IKADALAWAMPUT-ISANG
KABANATAKarapatan
"Ang tagal na kitang sinasabihan na huwag nang bumalik sa lupa."
Umirap si Artemis sa kawalan at hindi inialis ang tingin sa lumang malaking libro sa kanyang harapan. Halos dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huli niyang makita si Abiel. Aaminin niyang hindi pa rin niya nakakalimutan ang galit na nakita niya sa mga mata nito nang araw na iyon.
Sa loob ng dalawang linggong 'yun ay walang araw na hindi na siya pumupunta sa lupa upang siguruhing ligtas ito. Ayos lang naman kung panonoorin niya ito mula sa Itaas pero iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag natatanaw nita ito nang ilang metro lamang ang layo sa isa't isa.
"Paano kung mahuli ka ng mga tao?"
At sa loob din ng dalawang linggong 'yun ay walang araw na hindi siya kinukulit ng kanyang kakambal. Hindi lamang isang beses sa isang araw kundi marami.
Alam na alam kasi nito ang kahibangang ginagawa niya. Nagsisimula na tuloy siyang mainis na nalalaman nito ang lahat ng galaw niya. Parang wala na siyang pribadong lakad.
"Nakikinig ka ba?" Ibinagsak nito ang palad sa malapad na lamesa kaya't napatuwid siya sa pagkakaupo.
Ibinaling niya ang masama niyang tingin dito. Tumaas ang dalawa nitong kilay bago iyon nagsalubong dahil sa pagkunot ng noo.
"Huwag mong sabihing iyon ang pinaplano mo!"
"Apollo, hanggang kailan ka ba talaga mangingialam ha?" Sarkastikong tanong niya.
Sinarado niyang libro at tumayo na. Marahan siyang umiling. Nilampasan niya ang kakambal at lumabas ng silid ni Hestia.
Natanaw niya sa dulo ng pasilyo sa kanan ang dyosang kausap si Hermes kaya't sa kaliwa siyang bahagi naglakad. Nakasunod naman sa kanya ang kakambal.
"Huwag ka nang bumalik do'n.." Nahuli nito ang kanyang siko kaya't tumigil siya sa paglalakad. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at hinarap ito. "Nasasaktan ka lang ng lalaking 'yun. At kapag hindi ka tumigil baka hindi lang sakit ang maranasan mo."
"Kung mamamatay ako para sa kanya ay gagawin ko." Binawi niya ang kanyang braso sa pagkakahawak nito. Kita niya ang lungkot at pagkabigo sa mga mata nito. "Hayaan mo na lang ako. Hindi ba ang sabi mo ay susuportahan mo ako?"
"Pero nasasaktan ka na."
"At masaya akong nararamdaman ko pa rin iyon.." Marahan siyang ngumiti. "Masyado nang mahaba ang buhay natin para maging perpekto. Kailangan ko ring maranasan ang sakit. Ano sa tingin mo?"
"Nagiging masokista ka na."
Ngumiti lang siya saka umiling. Tumalikod na siya at nagpatuloy sa pag-alis.
Gaano man nag-aalala sa kanya si Apollo, alam niyang wala itong gagawin o magagawa para pigilan siya sa gusto niya.
Suot ang kanyang balabal ay pumunta siya sa lupa gamit ang ibang mukha. Kailangan niya iyon para hindi siya makilala ni Abiel at ng kahit na sino.
Dalawang linggo na siyang pinaghahanap ng mga tao. Hindi pa rin niya alam kung paano nangyari pero usap-usapan na siya ang gumawa ng pagsabog. Walang may alam na isang dyosa at wala siyang magawa sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Artemis
WerewolfWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...