Prologue

2.6K 47 0
                                    

Blue's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng university kung saan ako nagaaral noon and it's already 2 years since she left me. Hindi naman ako katulad ng dalawa kong kuya na may nabuntis o may ex girlfriend. Ang totoo lang wala niisa ang lumalapit sa akin kaya wala akong kaibigan during my school days. I'm all alone until I met someone. She is the most beautiful in our campus, transferee lang siya galing Japan and she is my girl friend, kaibigan na babae hindi nobya. Her name is Mao Arata, she is a half Japanese. Siya lang ang naglakas loob na kausapin ako at naging kaibigan ang isang Blue De Luca. But one day nagbago ang pakitungo ko sa kanya naging malamig ako sa kanya dahil naisip ko lang na kaya siya lumapit sa akin ay baka naawa siya dahil wala ako niisang kaibigan at pinagsisihan ko ang paglayo sa kanya. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya until she left the country na hindi man lang kami nagkausap na dalawa. Alam kong ako ang dahilan kaya umalis siya ng bansa. I hurt her that much. Sana nga bigyan ako ng pagkakataon na makausap siyang muli, sana makita ko ulit si Mao.

Palakad lakad lang ako sa labas ng university para bang hindi ako makali at mabuti na lang bakasyon na ng mga estudyante kaya walang tao sa loob.

"Blue?" That accent, hindi ako pwedeng magkamali. Humarap ako sa kanya na may ngiti sa mga labi ko pero nawala rin ng makita kong may kasama siyang lalaki. "Ikaw nga iyan. Gosh. I wasn't expected to see you here."

"Yeah, me too." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay nasasaktan ako? Sino ba itong kasama niya?

"Blue, this is Vince my fiance." Namilog ang mga mata ko ng marinig na fiance niya ito! Tangina, ikakasal na siya. "Babe, si Blue yung palagi kong kinukwento sayo noon."

"So, you're Blue. Madalas kang kinukwento sa akin ni Mao noon kaya nagseselos na ako dahil ikaw palagi ang topic namin."

"Sabi ko naman sayo huwag ka magselos kay Blue dahil kaibigan ko lang siya."

Kaibigan.. Yeah right.

Bakit ba ako apektado? I don't even care about Mao's love life. Sinaktan ko siya noon kaya hindi ko alam kung bakit kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin.

"C-Congrats sa inyong dalawa ah. Mao, nice to see you again but I have to go." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mao dahil tumakbo na ako palayo sa kanila. Nang hindi ko na sila madatnan ay agad pumatak ang mga luha ko.

Bakit ako nasaktan ng ganito? Dahil ba si Mao ang crush ko noon kasi siya lang ang palagi kong kasama? But I hurt her. At ang crush na iyan ay isang paghanga lang sa isang tao. I don't even love her. Wala nga sa bokubularyo ko ang salitang love. Hindi ako katulad nina kuya Theo at kuya Red na nakatuluyan nila ang babaeng mahal nila. They both lucky to marry the woman they love. Pero ako? Nah, hindi na ako umaasa sa ganyang bagay. Or maybe hindi ko pa nahahanap ang babae para sa akin.

Pinunasan ko na ang luha ko bago umuwi sa bahay.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko at ni lock ko ang pinto para walang isturbo. Humiga na rin ako sa kama.

I hope someday I met someone.

Kaya imposibleng may nararamdaman ako kay Mao. Ikakasal na yung tao kaya kung meron man ay kailangan kong pigilan dahil ayaw ko makasira ng isang relasyon. Maybe I'm a bad boy but wala akong intensyon mang agaw ng girlfriend sa ibang kalalakihan. Ayaw ko ng gulo. Nakapagtapos ako sa pagaaral na hindi pumapasok sa isang gulo. Grumaduate ako ng cum laude sa kursong civil engineer dahil wala akong balak humawak ng kumpanya namin but I want to build my own business.

"Kuya Blue." Kumakatok si Sarah sa pinto ng kwarto ko. Napapansin ko ay napapadalas ang alis ng kapatid kong ito, paalala ko lang sana sa kanya na kaming dalawa na lang na magkapatid nandito dahil ang dalawang kuya namin ay kasal na. Pero kahit kailan namin pwede bisitahin si kuya Red ay pwedeng pwede dahil medyo malapit lang dito ang bahay nila but kuya Theo. Wala sa Manila ngayon si kuya Theo dahil bumili siya ng bahay sa Bicol para doon na sila tumira pero may project na pinapagawa sa akin si kuya Theo dahil gusto niya magpatayo ng business doon pero kailangan ng tulong ko. Trabaho rin iyon kaya hindi ako makatanggi sa project. I think this will be my late wedding gift for them, ang pinapagawa niyang business.

"What do you want Sarah?" Pataray ko sa kapatid. Wala akong gana makipagusap kay Sarah dahil mang aasar lang siya sa akin. Malakas mang asar ang babaeng ito pero kapag siya ang inaasar ko ay napipikon at ako ang kawawa dahil siya ang kinakampihan nila mom.

"Pumunta rito si Mao kanina and she asked me to give this invitation to you."

"Throw it."

"Why? Hindi ba naging kaibigan mo naman siya?"

"Noon iyon pero hindi na ngayon!"

"Sayang naman ang pinag--"

"Goddammit! Ako ang nakakatanda sa ating dalawa kaya sumunod ka sa pinapagawa ko sayo. Itapon mo na iyang invitation at kapag bumalik pa siya rito sa bahay ay wala akong balak dumalo sa kasal nila."

Nakakatanda ako sa kanya ng isang minuto dahil kambal kaming dalawa ni Sarah. Kahit ayaw ko maging kakambal siya ay wala ako magagawa.

"How did you know it's a wedding invitation?"

"Nakita ko siya kanina at nakilala ko rin ang fiance niya."

Mas hamak naman mas gwapo ako sa lalaking iyon. Lamang rin ako ng sampung ligo doon.

"Okay. Kapag ito tinapon ko walang sisihan ah."

"Oo! Kalat lang iyan."

Pagkatapos kong kausapin si Sarah na hindi man lang binuksan ang pinto ng kwarto ay pumunta na ako ngayon sa banyo para maligo. I need a cold water para nakatulong na mawala ang sakit ng puso ko.

Sakit ng puso?

Bakit naman masasakit ang puso ko?

Unang una wala kaming relasyon ni Mai noon. Pangalawa kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Pangatlo hindi yata bagay sa akin ang maging boyfriend o husband. Pangapat hindi yata ako pang hushand material. At pang huli ikakasal na siya. Kaya wala akong karapatang pigilan ang kasal niya. She can marry whoever she likes.

"Wala akong paki." Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

Yeah, I don't really care.

Ako ang tipong hindi marunong magmahal sa ibang tao maliban sa pamilya ko kahit hindi obvious sa akin. I love my family kahit marunong sumira ng isang relasyon si mom.

~~~~~

Here we go.. Blue's story.

Please support

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon