CHAPTER 24✔
Ford POV
Natatawa ako habang nakatingin sa babaeng kaharap ko na nakanguso...ang cute na pala.
nabanga ko sya kanina kaya naman nag sorry ako pero actually kasalanan nya kung bakit masakit ang kanyang noo,pero hindi ko alam at nagawa ko pang mag sorry,maybe gentleman talaga ako.
nag pakilala ako sa kanya hangang sa sinabi nyang dalhin ko sya sa isang lugar na pwede nyang kalimutan ang nangyari sa kanya kaya naman dinala ko sya sa food court ng ****** kaya naman heto sya at lukot ang mukha.
"Bat dito mo ako dinala?"nag tataka nyang tanong habang nakatingin sa mga taong sumusubo ng fishball."Nakakadiri kaya dito?"nangangati nyang sabi habang kinakamot ang katawan.
natawa naman ako,akala ko talaga kumakain sya dito.ang simple kasi nyang tignan pero hindi ko alam na maarte pala.hinila ko sya sa isang foodstand na may kwek-kwek, fishball , lumpia juices at Marami pa ang iba.
"hindi ka kumakain ng ganito?"nakanguso syang umiling tsaka tinignan ang isang babae na sinusoksok ang fishball sa isang red sauce tsaka kumagat doon at linagay na naman ulit rinig na rinig ko naman ang pag ngiwi ni Gail."Esh yack! "
natatawa ako tsaka ginulo ang kanyang buhok."Nako wag kang ganyan dito gail at baka masalvage ka!tignan mo silang lahat nag kakais tignan mo."tinuro ko ang mga taong kumakain.
"Nag kakaisa ng laway kamo."naiirita nyang sabi at akmang aalis na pero pinigilan ko sya."Wait lang hindi ba gusto mong makalimot?"tumango sya."Ede chance mo na ito!siguradong makakalimutan mo ang problema mo maski ang Kuwarto mo!"
kumunot ang kanyang noo...hayst ang arte ng babae nato!hinila ko sya malapit ki manong.nag pupumiglas naman sya pero dahil malakas ako sumama nadin sya.
"Oh Ford ekaw pala yan---teka Sino yang kasama mo?girlfriend moba?"tanong ni manong ali,minsan na akong napalagi dito hangang sa inulit ulit ko kaya naman kilala na ako dito.
"Haha manong naman oh."hinila ko si gail papalapit sa akin."bagong kaybigan manong at tuturuan ko kumain."napa 'aray' ako ng paluin ako ni Gail.
"Ford naman eh."nakanguso nyang sabi,nag paalam ako ki manong ali tsaka kumuha ng kwekwek,fishball at kung ano ano pa.nanghingi ako ng fresh suice dahil maarte nga itong kasama ko tsaka kami naupo sa isang bench.
"Ano yan?"tanong nya sa akin.yong totoo pwede bang tawaging simple ang babae na to be hindi naman alam ang pagkaing ito?damn it simple lang ata sa pananamit eh.
"Pagkain?"hindi ko siguradong sagot pero sinamaan lang nya ako ng tingin,"Joke lang!ikaw naman o heto kainin mo tapos lagyan mo ng suice ito oh."tinitigan nya ako pero tumawa lang ako."Don't worry malinis yan!"tumango nalang sya tsaka sinubo ang kwekwek hangang sa sunod sunod na iyon.
"Oy-oy hinay hinay lang!meron pa---gail!"hindi pa ako tapos mag salita ng bigla nyang kunin ang hawak kong lumpia at kinagat iyon.
"Hmm...ang crispy!"sigaw nya tsaka nag patuloy sa pagkain habang linalaro ang kanyang paa at may nalalaman pang pangitingiti.
"Parang kanina lang nandidiri ka pero ngayon sarap na sarap ka?ibang klase."umiling iling sya tsaka tinuro ako."Pwede ba tama na ang satsat?umorder kana lang doon babayaran kita pwames.''
ibang klase!
--##
After naming kumain na halos ubusin na ni Gail ang pagkain at pera ko,ayaw kasi nyang bayaran dahil mas masarap daw ang libre at srsly hindi ba sya nacoconscious na kumain habang nakatingin ako sa kanya?atsaka hindi sya katulad ng nadadate ko dahil ki mama na salad lang ay okay na at mas marami pa ang oras sa pag punas ng tissue sa labi nila kaysa sa pag kain not like her!
walang sinayang na oras!kain lang ng kain,halimaw ata ito eh but i like her---as a friend.
dinala ko sya sa favorite place ko which is dito sa peryahan...alam ko ang pasikot sikot dito sa lugar nato dahil sa dito nakatira ang yaya ko na second mother ko na,lagi akong andito at halos dito nadin ako lumaki kaya naman simple lang sa akin.
laro lang kami ng laro hangang sa naisipan naming mag lakad lakad sa park,madami din ang umiikot more on barkada or couples.
"Oy Ford thank you sa pag sama mo sa akin eh,ang laki ng tulong mo!"sabi nya sa akin tsaka pinalo ang braso ko,natawa naman ako doon at kinurot ang pisnge nya.
"Your welcome atsaka masaya akong nakilala ka."I saw her blush kaya napangiti ako ng lihim.I think I like this girl already.
hindi naman sya kagandahan pero kaunting ayos lang maganda na!atsaka naniniwala ako sa kasabihang simplicity is beauty at may roon ng halimbawa....magandang halimbawa!
humagikhik sya ng bigla nalang syang pumikit kaya tinapik ko ang braso nya..."Okay ka lang?"
"hmm sssh!"hinawakan nya ang labi ko gamit ang kanyang daliri tsaka uminhail tsaka sunod ay exhail.
"ang saya dito kaya lang kaylangan ng umuwe...oh paano ford mauna na ako bye!"akmang sasagot pa ako para sana ihatid sya ng tumakbo na sya sabay sakay sa jeep at kumaway nalang sa akin.
"THANK YOU POGI!"
BINABASA MO ANG
Teach me how to love again (R-18✔)
Romance"I don't do Love,I want my freedom.Please leave me."He's begging,ayaw ba talaga nya sa akin?gustong gusto ba nya ako mawala sa landas nya? Wala akong ibang ginawa at nais makamit kung hindi ay mahalin sya,pero hindi nya maibigay dahil may Mahal syan...