IKALAWANG
KABANATAPresensya
"Bili na kayo! Murang-mura! Sariwa! Babagong pitas, mga suki!"
Ang iba't ibang mga boses at sigaw ng mga magtitinda ang mga pangunahing madidinig ninuman sa kahabaan ng kalye sa bayan ng Masangqay sa lupain ng Kun. Nakahilera ang iba't ibang mga paninda habang nagsisiksikan ang mga mamimiling nag-uunahan upang makabili ng mga sariwa at murang bilihin ngayon ngang araw ng Flos Festum.
Ito ang taunang pista sa lupain ng Kun. Ang lupain kung nasaan ang mga pananim na gulay, prutas at iba pa. Ang Flos Festum nga ay ginaganap sa isa sa mga araw sa buwan ng anihan. Sa araw na iyon, mas mura ang mga bilihin kaya naman dinarayo iyon ng ng mga mamimili kahit pa galing sa mga tatlo pang lupain.
"Magkano po ito, ginang?" Isang napakagandang babae ang nakaagaw ng pansin ng lahat ng nasa tapat ng tindahang iyon. Tila kumikinang ito sa paningin ng mga tao at may iilan pang napanganga sa taglay nitong kagandahan.
"L-Libre na 'yan, h-hija.." namamanghang sabi ng matandang ginang na nagtitinda ng mga mansanas.
Natawa ang binibini. Mahinhin lamang iyon at tunay ngang kay ganda.
"Naku. Huwag naman po. Baka wala na po kayong kitain niyan.." mahinhin pa ring wika nito na lalong kininamangha ng mga tao.
"Ito na po ang bayad niya," sabat ng isa pang binibini na kay ganda rin.
Hindi pa ganoon nakakabawi ang mga tao sa pagdating ng dalawang magagandang dilag nang hilahin na ng bagong dating ang nauna. Nakasunod lamang ang tingin ng mga tao at parang tumigil ang mundo sandali.
"Puro ka talaga kalokohan," nakakunot ang noong sambit ni Artemis at tumawa naman ang dyosang kapatid niya.
"Grabe! Nakita mo ba ang itsura nila kanina? Mukha silang nakakita ng dyosa!"
"Dyosa ka namn kasi talaga," pagdadahilan ni Artemis na mas ikinatawa lamang ni Aphrodite.
Napailing na lamang si Artemis. Hindi talaga niya minsan maintindihan kung saan nanggagaling ang kaligayahan ni Aphrodite. Palagi itong masaya, nakangiti o tumatawa. Minsan naiisip niyang mali ang ibinangsad dito, dapat ay dyosa ng Kasiyahan at hindi dyosa ng Kagandahan.
"Wala ka bang binili?" Takhang tanong ni Aphrodite matapos ang ilang segundong pagtawa nito.
Umiling lamang si Artemis at nilingon ang isa pa nilang kapatid na kasama nila. Tahimik lamang na nakaupo si Athena sa nakatumbang puno sa gilid. Nakatanaw ito sa kagubatan sa pagitan ng lupain ng Kun at lupain ng Xipil.
"Bakit pa kayo nagpunta dito kung hindi rin naman pala kayo bibili sa mga paninda ng mga tao?" Tanong pa rin ni Aphrodite. Halatang naiinip na ito at hindi mananahimik kung walang magsasalitang iba.
"Alam mo kung bakit," seryosong saad ni Artemis. "Humingi lamang ng pabor si Tito Hades para bantayan at samahan ko si Persephone dito sa lupa."
"Nakakatawa kapag tinatawag mong Tito si Hades.." kumento ni Aphrodite bago tumawa nang mahina. "Sadyang naapektuhan ka sa labing-walong taong paninirahan mo dito sa lupa."
Bahagyang sumama ang tingin ni Artemis dito. Alam niyang madaldal talaga ang kanyang kapatid at hindi niya kailangang mainis o magalit dito.
"Kung ganoon, ayaw mo talagang magpunta dito?" Bahagyang natigilan pa si Artemis nang madinig ang boses ni Athena. Nang lingunin niya ito ay nagtama agad ang kanilang mga mata. "Galit ka pa rin sa mga tao."
Nag-iwas siya ng tingin. Alam niyang alam na ni Athena ang totoo bago pa man ito magbitaw ng mga salita, ngunit masyadong mapait iyon para kay Artemis. Ayaw niyang aminin ang katotohanang sa loob nang halos dalawang daang taon ay nasa puso pa rin niya ang poot na hindi man lang nababawasan para sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Artemis
WerewolfWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...