Veronica: miaaaaa
Veronica: mauna ka na sa canteen
Veronica: may kailangan lang akong ipasa kay maam :*
Mia: ok
...
Kagaya ng sabi ni Veronica ay nauna na ako pumunta sa canteen. Pagdating ko sa canteen ay nagulat ako ng makita ko ang haba ng pila. Masarap siguro paninda ngayon dito? Di na ako nagsayang ng oras kaya pumila na agad ako bago pa humaba lalo yung pila. Maya-maya may narinig akong nagtatawanan mula sa likod kaya napalingon ako at nakita si Jeongin kasama yung mga kaibigan nya. Tss, ang saya nila. Aksidenteng napatingin rin sa akin si Jeongin at bigla na lamang bumilis tong tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Agad ako umiwas ng tingin sa kanya. Shemay.
Ng makapili at mabayaran ko na tong pagkain ko ay naghanap na ako ng mauupuan habang bitbit tong tray ko. Meron agad akong namataan na bakanteng pwesto sa may sulok kaya naisipan ko na dun nalang. Maglalakad na sana ako papunta dun eh kaso nakarinig ako ng sigaw dahilan para matigilan ako at mapatingin sa gilid ko.
"EXCUSE MEEEE!"
Sigaw nung lalaki na sobrang bilis ng takbo papalapit sa akin. Di agad ako nakagalaw kaya nasagi nya tuloy ako dahilan para mabitawan ko yung tray na hawak ko at mawalan ako ng balanse.
"Aaahh!"
Akala ko mahuhulog na ako sa sahig pero may dalawang kamay na sumalo sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at di ko maiwasan madismaya ng makita ko yung pagkain na binili ko na nakakalat na ngayon sa sahig. Punyeta!
"Ok ka lang?"
Rinig kong sabi nitong sumalo sa akin. Jeongin? Dahan-dahan akong napatingala at laking gulat ko ng makita kong hindi si Jeongin itong sumalo sa akin. Di ko maiwasan mapatingin ng diretso sa mga mata nya.
Natauhan ako ng marealize ko na ganto pa rin yung posisyon namin at pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Tumayo na ako at inalalayan nya naman ako. Parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan nya yung kamay ko. Naramdaman ko ang pagmula ng aking pisngi.
"Buti nalang rin nasalo kita."
Sabi nya sabay ngiti sa akin. Teka, sino ba sya? Magsasalita na sana kaso naunahan nya ako.
"Sayang yung pagkain mo. Gusto mo bilhan kita? Tara."
Sabi nya at maglalakad na sana pero agad ko syang pinigilan.
"T-teka, sino ka?"
Tanong ko. Ngumiti sya muli sa akin at nagulat ako ng bigla nyang ilahad yung kamay nya sa harapan ko.
"Ako nga pala si Choi Seung Cheol. But you can call me S.coups instead."
S.coups?
...
"Waw may hero talaga sya?"
Natatawang sabi ni Chan. Bigla naman syang binatukan ni Woojin. Agad napaaray si Chan at napahawak sa ulo nya.
"Aray! Bakit?!"
"Wag ka nga makulit."
Sabi ni Woojin. Napatingin naman si Jisung kay Jeongin at nakitang seryoso syang nakatingin dun kayla Mia. Iwinagayway ni Jisung kamay nya dun sa harapan ni Jeongin. Natauhan naman si Jeongin at napatingin kay Jisung.
"Ba't nagsasalubong yang mga kilay mo?"
Tanong ni Jisung. Muling napatingin si Jeongin kayla Mia at napabuntong hininga.
"Wala."
Sabi nya at naglakad na para makahanap na ng mauupuan.
...
an: hmm jealousss? ;) anyways, new character added and yes its s.coups from seventeen! also my bias in seventeen including vernon ahaha ♡
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
Random❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3