KABANATA 14: Pera

2.8K 119 2
                                    

IKALABING-APAT
NA KABANATA

Pera

Pagod na pagod na si Artemis. Bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi. Bakit pa ba siya nagpunta dito? Alam niyang mangyayari ito. Inasahan na niyang galit sa kanya si Abiel ngunit ang madinig dito na huwag siyang umalis ay parang may pumunit sa kanyang kaluluwa.

"Ayoko n-na," nagawa niyang sambitin.

Napasinghap siya nang bigla siyang hilahin nito upang makatayo. Dahil sa panghihina ay bumagsak siya sa katawan nito at naramdaman niya naman ang braso nitong sumuporta sa kanyang likuran.

Nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata nang makasalubong iyon ng mga mata nito.

"Sino ka?" Ang tanong na nagpatigil sa mundo ni Artemis.

Hindi siya nito naaalala!

Hindi niya alam kung matutuwa siya o madidismaya. Wala itong alaala. Siguradong kahit sa nangyari noon ay wala itong maalala.

"Bitawan mo ako," mahinang sambit niya. Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Lalo siyang kinabahan. "Bitawan mo ako!"

"Magpakilala ka."

Napalunok siya. Kumurap-kurap siya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaunting kasiyahan dahil sa pakiramdam ng mainit na katawan ni Abiel na nakadikit sa kanyang katawan.

"Ako si Abiel." Agad na napabalik ang tingin niya dito nang sabihin iyon ng lalaki. Humapdi ang gilid ng kanyang mga dahil sa nagbabadyang panibagong luha. "Anong pangalan mo?"

"A-Artemis," maliit lamang ang boses na sabi niya.

"Artemis," sabi nito sa unang pagkakataon. Lumandas muli ang kanyang luha at mabilis iyong pinalis ng binata.

Napapikit pa si Artemis nang dumampi ang mainit at medyo magaspang nitong kamay sa kanyang mukha. Marami na ngang nagbago. Hindi na mahahaba ang mga kuko nito ngunit ganoon pakiramdam ng haplos nito.

"Ikaw ba ang dyosang nagbantay sa'kin noon?" Awtomatikong nagmulat siya sa nadinig. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos matunaw ang puso niya nang mahinang tumawa ang kaharap. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Sinabi sa'kin ni Yuen ang tungkol sa pagbabantay mo sa'kin."

"Yuen?" Kumunot ang kanyang noo.

"Ang aking Mate."

"Ang iyong Mate?" Muntik na siya mapasigaw.

Nakaramdam siya ng inis. Naalala niya ang babaeng kasama nito kanina.

"Baka hinahanap ka na niya," mapait na wika niya upang makawala na sa siwatsyong iyon. Masyado na siyang nagmumukhang tanga.

"Hindi.." Napatingin siya asul na mga mata nito nang pabulong itong sumagot. Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi kaya't ganoon rin siya.

"Abiel!" Nagtiim ang panga ni Artemis nang madinig ang boses ng isang babae. Huminga siya nang malalim at sinubukang kumawala sa pagkakayakap ni Abiel sa kanya.

"Hinahanap ka na niya Abiel," may halong inis na sabi niya.

"Sabihin mo ulit ang pangalan ko." Nagulat siya sa sinabi nito. Kumunot ang kanyang noo.

"Abiel," tawag niya dito kasabay ng sigaw muli galing sa bagong Mate nito.

Dahan-dahan ay lumuwag ang brasong nakapulupot sa kanyang baiwang bago iyon tuluyang nawala. Huminga nang malalim si Artemis nang umatras si Abiel. Nakatingin pa rin sila sa isa't isa hanggang tumalikod na ito.

ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon