IKALABING-LIMANG
KABANATAHalimaw
Mabigat ang loob na lumabas sila ni Aphrodite galing sa kainan. Tiim ang panga niya ay nanginginig ang kanyang kalamnan hindi dahil sa gutom kundi sa isang emosyong hindi niya mapangalanan. Inatake noon ang kanyang sistema.
"Artemis.." tawag sa kanya ni Aphrodite nang abutan na siya nito sa labas.
Hindi siya tumigil o lumingon man lang kaya naman nagulat siya nang may humawak sa kanyang braso at sapilitan siyang kinaladkad. Nanlaki ang mga mata niya at nagkatinginan sila ni Aphrodite saka niya tiningnan ang may hawak sa kanya.
Nakaramdam siya ng inis nang makitang si Abiel iyon. Nilingon niya ulit ang kapatid bago siya marahang umiling.
Hindi na niya sinubukang magpumiglas pa hanggang sa makarating sila sa isang eskinita. Madilim na ang paligid dahil sa tuluyang pagkain ng kadiliman sa haring araw.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Boses-halimaw na tanong ni Abiel sa kanya.
Siguro kung ibang nilalang lang siya ay matatakot siya doon. Ngunit ilang beses na siyang nasinghalan noon ng lalaki kaya't wala lang iyon sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin at sinalubong ang mga asul nitong mata na halos nagliliwanag dahil sa intensidad.
"Iyon din ang itatanong ko sana sa'yo." Malamig at mariing tanong ni Artemis.
Malupit siyang dyosa. Alam iyon ng lahat. Maraming nilalang na ang kanyang napahirapan. Ngunit lumaki siyang makatwiran. Hindi siya nagbibigay ng isang kaparusahan upang magapakita lamang ng kalupitan. Ginagawa niya iyon sa mga nagkasala at hindi dahil mas malakas siya.
Nagtiim ang panga ni Abiel. Hindi niya malaman kung galit ba ito o ano. Pero nawala na sa kanyang isipan iyon nang bigla nitong atakihin ng halik ang kanyang mga labi.
Marahas nitong ibinagsak ang kanyang likuran sa malamig at matigas na pader. Ikinawit naman agad niya ang kanyang kamay sa batok nito at ipinulupot ang kanyang mga hita sa baiwang nito. Ramdam niya ang gigil sa diin ng pagkakahawak nito sa kanyang puwitan.
"Abiel.." halinghing niya nang padaanan ng mahahabang pangil nito sa kanyang leeg.
Nagdugo iyon nang bahagya na agad dinilaan nito para maghilom. Pagkatapos ay sinapo nito ang kanyang dibdib at sapilitang ibinaba ang kanyang balabal at bestida.
Hindi pa siya tuluyang nakakasabay sa makamundong pakiramdam na pinararanas ng binata nang maramdaman niya ang paghawi ng kamay nito sa kanyang panloob. Kasunod noon ay ang pagpasok nito sa kanya.
Awtomatikong napanganga siya. Naputol rin ang kanyang paghinga sandali hanggang sa magsimulang marahas na gumalaw si Abiel. Bumigat ang kanyang paghinga. Ibinagsak niya ang kayang ulo sa balikat nito.
Napapikit siya sa pakiramdam ng kabuuan nito sa kanyang loob. Parang napupunan ang bawat espasyo niya. Nakakabaliw ang pakiramdam.
"Kulang pa.." Nadinig niyang paos at mariing bulong ni Abiel sa kanyang tainga. "Artemis."
Lumipat ang mga kamay nito sa likuran ng kanyang tuhod upang mas maiangat siya. Mas naging agresibo ang paggalaw na pakiramdam niya'y napupunit na siya.
"Abiel!" Hiyaw niya nang marating niya ang sukdulan at halos mangisay siya.
"Kulang pa." Hindi ito tumigil sa paggalaw at maligayang tinanggap ni Artemis ang galit nito.
BINABASA MO ANG
Artemis
WerewolfWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...