KABANATA 7: Peklat

3.7K 126 7
                                    

IKAPITONG
KABANATA

Peklat

Isang beses pa ulit na umatras si Artemis. At ganoon na lamang ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib nang makita ang sakit at pagkadismaya sa mga mata ni Abiel. Hindi nawala ang malungkot na ngiti sa mga labi niya.

"B-Bumalik na kaya - " Patalikod na siya nang maramdaman niya ang magaspang na kamay ni Abiel sa kanyang kamay. Pinigilan siya sa dapat pagtakas niya sa sitwasyon.

Kinabahan siya at pilit na pinataas ang iritasyon sa kanyang dibdib. Nilingon niya ito. Nakakunot ang kanyang noo upang ipakita sa lalaking hindi na siya natutuwa pero katulad lang ng ibang ibig niyang iparating dito ay hindi nito iyon naintindihan. Imbis na bitawan at hayaan na lamang siya ay hinila pa siya nang bahagya palapit dahilan para mahigit niya ang kanyang hininga.

Umigting ang kanyang panga. Napigilan niya ang mga salitang nagpupumilit na kumawala sa kanyang mga labi. Gusto niyang mag-isip at kumilos ng rasyunal.

Isang Werewolf si Abiel. Natural lang dito ang maging agresibo. Wala naman siyang dapat ikagulat kung sakaling kumilos ito katulad ng ibang mga hayop, dominante. Ngunit ang ikinagulat niya ay kung paano ito kumilos ngayon. Hindi ito katulad ng inaasahan niya. Bagkus ay kabaligtaran pa nga. Kalmado lamang ito at tila ba handang hintayin kung kailan siya magiging kumportable.

Ngunit kailan magiging kumportable si Artemis?

Nakaukit na hindi lamang sa kanyang puso at isipan kundi maging sa kanyang kaluluwa na mananatili siyang birhen habang buhay. Galit siya sa mga kalalakihan.

"Abiel, sandali lang.." mahinang sambit niya. Masyadong mahina upang maging kumbinsido.

Ipinikit na lamang ni Artemis ang kanyang mga mata nang maramdaman ang mga kamay ni Abiel na kinakalas ang suot niyang balabal. Bumilis ang kanyang paghinga nang mahulog na sa lupa ang puti niyang balabal. Ngayon, ang suot na lamang niya ay ang mahaba niyang puting bestida.

Dahan-dahang hinubad rin ni Abiel iyon. Simula sa tali sa kanyang mga balikat bago iyon unti-unting nahulog sa kanyang katawan. Marahang dumadampi ang mahahabang kuko ng binata sa kanyang balat kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Pigil ang hininga ng dyosa. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

Sa unang pagkakataon sa buhay niya, hinayaan niya ang isang lalaki maliban kay Apollo sa buhay niya na makita siyang hubad. Iba si Apollo kay Abiel. Pagdating kasi sa lalaking kasama niya ngayon ay para bang kay sensual ng lahat. Para bang pinapaso ang kanyang katawan sa maiinit na tingin nito sa kanya.

Nagbuga siya ng hangin nang maramdaman ang mahahabang kuko ni Abiel sa itaas ng kanyang panloob sa ibaba. Dahan-dahan nito iyong ibinaba at pikit-mata pa ring hinayaan ito ni Artemis.

Naghintay pa ng ilang segundo ang dyosa hanggang mainip na siya at iminulat na ang kanyang mga mata. Nahigit niya ang kanyang hininga nang bumungad sa kanya ang asul na mga mata ng kanyang Mate. Puno iyon ang adorasyon at makamundong pagnanasa. Napalunok siya.

"Mate.." bulong nito na tila isa iyong orasyon.

Kinuha nito ang kanyang kamay bago siya iginaya papunta sa ilog. Sumunod naman siya. Nagpunta sila tubig at unti-unting inilubog ang kanilang sarili.

Napakalamig man ay mainit naman ang katawan ni Abiel nang yakapin siya nito mula sa likuran. Ganoon ang kanilang naging anyo. Si Abiel ay nasa likuran niya habang kapwa sila walang saplot.

"Hindi mo dapat pinanonood ang bagay na iyan Apollo." Napasinghap si Apollo nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran. Napaatras pa siya sa gulat at nakahinga lamang nang maluwag nang makita ang kapatid nilang si Aphrodite kasama ang asawa nitong si Hephaestus.

ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon