Mia
"Ma may bibilhin lang po ako."
Sabi ko kay Mama na nanonood ng tv sa sala. Agad naman syang napatingin sa akin.
"Sige. Mag-iingat ka ah."
Sabi nya at ngumiti nalang ako sa kanya tsaka lumabas na. Medyo umuulan ulit ngayon pero di naman ganon kalakas kagaya nung isang araw. Binuksan ko na yung payong ni Jeongin. Ayoko nga gamitin to eh kaso sira yung iba naming payong kaya wala akong choice kundi ito nalang gamitin ko.
Pagdating ko sa convinience store ay bumili ako ng noodles at dito nalang kinain yun. Umupo ulit ako dun sa may upuan sa bintana. Habang hinihintay ko lumambot yung noodles ay pinatong ko ang aking baba sa aking kamay habang pinagmamasdan yung ulan sa labas. Sa mga oras na yon bigla kong naalala yung nangyari nung isang araw. Kung saan sabay kaming kumakain ni Jeongin ng noodles dito rin mismo sa convinience store. Hays. Ba't ganun? Kinakausap nya ako tapos sasabihin nya sa mga kaibigan nya na di nya ako kilala. Kinakahiya nya ba ako?
Napabuntong hininga nalang ako at tinanggal na yung takip ng noodles. Kinuha ko na yung plastic na tinidor at hinipan-hipan yung noodles. Maya-maya narinig kong bumukas yung pinto at di ko na pinansin kung sino man yung pumasok. Paano kaya kung si Jeongin ulit yun?
"Kumakain ka nanaman ng noodles dito?"
Agad ako napatingin sa gilid ko at nakita si Jeongin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy kumain.
"Bakit mo ako kinakausap? Akala ko ba di mo ako kilala?"
Sabi ko ng di tumitingin sa kanya at sumubo ulit ng noodles. Narinig ko ang malalim nyang paghinga.
"Ayoko lang na ma misunderstand nila tayo.."
"Ok. Sabi mo yan."
Sabi ko at humigop sa sabaw. Hinipan ko na muna ito bago higupin. Ayoko na mapaso dila ko ulit. Ayaw niyang mamisunderstand? Bakit? Porket magkausap kami ay iisipin nila agad na may relasyon na kami? Ganun?
Pagtapos kong kumain ay pinunasan ko na bibig ko tsaka tumayo. Muli akong tumingin kay Jeongin at ngayon ko lang napansin na parehas kaming nakablack na sweatshirt.
"Mauuna na ako."
Sabi ko at maglalakad na sana pero bigla nya nalang hinawakan braso ko at hinila ulit ako paupo sa inuupuan ko kanina. Tinignan ko sya ng masama.
"Ano ba?? Kailangan ko ng umuwi!"
Sabi ko at tinignan nya naman ako ng seryoso.
"Mia...please. Wag kang ganyan."
Sabi nya at di ko alam ba't nanlambot tong puso ko sa sinabi nya. Ano ba Mia! Galit ka nga sa kanya diba? Nagulat ako ng bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at nagsimula nanaman bumilis tong tibok ng puso ko. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa na baka pag nagkamali ako ng galaw eh mahalikan ko na sya. Punyetaaaaa!
"Mia.."
Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko ng ilapit nya yung mukha nya sa akin. Malapit ng magdikit ang mga labi namin ng biglang...
"Mia?? Mia??"
Pagdilat ko ng mga mata ko ay una ko agad nakita si S.Coups. Dahil sa gulat ng makita ko sya ay agad ako napabangon at lumayo sa kanya. Teka, anong nangyari?? Teka, panaginip lang ba yun???
Napatingin ako sa paligid at nasa convinience store pa rin ako at andito pa rin yung noodles na binili ko na medyo warm na.
"Pagpasok ko dito nakita kitang tulog. Kaya ginising kita."
Sabi ni S.Coups at naupo sa tabi ko. Teka, nakatulog ako ng di ko man lang namalayan?? So ibig sabihin, di talaga pumunta dito si Jeongin? Di nya ako hinalikan?
"Hindi pumunta dito si Jeongin?"
"Sino si Jeongin? Eh pagpasok ko ikaw lang mag-isa dyan at wala naman lumapit sayo."
Sabi ni S.Coups at kinain na yung hotdog sandwich na binili nya. So panaginip nga lang yun. What a relief.
"Teka, sino si Jeongin? Crush mo no?"
May halong asar na sabi ni S.Coups sabay siko sa aking balikat. Tinignan ko sya ng masama.
"Di ko sya crush!"
"Ba't ka galit?"
Sabi nya at napabuntong hininga nalang ako.
"Pero seryoso, sino nga sya?"
"Nakilala ko sya nung pinahiram nya ako ng payong nya. Umuulan kasi ng malakas nun eh wala akong dalang payong. Tapos yun bigla syang sumulpot at pinahiram sa akin yung payong nya. Pero sabi nya na sa akin nalang yung payong nya."
Sabi ko at pinakita ko sa kanya yung payong ni Jeongin. Napa "ohh" naman sya.
"So sweet naman pala."
"Pero, di ko alam bakit sa tuwing kasama nya kaibigan nya pag nakikita nilang magkausap kami ni Jeongin eh sasabihin ni Jeongin na di nya ako kilala...pero kinakausap nya pa rin ako.. Naguguluhan na ako sa kanya.."
Sabi ko kay S.Coups at di ko alam kung bakit sinabi ko sa kanya yun.
"Hmmm. Maybe kinakabahan sya na baka asarin sya ng mga kaibigan nya?"
Sabi ni S.Coups. May point naman tho. Baka ganun nga.
"Hayss.."
Sabi ko at halos nakalimutan ko ng kainin yung noodles ko.
"Bakit sad ka? May gusto ka ba sa kanya?"
Tanong nya. Napatingin ako kay S.Coups sabay sabing,
"Siguro."
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
Random❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3