I've been busy the whole weeks. Hindi na ako masyado nakakabalik sa Manila dahil ang daming ginagawa ngayon sa site kaya sa bahay ako nila kuya Theo tumutuloy habang nandito pa ako.
"Hello, engr. De Luca." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Isa siya sa mga kateam ko. Isa rin siyang architect.
"Yes? How may I help you?" Tinaasan ko siya ng isang kilay pagkakita kong ngumiti siya sa akin ma para bang kilig na kilig. Tsk. Oras ng trabaho lumalandi. "Kung wala ka ng kailangan sa akin ay bumalik ka na sa trabaho mo."
Sumangot siya ng umalis sa harapan ko. Alam namang oras ng trabaho pero mas inuuna ang kalandian.
"Blue, you shouldn't treat them like that." Sabi ni Mao. Sinama ko siya rito dahil nagpupumilit na sumama sa akin. Pero hindi siya pwede pumasok sa loob baka ano pa ang mangyari sa kanya. She can stay outside to talk with other workers.
"Oras ng trabaho pero inuuna nila ang kalandian."
"Mukhang type ka naman niya." Inirapan ko si Mao dahil wala akong plano pumatol sa ibang maliban sa kanya.
"I'm going inside. Ikaw na muna bahala rito sa labas."
Pagkapasok ko sa loob ang ibang palapag ay may pader at sahig na. Medyo mabilis ang trabaho namin pero kailangan rin sa iba pang palapag.
Pagkalabas ko ay may grupo ng babaeng architect ang humarang sa dadaanan ko.
"What now?" Pagtataray ko sa kanila. Nagaaksaya ba sila ng oras? Tsk. "Kung wala kayong gustong gawin ay uma--"
Tinulak ng isang babaeng architect ang kasama pa niyang architect na babae. Yung babaeng kausap ko kanina.
"What? Are you going to flirt with me during work hour? Hindi kayo binabayaran para lumandi sa akin." Kunot noo ko nakatitig sa kanila. "Binabayaran kayo para gawin niyo ng tama ang trabaho niyo. Hindi ang lumandi. Kung gusto niyo lang lumandi dapat sa club kayo nagapply hindi dito."
"Sorry po." Mas lalong kumunot ang noo ko ng halikan niya ako sa pisngi. Kaya yung ibang nakakita ay kinikilig at yung iba ay nag-ayiiie pa.
"Ano ba mahirap sa sina--" Naputol ang sasabihin ko ng makita ko si Mao. Shit. Did she saw that? Nilagpasan ko na silang lahat para lapitan si Mao. "Mao, wait! Mali ang iniisip mo."
"Paanong mali? Kitang kita ko kung paano ka niyang halikan."
"Only in the cheek. Believe me, ikaw lang ang mahal ko. Wala naman akong pakialam sa ibang babae maliban sayo plus our baby."
"Ayaw ko na muna makinig sayo, Blue. Lalayo na muna ako sayo."
"Please, no..." Hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi ni Mao agad. "Mao, please... Don't leave me. Hindi ko kayang mawala kayo ng anak natin."
May luhang pumatak sa mga mata ko. Simula noon ay hindi ako umiiyak sa harapan ng ibang tao pero iba si Mao. But she only did is turn around. Tinalikuran niya ako at umalis sa harapan wala man lang pasabi.
"Ahh! Bullshit!" Humarap ako sa mga kababaihan. "Kayong lahat pwede na kayo bumalik ng Manila dahil ayaw ko na makita ang pagmumukha niyo! Kung hindi pa kayo umalis sa harapan ko ay mabubulok kayong lahat sa kulungan!"
Agad ako sumakay sa kotse ko baka maabutan ko si Mao sa bahay nila kuya Theo.
Pagdating ko ay si ate Nicole lang ang naabutan ko rito sa sala.
"Ate, si Mao?" Tanong ko kay ate Nicole.
"Upstairs. Mukhang may problema. Nagaway ba kayong dalawa?"
"Misunderstanding lang po. But I really ne--" Napatingin ako sa may hagdanan dahil nakita ko si Mao dala ang mga gamit niya. Lumapit ako sa kanya. "Please, don't go. Pagusapan natin ito."
"Umalis ka sa daanan ko kung ayaw mo hindi mo na makikita pa ang anak mo!" Umalis ako sa harapan niya kaya tumuloy na siya sa pagbaba ng hagdanan.
"Mao, wait. Kung ano man ang naging problema niyong dalawa ni Blue ay dapat pagusapan niyo na muna. Alam kong buntis ka at makakasama sa bata kapag galit ka." Sabi ni ate Nicole. Yumuko na lang ako dahil ang sakit sa puso na ganito.
Huminga ako ng malalim bago tumingin ulit sa kanila.
"Kung gusto mo muna umuwi sa inyo hindi na kita pipigilan." Napatingin silang dalawa sa akin.
"Sigurado ka, Blue?" Tumango ako kay ate Nicole.
"As long as makikilala ko ang anak namin. Iyon lang ang importante sa akin."
Kailangan ko na ulit yata magparaya muli sa babaeng mahal ko. She need some time.
"Kung magkita muli tayo ay hindi na kita papayagan na iwanan muli ako. But if that time comes ay sa simabahan na ang baksak mo, Mao." Ngumiti ako ng mapait sa kanya at lumabas na siya ng bahay nila kuya Theo.
Umupo ako sa may hagdanan at hinilamos ang mukha gamit ang mga palad ko. Ang sakit pero kailangan kong tiisin ang sakit nararamdaman ko ngayon.
"Sigurado ka ba iyan sa naging desisyon mo, Blue?"
"Yes, ate. Nakita niya ang nangyari kanina sa site but believe me naiinis ako sa pinaggagawa ng mga architect namin kanina."
"What they did?"
"May isang babaeng architect na hinalikan ako." Namilog ang mga mata ni ate Nicole. "No. That's not what you're thinking, ate. Sa pisngi lang niya ako hinalikan pero ang akala siguro ni Mao sa labi."
"Alam kong masakit dahil naranasan ko na rin iyan noong nakipaghiwalay ako kay Theo noon. Mas lalong masakit noong malaman kong pinagbubuntis ko ang anak niya. Pero tingnan mo kami ngayon, kasal na kami."
"Kayo talaga para sa isa't isa ni kuya Theo. But I don't know kung ganyan din ang magiging buhay ko."
"Always think positive. Ikaw pa nga ang nagsabi kanina kung para kayo sa isa't isa ay magkikita pa kayo and I'm sure para talaga kayo ni Mao. Sa tagal niyo rito sa amin ay nakikita kong mahal niyo ang isa't isa."
"Basta nangako ako sa sarili ko kapag nagkita kami ni Mao ay yayain ko na siya magpakasal sa akin. Hindi ko na siya papakawalan pang muli."
Or maybe pupuntahan ko siya sa Japan. Alam ko naman doon siya babalik dahil nandoon ang pamilya niya. Alam kong hindi uso ang pagmamanhikan sa Japan pero kakausapin ko ang mga magulang niya na yayain ang anak nila na magpakasal sa akin. Sana mapapayag ko sila. Baka kailangan ko pa pati sila ay ligawan ko.
"Mas mabuti pa."
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...