"Gusto mo dun sa fountain?"
Tanong sa akin ni Jeongin. Ngumiti ako at tumango na parang bata.
"Okay ~ "
Sabi nya at tinulak yung wheelchair ko papunta dun sa may fountain. Di katulad kanina, medyo magaan na pakiramdam ko. Dahil andito si Jeongin. Wews.
Ng makarating na kami sa fountain ay lumuhod ulit sya sa harapan ko.
"Tara, upo tayo dun."
Nakangiti nyang sabi sa akin. Inilahad nya sa harapan ko yung kamay nya. Bumilis nanaman tong tibok ng puso ko at di ko na mapigilan sarili kong ngumiti. Dahan-dahan ko hinawakan kamay nya at inalalayan nya naman ako patayo at papunta dun sa upuan sa may fountain. Napansin ko na may dalawang hot choco dun sa gitna ng upuan.
"Wait, ikaw ba naglagay nyan?"
Tanong ko. Inalalayan nya na akong makaupo at lumuhod ulit sa harapan ko.
"Yup."
Sabi nya at naupo na rin sa upuan. Teka, plinano nya ba to? Kinuha nya yung isang hot choco tsaka inabot iyon sa akin.
"Here. Inumin mo na habang mainit pa."
Sabi nya. I smiled sweetly. At kinuha mula sa kamay nya yung hot choco.
"Salamat.."
Sabi ko at hinipan iyon tsaka ininom. Parehas kaming napatingala sa kalangitan. Maya-maya napatingin ako kay Jeongin at nakitang nakangiti sya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Huminga ako ng malalim.
"Jeongin..."
Sabi ko. Dahan-dahan syang humarap sa akin hanggang sa magtama ang mga mata namin.
"Hmm?"
"Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin dito..."
Sabi ko at bigla syang napatingin sa sahig. Napabuntong hininga sya.
"Kung sana nailigtas kita agad, di ka sana magkakaganyan. Di ka sana magkakasugat sa binti mo."
"Jeongin--"
"Sorry rin kung di kita nailigtas agad. Kasalanan ko ito. Dapat ako nalang ang naaksidente at hindi ikaw.."
Sabi nya. Ngumiti ako at umusog papalapit sa kanya.
"Hey. Wag mo sisihin ang sarili mo. Di naman natin inaasahan na mangyayari yun. Tapos na yun. At least ok na ako ngayon diba.."
Sabi ko at hinawakan yung kamay nya. Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Ang cute mo talaga, Mia.."
ASDFGHJKL!!! Lumapit sya sa akin at hinalikan yung noo ko, dahilan para mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko.
"Jeongin, naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo nun?"
Tanong ko. Napakunot naman yung noo nya.
"Yung alin?"
"Yung sinabi ko sayo na...simula ng ipahiram mo sa akin yung payong mo nung araw na yun, dun nagsimula ang lahat.."
Sabi ko habang inaalala yung araw na yun.
"Ever wonder kung bakit bigla-bigla ko pinahiram sayo yung payong ko?"
Tanong nya. Oo nga no, di ko naisip yun.
"Hm. Hindi eh. Bakit nga ba?"
"Di ko sasabihin. Secret ko na yun."
Sabi nya. Napasimangot ako.
"Eh! Sige na sabihin mo na!"
"Secret na yun. Di ko na sasabihin sayo."
Psh, ang daya. Bigla nya nalang ako hinila papalapit sa kanya at niyakap ako.
"Haha. Wag ka na magalit. Di ka na cute pag galit ka eh."
"T-tse!"
Sabi ko. Pagtapos nun ay nagkwentuhan pa ulit kami. Maya-maya ay nakaramdam na ako ng antok. Napahikab ako at sumandal sa balikat nya.
"Hmm. Inaantok ka na?"
Tanong nya. Humikab ulit ako at tumango.
"Sige, balik na tayo sa loob."
Sabi nya at binuhat ako. Dahan-dahan ko na pinikit tong mga mata hanggang sa makatulog na ako..
• • •
Parehas nilang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Mia sa kanyang kama. Napatingin ang dalawa sa isa't isa.
"Pwede ba kita makausap?"
Tanong nya sa kanya. Tumango lamang sya at lumabas na muna sila para mag-usap. Ng makalabas na sila ay hinarap nya na ulit sya.
"Alam kong ikaw ang mahal nya. At alam ko rin na di rin naman ako magugustuhan ni Mia. Pero, sana alagaan mo sya at wag mo syang papaiyakin. Di lang dahil sa gusto ko sya, dahil kaibigan ko rin sya. Naiintindihan mo?"
Sabi ni S.coups kay Jeongin.
"Mahal ko sya. Gagawin ko ang lahat para protektahan sya. Di mo na kailangan ipaalala sa akin."
"Sa oras na makita kong pinaiyak mo sya, di na ako magdadalawang isip pang kunin sya sayo. At, salamat nga pala dahil pinangiti mo na ulit si Mia. Kahit na IKAW yung rason kung bakit sya malungkot nung mga nakaraang araw."
Sabi ni S.coups at natawa na lamang si Jeongin.
"Sige na, bantayan mo na sya."
Sabi ni s.coups at tinapik ang balikat ni Jeongin. At naglakad na palayo. Napangiti na lamang si Jeongin at pumasok na ulit sa loob.
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
Sonstiges❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3