sa kanya ay hinawakan ko ang kanyang braso.

"Jeongin..."

Hingal na hingal kong sabi. Inilayo nya yung braso nya at nilingon ako. Sobrang sama ng tingin nya sa akin ngayon.

"S-sorry kung nakalimutan ko yung sinabi m---"

"Kanina pa kita tinatawagan. Kanina pa kita chinachat. Kanina pa kita hinahanap at kasama mo pala yung lalaking yun. Nagsayang lang ako ng oras."

Sabi nya at napayuko ako ng ulo.

"P-pinuntahan ko sya dahil nilalagnat sya---"

"Pake ko kung nilalagnat sya?"

Sabi nya, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Parang ibang Jeongin na ang kaharap ko ngayon..

"Jeongin--"

"Kaya ba di mo ako magustuhan eh dahil dun sa lalaking yun?"

Bigla nyang sabi. Anong pinagsasabi nya??

"A-anong pinagsasabi mo? Bakit kailangan mo pang idamay si s.coups dito?"

"Kalimutan mo na yun. Bakit ba ako nagkakaganto? Wala ka namang pake sa akin, diba? At mas lalong wala ka ring pake sa nararamdaman ko. May pake ka lang dun sa lalaking yun."

Sabi nya at may kung anong kumirot sa aking puso ng makita kong may luhang tumulo mula sa mata nya. Nagkakamali ka, Jeongin. Hindi totoo na wala akong pake sayo at sa nararamdaman mo.

"J-jeongin..."

Lalapitan ko na sana sya pero tumalikod na sya sa akin tsaka naglakad palayo. Wala na akong nagawa kundi mapayuko ng ulo. Di ko na rin napigilan pang umiyak.

D-di mo naiintindihan, Jeongin...

...

an: i know it's corny af. sorry for that ahaha

UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon