IKA-APAT
NA KABANATAPana
Bumagsak ang likuran ni Artemis sa katawan ng isang malaking puno. Umawang ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa lakas ng lalaki. Wala na siyang panahon upang makapagsalita o makapalag pa nang angkinin nito ang kanyang mga labi.
Marahas at walang pag-aalinlangan ang mga galaw nito. Tila isang hayop na babagong naranasan ang ganda ng daigdig.
Sa unang paglapat pa lamang ng mga labi nito sa mga labi ni Artemis ay sumabog na ang iba't ibang emosyon sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang pagwawala ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib. Pilit na kumakawala upang mapasakamay ng lalaking halos kinakain maski ang kaluluwa na niya ngayon.
Bago ang lahat ng ito sa dyosa. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakaramdam ng ganitong klase ng pakiramdam. Iyong pakiramdam na kuntento na siya kapag kasama ang partikular na nilalang na ito, na para bang kahit gaano kamali ay gagawin niya ang lahat upang maging tama ito, na nakakalimutan niyang siya si Artemis, isang dyosa na anak ni Zeus at na nakatadhana siya para sa lalaking ito lamang.
Mapupusok na halik ang iginagawad sa mga labi niya ngayon ng lalaki. Maski simpleng halik noon ay hindi pa niya naranasan. Isa siya sa mga dyosang Birhen kaya naman hindi na maiaalis sa kanya ang pagiging inosente. Kahit pa ilang beses na siyang nakakita ng dalawang nilalang na gumagawa ng ganitong klase ng bagay, iba pa rin talaga kapag siya mismo ang nakakaranas.
Nakapikit ang kanyang mga matang sinapo niya ang matitigas na braso ng lalaki para makakuha ng suporta at balanse nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Mainit ang mga labi nito, maski ang buo nitong katawan na halos nakadikit na sa kabuuan ni Artemis.
Napakainit.
Nadadarang na ang dyosa. Pinagpapawisan na ang kanyang noo at likuran. Parang sinisilaban ang buo niyang pagkatao.
Napasinghap siya nang mahina nang sapuhin ng lalaki ang maselang parte sa pagitan ng kanyang mga hita.
Doon siya tila nabuhusan ng napakalamig na tubig.
"Sandali!" Sigaw niya at lumipad palayo sa kanya ang lalaki.
Tumilapon ito sa lupa. Hinihingal si Artemis. Nang subukang lumapit muli ng lalaki ay ginamit na niya ang kanyang kapangyarihan upang pigilan ito. Mukhang maling desisyon na kausapin ito sa anyong-tao. Mukha kasing wala silang mapag-uusapan dahil sa pagiging agresibo nito.
"Kailangan m-mong huminahon.." Halos hinihingal pa siya habang nagsasalita at sinigurong mariin ang bawat salita niya upang iparating sa kausap na seryoso siya. "Hindi tama ito."
"Mate," wika ng lalaki na nakapagpiga ng puso muli ni Artemis. Malalim ang boses nito. Tila bumubulong sa hangin ngunit madidinig ang rahas.
Bakit ba tila pinapatay siya sa lahat ng ginagawa nito? Ganito ba ang pakiramdan ng mayroong Mate? Ang akala niya'y masaya iyon sa pakiramdam ngunit ang nararamdaman niya ngayon ay puro sakit sa dibdib at pag-aalinlangan.
"K-Kailangan nating putulin ang bond," pagpapatuloy niya. "Huwag mo akong tanggapin bilang Mate mo."
Kumunot ang noo ng lalaking kaharap niya. Hindi siya sigurado kung naiintindihan ba siya nito. Nadinig niya na lamang ang mahinang pag-ungot nito. Tila ba nasasaktan ito.
Hindi tuloy maiwasan ni Artemis ang malungkot. Hindi niya dapat iyon maramdaman. Isa siyang dyosa. Hindi dapat siya naguguluhan ng dahil lamang sa nilalang na ito.
"Naiintindihan mo ba ako?" Sinubukan niya ulit na tanungin ito pero nanatili lamang ang pagkalitong ekspresyon sa mukha nito.
Sa kabila ng masukal nitong mukha dahil sa mahaba nitong balbas ay kitang-kita pa rin ni Artemis kung gaano ito kagandang nilalang. Ang matangos nitong ilong, makapal na mga kilay, namumungay na kulay asul na mga mata, malaki at matigas na pangangatawan, malapad na dibdib at kulay kayumangging balat. Sa paningin niya'y mas gwapo pa ito kung ikukumpara sa anak ni Aphrodite na si Eros.
BINABASA MO ANG
Artemis
WerewolfWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...