IKALABING-DALAWANG
KABANATADyosa
Halos mapatid sa sarili niyang paa si Apollo nang tumakbo siya papunta sa umpukan ng mga dyoso at dyosa. Bukas na ng gabi gaganapin ang piging kaya naman hindi na nakapagtatakang halos kumpleto ang mga dyoso at dyosa nang araw na iyon. Subalit hindi iyon ang dahilan ng umpukan nang mga sandaling iyon. Ang talagang dahilan ay mismong dahilan rin ni Apollo kung bakit siya naroroon.
Bahagyang natigilan siya sa naabutang eksena. Nakaluhod si Selene sa harapan ng kanilang Ama. Wala itong kahit anong galos kaya't naisip niyang kararating lamang nito.
Magkausap sila noon ni Hestia tungkol sa piging bukas nang madinig nila ang balita tungkol sa pagdating ni Selene. Walang nagdala dito kundi ito lamang mismo. Lubos ang ikinagulat ng lahat ngunit walang nagtangkang maunang magtanong.
"Handa na akong putulin ang bond," ang sabi ni Selene. Kumunot ang noo ni Apollo. Tama ba ang nadidinig niya? "Patawarin niyo ako sa pagtakas na ginawa ko. Ngunit ginawa ko lamang iyon upang humanap ng paraan."
"Paraan saan?" Tanong ni Athena. Mahihimigan ang inis sa boses nito.
"Paraan para masigurong maliligtas pa rin si Abiel kung sakaling putulin nga nang tuluyan ang bond."
"At ang paraan na iyon ay ano?" Tanong na ni Zeus.
"Isang Mate," anito. "Naghanap ako ng isang nilalang na may lahing lobo sa lupa na maaaring maging Mate ni Abiel. At nakita ko na siya. Si Yuen ay ang Bise Presidente sa pamahalaan ng mga tao. Kapag naputol ang bond nina Abiel at Artemis ay mababaling na ang atensyon at pagmamahal ni Abiel kay Yuen."
"Paano kami nakakasigurong hindi mo kami nililinlang?"
"Maniwala kayo, Ama. Paulit-ulit ko nang itinaya ang aking buhay para sa'king mga nilalang. Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang mga iyon dahil lang sa kapangahasan."
Tumango-tango si Zeus na tila ba sang-ayom na sang-ayon sa anak. Gano'n pa man, hindi naalis ang kunot ng noo ni Athena. Hindi siya naniniwalang iyon ang totoong pakay nito. Ganoon pa man, nanatili siyang tahimik at pinanood na lang ang ekspresyon sa mukha ng lalaki.
Naalala niya bigla ang naging usapan nila ni Hades pagkatapos silang pulungin ni Zeus tungkol sa plano kay Artemis at sa lobo.
"Posible bang magtagumpay ang pagpuputol sa bond?" Wala sa sariling tanong niya nang sila na lamang ni Hades ang maiwan sa loob ng silid.
Nakatayo na ang dyoso at handa nang umalis ngunit agad na natigilan sa naging tanong niya. Inihilig nito ang ulo sa gilid na tila ba nag-iisip. Nilingon niya ito at nasalubong ng mga mata niya ang blankong mga mata nito. Umawang ang mga labi niya. Itim na itim ang mga ito.
"Marahil." Nagkibit-balikat ito at nag-iwas ng tingin. "Kung ano man ang mangyari, isa lang ang sigurado. Hindi mawawala si Artemis."
"Paano ang lobo?"
"May pakialam ba tayo sa kanya?" Ngumisi ito. "Wala. Kung may mangyari man sa kanya - "
"Paano kung may mangyari kay Artemis kapag nawala siya? Ang pagkakaalam ko kapag namatay ang Mate ng mga nilalang na iyon ay susunod din ang naiwan."
BINABASA MO ANG
Artemis
WerewolfWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...