03

935 43 18
                                    

Mia

"Oy Mia! Libre mo naman ako o!"

Sabi ng kaibigan kong si Veronica. Napailing ako at napabuntong hininga sa kanya.

"Jusko Veronica lagi ka nalang nagpapalibre. Like maawa ka naman sa wallet ko!"

"Pshh!"

Sabi nya sabay nag-cross arms tapos pout pa. Minsan napapaisip ako kung pano ko sya naging kaibigan---- de joke lang lab ko sya. Ahahaha.

Lunch time na namin ngayon at papunta na kaming dalawa sa canteen. Maya-maya ay meron akong nakitang mga grupo ng lalaki na naghaharutan sa di kalayuan.

"Tss. Anong ginagawa nila?"

Pabulong kong sabi. Ng makalapit na kami sa kanila ay meron akong nakitang isang pamilyar na lalaki dahilan para mapatigil ako. Pinagmasdan ko sya maigi at halos mapatakip ako sa bibig ko ng makilala ko na kung sino sya. S-SHETTT! SYA BA TALAGA YAN?!!

"ACK!"

Di ko namalayan na binangga ako ng isa sa kanila kaya nahulog tuloy ako sa sahig dahilan para mapatigil sila at mapatingin sa akin, including Jeongin.

"Fudge! Sorry miss! Ok ka lang?"

Sabi nung isa sa akin at inilahad sa aking harapan yung kamay nya upang tulungan ako. Nakatingin lamang ako kay Jeongin at sa mga oras na yon bigla-bigla nalang bumilis tong tibok ng puso ko. POTEK BA'T ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO?!!?

"umm...miss?"

Natauhan ako ng magsalita muli yung lalaking nakabangga sa akin. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng estudyante ay nakatingin na sa akin ngayon. Di ko maiwasan mailang kaya ako na mismo ang tumayo at natameme naman yung lalaking bumangga sa akin. Muli akong napatingin kay Jeongin na wala man lang reaksyon ng makita ako at naglakad na palayo na para bang wala nangyari.

FUCC! BA'T DI KO MAN LANG NAISIP NA DITO RIN PALA SYA NAG-AARAL?!

"Oy Mia! San ka galing? Liek nagmukha akong tanga dun---"

"T-tara na! K-kumain na tayo!"

Sabi ko at buong pwersa na syang hinila papunta sa canteen. Bwisit ang bilis pa din ng tibok ng puso koooo.

...

"Ang harot mo kasi Chan eh!"

Sabi ni Felix kay Chan, ang di sadyang bumangga kay Mia. Napakamot nalang sa ulo si Chan at napatingin kay Jeongin na natulala bigla.

"Bro, kilala mo ba yun?"

Tanong nya at natauhan naman si Jeongin at napatingin sa mga kaibigan nyang nakatingin rin sa kanya.

"H-ha?"

"Gulat na gulat sya ng makita ka nya para syang nakakita ng multo. Magkakilala ba kayo?"

Tanong ni Felix sa kanya. Napahinga ng malalim si Jeongin at umiling.

"Hindi. Hindi ko kilala yung babaeng yun."





UMBRELLA. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon