KABANATA 6: Lalaki

4.1K 146 7
                                    

IKA-ANIM
NA KABANATA

Lalaki

Pagkaalis nina Aphrodite at Hephaestus ay matagal na natulala si Artemis sa kawalan. Hindi umalis sa tabi niya si Abiel. Kahit pa malamig ang simoy ng hangin ay hindi na nag-abala pa ang dyosang magpaningas ng apoy. Hindi naman kasi siya naaapektuhan nito at maging ang kasama niya.

Naging tahimik ang gabi. Tanging ang iilang mga insekto at hayop lamang ang madidinig sa paligid. Ganoon din ang pagsabay ng mga halaman sa kumpas ng hangin. Payapa iyon para sa unang gabi ni Artemis sa lupa matapos niyang iwan ang tungkulin bilang dyosa at anak ni Zeus.

Nakahiga sa damuhan ng kagubatan, nakatingala siya sa mga bituin sa kalangitan. Wala ang buwan ngayong gabi, maaaring ayaw nitong magpakita o sadyang nasa lupa na ito. Alinman, nagsimulang lumipad ang isip ni Artemis sa kawalan.

"Paano ko nagawa 'yun?" Wala sa sariling tanong niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang umihip ang malakas na simoy ng hangin.

Mahal niya ang kanyang pamilya - ang kanyang Ama at kahit ang mga kapatid niya. Lalong-lalo na ang kanyang kakambal.

Paano niya nagawang iwan ang mga ito para sa isang nilalang lang?

Doon, lumingon si Artemis sa kanyang tabi.

Nakahiga din ang lalaki. Hawak nito ang kanyang kaliwang kamay. Yakap-yakap ng dalawang mga palad malapit sa mukha nito. Nakabaluktot ito. Napakainosente ngunit masyadong malaki ang katawan upang ituring na hindi mapanganib.

Saka nasagot ang kanyang sagot.

Itinaas niya ang kanyang kanang kanay at inabot ang mahabang buhok nito na humaharang sa mukha nito. Marahan niya iyong hinawi. Bumungad sa kanya ang makapal nitong mga kilay at balbas. Ang nakapikit nitong mga mata na tinatakpan ang kulay asul na kalangitan. Matangos ang ilong nito na hindi naiwasan ni Artemis na hawakan.

Pinadausdos niya ang kanyang hintuturo sa matangos nitong ilong pababa sa mga labi nito na halos hindi na niya makita pa dahil sa buhok nito sa mukha.

"Abiel.." wala sa sariling tawag niya sa pangalan nito.

Unti-unti - bumukas ang mga talukap nito. Itinambad sa kanya ang kalangitang dati pa niyang hinahangaan kung umaga. Asul. Kumikinang sa kadiliman ng paligid at tinatalo ang mga alitaptap sa pagkislap.

Sumikip ang dibdib ni Artemis. Naramdaman rin niya ang paghapdi ng gilid ng kanyang mga mata. Paano siya nagiging masaya sa ganitong klase ng sitwasyon?

Paanong nagbago siya nang dahil lang sa lalaking kanyang kasama?

Kinabukasan ay nagising siyang mahigpit ang yakap ni Abiel sa kanya. Hindi pa sumisikat ang araw at mas mababa pa ang temperatura. Napagpasyahan niyang bumangon at gawin na ang isang bagay na alam niyang kailangan na kailangan nilang dalawa ngayong kasama na siya ng lalaki.

Hindi siya habang buhay na matutulog sa damuhan o sa matigas na sahig ng kweba, kaya naman napagpasyahan niyang magtayo ng kahit isang maliit lamang na bahay.

Huminga siya nang malalim. Matagal niya nang hindi nagagawa ito kaya naman medyo nag-aalangan siya. Alam niyang hihina ang kapangyarihan niya balang-araw dahil sa pananatili niya dito sa lupa, kaya naman hindi na siya magtataka kung pumalpak ang naiisip niyang gawin.

ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon