IKALABING-WALONG
KABANATAPagsabog
Walang pinagsisisihan si Artemis sa ginawa niyang pag-alis nang araw na iyon. Kung kailan wasak na wasak na siya at ubos na ang lakas. Ni hindi niya pinagsisihan ang mga salitang iniwan niya kay Abiel bago niya ito tuluyang iwan.
"Babantayan kita."
Isa iyong pangako na hind niya kinalimutan. Sa loob ng isang taon at dalawang buwan na nakabalik siya sa Itaas ay binantayan niya si Abiel sa lupa. Siniguro niyang ligtas ito.
Ganoon pa man, hindi niya masasabing nagbago na ang binata. Malupit pa rin ito at madalas ay pinaiiral ang init ng ulo kaysa makinig sa ibang tao.
"Hindi ka ba sasama?" Sumilip si Aphrodite sa kanyang silid nang araw na iyon. Nakasuot ito ng mahabang puting balabal habang naghihintay ng kanyang sagot. "Sumama ka na!"
Ngayon nga ay ang taunang Flos Festum sa lupa. Ito na naman nakatakdang panahon nang pagpunta ni Persephone sa lupa. At hindi sigurado si Artemis kung magandang ideya na sumama siya ngayong taon.
Hindi na nga siya sumama noong isang taon sa takot na makita ulit si Abiel. Oo nga't lagi niya itong nakikita mula sa Itaas ngunit iba pa rin kung makakaharap niya ito.
"Ano namang gagawin ko do'n?" Bagot na tanong niya habang hinihila na nito ang kanyang braso. "Nanawa na ako sa mga pagkain at kagamitan ng mga tao."
"Kahit sumama ka lang!" Pagpupumilit nito. "Hindi mo man lang ba nami-miss ang lupa?"
Umirap siya at nagpadala na sa paghila nito sa kanya. Tumawa ito na tila ba nagtagumpay sa isang kumpetisyon. Napangiti na lamang siya nang nakatalikod na ito.
Syempre naman nangungulila din siya sa lupa. Gusto rin niyang pumunta pero may mga bagay na hindi pa niya kayang harapin. Pero naisip rin niyang hindi siya dapat sa isang katotohanan. Mas nakakatakot kasi ang isang kasinungaling natatago sa magandang imahe.
Nagpunta sila sa lupa. Katulad dati ay sina Persephone, Athena at Aphrodite ang mga kasama niya. Panay ang talon ni Aphrodite na tila ba ngayon lamang ito nakapunta sa lupa. Si Persephone ay hindi mapawi ang ngiti at si Athena naman ay tila ba napilitan lamang sa pagsama.
"Mayroon silang peryahan ngayon!" Tili ni Aphrodite saka nilingon si Athena. "Ano 'yung peryahan?"
Umirap si Athena. Kahit pa alam ang sagot ay hindi na ito nagsalita. Nagpatuloy ito sa paglalakad papunta sa hanay ng mga paninda.
Kinakabahan naman si Artemis. Pakiramdam niya'y namamanhid rin ang kanyang katawan. Tumikhim siya. Naramdaman niya ang braso ni Aphrodite na kumawit sa kanyang braso. Nilingon niya ito.
"Ayos lang.." mahinang sambit nito.
Bumuntong-hininga siya at tumango. Tama, ayos lang. Wala siyang dapat ikabahala.
"Artemis?" Nagulat siya sa biglang humawak sa kanyang braso. Napatili pa siya kaya't umagaw sila ng atensyon.
Nagulat naman ang bagong dating at napaatras. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang pinalibutan pa ng tatlong kababaihan ang kakilala.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo taga-lupa?" Galit na asik ni Athena. Nakapwesto sa unahan ni Artemis at tila handang lumaban ng patayan kapag may gumalaw sa kapatid nito.
"Atras!" Umabante si Persephone kaya't napaatras ang lalaki.
"A-Ayos lang.." medyo nanginginig pang sabi ni Artemis. Hinawakan niya ang mga braso nina Athena at Persephone. "Kilala ko siya."

BINABASA MO ANG
Artemis
Hombres LoboWhen everything got twisted, the best escape was to be born again. Nang magkaroon ng isang malaking away sa pagitan nina Selene at Artemis, ginawa ni Apollo ang lahat upang matulungan ang kanyang kakambal sa maaaring sasapitin nito sa kamay ng kanil...