EPILOGUE
"Shocks! Ang sakit ng leeg ko."
Sinubukang igalaw ni Art ang kanyang leeg pero pakiramdam niya nasemento 'yun bigla dahil ang hirap igalaw. Nagpakawala siya ng buntong-hininga nang madinig ang mahinang tawa ng kaibigan niyang si Cahli.
"Paanong hindi? Eh, sarap ng tulog mo do'n sa jeep. Kahit yata nakailang preno na si Manong ay hindi ka man naalimpungatan," natatawa pa ring turan nito.
"Sa tingin ko sakit na 'to." Napangiwi siya nang subukan niyang umiling pero 'di naman niya nagawa. "'Pag nakatulog na ako ang tindi. Hindi ako basta-basta nagigising. Ang weird na naman no'ng panaginip ko."
"At talagang nanaginip ka pa ha!" Tumawa pa ito ulit. "Tell me. Tungkol na naman 'yun sa lalaking 'yun 'no? Alam mo na ba kung anong pangalan niya?"
"Hindi ako sure, eh.." Kumunot ang noo niya. "Parang kapag nananaginip ako, alam ko ang pangalan niya. I even loved the feeling of calling his name. Pero 'pag nagising na ako, nawawala na."
"Natural lang 'yun 'no. Alam mo namang gano'n talaga mag-function ang utak natin."
"Please, don't start with your scientific facts," pigil niya sa kaibigan. "What I need right now is iced coffee. Kumakaway na sila sa'kin. Hi!"
Masaya siyang naglakad papunta sa stall ng iced coffee sa labas ng university na pinapasukan nila. Mabilis siyang um-order at wala pa ngang ilang minuto ay nasa loob na sila ng university.
"Nagsisimula na agad?" Takhang tanong ni Cahli nang malapit na sila sa gym.
Ngayong araw kasi ang tryout ng basketball team ng university. At nandoon sila para manood dahil na rin sa boyfriend ni Cahli na si Joseff.
"'Di ba sabi mo bulok maglaro 'yung si Joseff?" Paglilinaw niya habang naglalakad sila papunta sa uupuan nila sa panonood.
"Oo nga. Swear ha. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na huwag na siyang mag-tryout. Duh. Sureness naman kasing ipapahiya niya lang ang sarili niya."
"Sana pala 'di na kita sinamahan," sabi niya at umupo na sa bakanteng upuan na nakita nila.
Nasa pinakaunahan iyong parte dahil pinilit siya ni Cahli. Kesyo gusto nitong abutan ng tubig at tuwalya ang boyfriend nito. Naisip naman niyang hindi na dapat pa kung ipapahiya lang naman nito ang sarili mamaya.
"Ayan na! Go Love! Galingan mo!" Malakas na hiyaw ni Cahli.
Halos ngumiwi si Artemis pero pinilit niyang ngumiti na lamang. Iba kasi talagang maglahad ng pagmamahal ang kaibigan niya. Ipagsisigawan nito kung kinakailangan sa buong mundo. Hindi siya masyadong sang-ayon dahil siguradong ilang buwan na naman itong magmumuni-muni sa mga katangahang ginawa kapag nag-break ang dalawa.
At isa pa, hindi niya alam kung bakit pero hindi siya kumportable sa mga lalaki. Hindi naman siya nagkakagusto sa mga babae. Hindi rin naman sa lahat ng babae ay kumportable siya. Wala rin siyang masamang karanasan sa mga lalaki. Kaya kataka-taka talaga para sa kanya na ganoon siya.
Binasagan pa nga siyang man-hater ng mga tao sa university dahil sa ugali niya. Madalas kasi siyang magtaray at magpahiya ng mga lalaki. Natural na iyon sa kanya pero kahit ganoon ay may iilan pa ring naglalakas-loob na ligawan siya.
"Hala! Nakatingin dito si Harold oh!" Inalog-alog pa ni Cahli ang balikat niya. "Magta-tryout din siya? Akala ko pa naman player na siya noon pa! Ang galing ka niya! Shocks. Wala nang pag-asa si Joseff. Wag mong i-good luck ha! Baka masyadong ganahan."

BINABASA MO ANG
Artemis
مستذئبWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...