HULING
KABANATAWalang pagsidlan ang kaligayan ni Artemis. Pakiramdam niya naging malinaw na sa kanya ang lahat. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng isang beses lamang na interaksyon nila ni Abiel.
Pero hindi lang iyon basta interaksyon lamang. Pakiramdam niya kumonekta siyang muling dito. Hindi niya makalimutan kung gaano katamis ang halik na pinagsaluhan nila. Na para bang mas matamis pa sa naging una nilang halik noon. Mas puno ng emosyon. Pinawi nito ang lahat ng kanyang alalahanin kaya naman hindi nakapagtatakang hindi maalis ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. Tila nagliliwanag pa siya sa sobrang saya.
"May maganda bang nangyari?" Sa wakas ay nagtanong na si Hestia.
Kanina pa kasing napapansin nito ang masayang aura niya. Pinili nitong manahimik na lamang at pinanood na lamang siyang ngumiting parang baliw habang nagbabasa ng lumang libro. Ni hindi nga siya makaalis sa naunang pahinang binuklat niya.
"Huh?" Gulat siyang nag-angat ng tingin. Napawi man nang bahagya ang ngiti ay kumikinang naman ang mga mata sa saya.
"Nagkaayos na kayo ng taga-lupa?"
Lalo siyang nagulat sa tanong nito. Nanlaki pa ang mga mata niya.
"H-Huh?"
Tumawa nang mahina si Hestia. "Ayos lang, Artemis. Hindi naman kita pagagalitan o ano."
"Huwag mong sasabihin kay Ama o kahit kay Apollo," pinili niyang sabihin.
"Bakit naman?"
"B-Baka lang magulat sila.." Tumikhim siya at ibinaba ulit ang tingin sa libro. "Ah . . ang sabi dito may mga paraan para maibalik ko ang kapangyarihan ko. Pwede kong hingin ang tulong ni Ama at Ina."
"Pwede mo ring bawiin ang kapangyarihan mo sa kung sino o ano man ang pinagbigyan mo noon."
"Paano ba nakakaapekto ang pananatili ng kapangyarihan natin sa katawan ng hindi dyoso at dyosa?" Tiningnan niya si Hestia.
"Siguro kung sa tao mo ibinigay iyon ay maaaring namatay na ito."
"Nakakamatay 'yun?!" Gulat na tanong niya. Halos lumuwa ang kanyang mata.
"Oo naman." Bahagyang natawa ito. "Pero hindi naman tao si Abiel, hindi ba?"
Tumango siya. Bahagyang nakahinga rin nang maluwag.
"Nakadepende na lang iyon sa kanya kung paano niya iyon mapanghahawakan."
"Paano ko naman mababawi 'yun kung sakali?"
"Babawiin mo ba?" Tumaas ang kilay nito. Halatang alam na kung ano ang isasagot niya.
"Hindi. Gusto ko lang malaman."
"Bakit ayaw mong bawiin?"
"Sa tingin ko mas makakabuting nasa kanya iyon. Para maprotektahan ang sarili niya."
"Tama ka." Tumango-tango si Hestia. "Sigurado rin akong hindi mo magugustuhan kung anong mangyayari kapag nabawi mo ang kapangyarihan mo."
"Bakit?"
"Mamamatay si Abiel," diretsong sagot nito. "Ang kapangyarihan mo ang nagbalik ng buhay niya sa kanya kaya't kapag nawala iyon ay mawawala rin ang buhay niya."
Ang totoo'y sumagi na sa kanyang isip ang ideyang iyon ngunit hindi niya na rin masyadong pinagtuunan ng pansin pa dahil matagal nang nabuo ang kanyang desisyon na huwag nang bawiin ang kanyang kapangyarihan mula rito.
Ganoon pa man, nakaramdam pa rin siya ng kaunting takot. Ni hindi niya alam kung para saan ang takot na 'yun.
Hindi niya babawiin ang kapangyarihan niya. Hindi niya kailangang mag-alala.
![](https://img.wattpad.com/cover/154577337-288-k694299.jpg)
BINABASA MO ANG
Artemis
WerewolfWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...