KABANATA 9: Mate

3.7K 140 1
                                    

IKASIYAM
NA KABANATA

Mate

Nag-alala agad si Artemis sa muling pagbabalik nila sa kagubatan. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Abiel. Hindi niya tuloy maiwasang murahin nang paulit-ulit si Apollo. Ang ganda-ganda kasi ng usapan nila na bantayan ito pero hindi talaga niya ito maaasahan sa mga ganitong bagay. Sa kabilang banda, naiinis siya sa sarili. Sana hindi na lang siya umalis. Hindi sana 'to mangyayari.

Suminghap siya nang mas makita nang malapitan ang napakaraming sugat nito. Ang iba ay naghihilom na ngunit marami ang malalim at gawa ng pilak. Nagbuga siya ng hangin at pilit na isiniksik sa kanyang isipan na magiging maayos din ang lahat.

Gustuhin man niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan upang pagalingin si Abiel ay hindi na sapat ang kanyang enerhiya. Masyado siyang maraming nagamit kanina sa paninindak sa mga tao.

Dahil nga sira ang kanilang bahay ay gumawa na lamang siya ng maaaring higaan ni Abiel sa lupa. Pinagsama-sama niya ang mga dahon at upang maging kumportable man lang ito kahit paano.

Tiningnan niyang muli ang kalagayan nito. Parang pinipiga ang puso niya habang tinitingnan ang nakakaawa at mahinang estado. Huminga siya nang malalim bago siya pumitik. May liwanag na bumalot sa lalaki bago ito naging napakalaking itim na lobo.

Alam niya kasing mas mabilis na maghihilom ang mga sugat nito kung nasa anyo itong ganoon.

"Ang anak ni Zeus na si Artemis.." Halos mapatalon siya sa gulat nang madinig ang pamilya na malalim na boses na iyon mula sa kanyang likuran.

Umigting ang kanyang panga at hindi siya umibo sa kanyang kinaluluhudan sa gilid ng kanyang Mate. Hindi niya alam kung sinasadya ba talaga ng kanyang mga kapatid na bisitahin siya sa mga araw na tila gumuguho na ang mundo sa kanyang mga paa. Mahilig talaga silang mang-asar mga dyoso at dyosa, pero ibang usapan na kapag sila naman ang aasarin ng isa sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas ay tanong niya matapos ang ilang segundong hindi pa rin nagsasalita ang bagong dating.

"Bumibisita lang." Nadinig niya ang mga yabag ng mga paa nitong tumatama sa mga dahon ng kagubatan bago ito tumigil sa kanyang gilid.

Nilingon niya ito. "Anong dahilan ng iyong pagbisita?"

Hindi sumagot si Ares at ngumiti lamang. May hula na si Artemis kung bakit ito nandito ngayon, ngunit ayaw niyang makiusyoso pa. Hindi niya rin kasi gusto na nandito ito ngayon na nasa ganitong kalagayan ang kanyang Mate.

"Siya ba ang lobong pinag-uusapan ng lahat sa Itaas?" Hindi nag-angat ng tingin si Artemis at pinanatili lamang ang mga mata sa mga sugat ni Abiel na nilalagyan niya ngayon ng mga dahon at tinatalian ng malinis na tela. Ganoon pa man, dinig na dinig niya ang ngisi sa boses ni Ares. "Mukhang mahimbing ang kanyang pagtulog."

Hindi niya pinansin ang dyoso. Wala siyang planong alisin ang mahikang inilagay ni Apollo na nakapagpatulog dito dahil alam niyang sa oras na magising ito ay magiging mas agresibo ito. Hindi lang 'yun, mas mararamdaman din nito ang sakit. Ayos na iyong ganitong wala itong malay.

"Bumibisita pa rin ba dito si Aphrodite?" Nadinig niyang tanong ni Ares matapos niyang lagyan ng dahon at talian ng tela ang mga sugat ni Abiel.

Tumayo na siya at sa wakas ay hinarap na ito. Gusto niyang ngumisi pero pinili niyang umirap na lamang. Nagpunta siya sa timbang may lamang tubig sa gilid ng nasira nilang bahay. Doon siya naghugas  ng kamay habang nasa likuran niya si Ares ay naghihintay.

"Ang tagal ko na siyang gustong kausapin, Artemis. Hindi ko alam kung pinagtataguan niya ako o talagang itinatago siya ng lalaking 'yun."

"Ares, asawa niya si Hephaestus." Hinarap niya ito at pinaalala dito ang katotohanan. "Hindi mo na nga siya dapat pinupuntahan nang ganito. Ang akala ko ba ay nagkaintindihan na kayo ni Aphrodite noon pa na hindi na kayo dapat magkita?"

ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon