Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata. Medyo malabo pa yung paningin ko. At ng luminaw na ito, tinignan ko ang aking paligid. Nasan ako?
Tumingin ako sa aking gilid at nakita si Veronica na mahimbing na natutulog sa may upuan. V-veronica...
Maya-maya, bumukas yung pintuan. Pagtingin ko ay nakita ko si...S.coups. Ng makita nya ako ay agad syang lumapit sa akin.
"M-mia?? Gising ka na ba talaga??"
Tanong nya. Ngumiti ako sa kanya.
"O-obvious ba?"
Sabi ko. Napangiti rin sya at niyakap ako.
• • •
"N-naaksidente ako??"
Tanong ko sa kanila. Hinawakan naman ni Veronica yung kamay ko.
"Oo. Tinawagan kami ni...Jeongin."
Sabi nya at may kung anong kumirot sa aking puso ng banggitin nya yung pangalan ni Jeongin..
"Sya ang nagdala sayo dito. Salamat sa diyos dahil ok ka na...."
Dagdag nya at ngumiti sa akin. Napangiti rin ako sa kanya. Napatingin ako sa binti ko at nakitang may balot ito ng bandaid. Bigla ko nalang naalala yung nakita ko sa panaginip ko...
"Tara, labas tayo."
Biglang sabi ni s.coups, dahilan para matauhan ako.
"Eh?"
"Pahangin tayo sa labas."
Nakangiti nyang sabi at inilapit yung wheelchair. Napatingin ako kay Veronica at tumango naman sya sa akin.
"Sige na. Ako na magliligpit dito."
Sabi nya. Napatingin ulit ako kay s.coups at napangiti nalang rin. Dahan-dahan nya ako inalalayan paupo sa wheelchair. Nagpaalam na kami kay Veronica at tinulak na ako ni s.coups palabas.
• • •
"Napansin ko na close na kayo ni Veronica ah.."
Pabiro kong sabi sa kanya. Grabe, ang presko pala dito pag gabi. Narinig ko syang natawa.
"Well, kinausap nya kasi ako kanina. At nagsorry sya sa akin.."
"Yieee.."
Pang-asar ko sa kanya at ginulo-gulo nya lang yung buhok ko. Andito kami ngayon sa may labas ng hospital, sa parang park area nila. Kaming dalawa lang ang tao dito. Ok na yun at least tahimik.
"Mia, may nararamdaman ka pa ba para kay Jeongin?"
Bigla nyang tanong sa akin at tumigil kami. Meron pa nga ba? I'd be lying pag sinabi kong wala na... Napabuntong hininga ako at napatingin sa sahig.
"Wala naman maniniwala sa akin kung sinabi kong wala na. Alam kong sabi mo na kalimutan ko na sya. Pero, ang hirap eh. Gusto, hindi, mahal ko sya. Kahit na wala na syang nararamdaman para sa akin...."
Sabi ko at napansin kong tumahimik si s.coups. Maya-maya, narinig ko na ulit syang nagsalita. Pero, parang nag-iba yung boses nya..
"Nagsinungaling ako, Mia."
T-teka. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan ako humarap sa likod ko at nanlaki mga mata ko ng makita ko....si Jeongin. Ngumiti sya sa akin at pumunta sa harapan ko. Lumuhod sya sa harapan ko.
"Nagsinungaling ako. Di totoo na wala na akong nararamdaman para sayo. Mia, mahal kita.."
Sabi nya at naramdaman kong may namumuong luha sa gilid ng aking mata. Lumapit sya sa akin at dahan-dahan ako niyakap. Di ko na napigilan pang umiyak.
"Sorry, Mia. Sorry.."
Bulong nya. Maya-maya kumalas na sya sa yakap. Tinignan nya ako diretso sa aking mata at hinawi ang aking buhok papunta sa likod ng tenga ko. Hinawakan nya pisngi ko. Kusang gumalaw tong kamay ko at hinawakan rin yung kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.
"Mahal kita, Mia.."
He said. Di ko na napigilan pang mapangiti.
"A-ako rin, Jeongin. Mahal kita.."
Sabi ko at dahan-dahan nya inilapit yung mukha nya sa akin hanggang sa magdikit ang labi namin.
I closed my eyes. And kissed him back...
BINABASA MO ANG
UMBRELLA.
Random❝ it all started when you lend me your umbrella. thank you, jeongin ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #3