Chapter 3

822 39 0
                                    

Mao's POV

Tahimik lang kami ni Vince habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang humingi ng permisyo sa fiance ko na magtrabaho ako rito, pwede naman na hindi niya alam. He's allowing to work but in one condition susuduin niya ako paguwi ko. Pero walang wala pa rin siya kay Blue.

Blue is my crush and first love.

Kahit masungit at hindi marunong ngumiti si Blue ay naatrak ako sa kanya. Sa gwapo nitong itsura at hindi lang iyon talented pa. He can sing and dance... san ka pa? Palagi nanalo si Blue kapag may singin o dance competition sa school.

"What was that for, Mao?" Napakurap ako ng magsalita na si Vince. Akala ko pa naman makakarating kami ng condo ko na mapapanis ang mga laway namin.

"What what?"

"Don't what what me, Mao. Bakit mo kasama ang lalaking iyon kanina?"

"Kasama ko siya sa trabaho. Don't tell me you're jealous again because of Blue?"

"I'm fucking jealous. Ako itong fiance mo pero ibang lalaki ang kasama mo kanina."

"Of course. Sa team niya ako nilagay ng boss ko at hindi ko naman alam magiging katrabaho ko siya doon."

"Talk to your boss na lumipat ka ng ibang team. Ayaw kong makita kang kasama mo ang lalaking iyon."

"Stop, Vince. Please lang ayaw ko ng away dahil pagod ako ngayon."

"Mahal mo pa rin ba ang lalaking iyon?" Seryosong tanong niya sa akin at napatingin ako sa kanya.

Mahal ko ba si Blue? Yes, dahil siya pa rin naman ang laman ng puso ko pero may Vince Foster na ako at ikakasal na kami sa susunod na buwan.

"No, I don't love him dahil ikaw ang mahal ko. Ikakasal na tayo sa susunod na buwan, Vince." I lied. Ayaw ko naman kasi sabihin kay Vince na mahal ko pa rin si Blue. Ano iyon? Panakip butas lang siya? Kahit na. Hindi ko naging boyfriend si Blue.

Pero naiinis rin ako kay Blue hanggang ngayon ay hindi niya napapansin ang nararamdam ko para sa kanya. Ilang anaesthesia kaya ang tinurok sa kanya kaya naging manhid ng ganito? Ayaw ko siyang mawala ulit sa akin. Siguro tama na ang dalawang taon na hindi ko nakikita ang best friend ko, even Blue didn't treat me like his best friend before.

"Kung ayaw mo lumipat ng ibang team... Much better to quit your job."

"What?! Pinagusapan na natin ito, Vince! Kung papairalin mo ang pagiging seloso mo kay Blue mas mabuti pang hihinto mo ang sasakyan."

"No!" Mas binilisan pa niya ang pagtakbo ng sasakyan niya. Natatakot ako sa mangyari dahil over speeding ang ginagawa niya. Bawal itong ginagawa niya dito.

"I said stop the car!" Pero parang wala siyang naririnig kaya hinawakan ko na ang manebela.

"Mao, ano ba! Mababanga tayo nito sa ginagawa mo!"

"Kung hindi mo hihinto itong sasakyan mo mas mabuti pa ngang maasidente tayo! Please naman Vince, sawang sawa na ako sa pagiging seloso mo."

Muntik na ako masubsob nang hininto ni Vince ang sasakyan sa isang tabi at mabuti na lang nakasuot ako ng seatbelt.

"Gusto mong tapusin na natin itong relasyon nating dalawa, Mao?" Hindi ako sumagot sa kanya. Pagod na pagod na ako at saka gugutom na rin ako. Wala na akong lakas. "Paano na ang kasal natin sa susunod na buwan? Uurong ka na lang ba?"

"Mahal kita, Vince pero sana naman ay magtiwala ka man sa akin. Iyon lang naman ang gusto kong gawin mo. Trust me."

"I always trusted you, Mao pero ang Blue na iyon wala. Lalaki rin ako kaya alam ko ang mga kinikilos ng ibang lalaki."

"Walang gusto sa akin si Blue. Hindi nga niya iniisip na kaibigan niya ako noon hanggang ngayon."

"So, may balak ka pang ituloy ang kasal natin?" Tanong niya  habang nakatingin ito sa akin.

"Yes. Wala naman dahilan para hindi matuloy ang kasal natin."

"Good dahil hindi ako papayag na mawala ka sa akin, Mao. Mahal kita."

"Mahal din kita, Vince."

Pero ang sakit dahil si Blue pa rin ang lalaking naglalaman ng puso ko hanggang ngayon. Hindi ko masabi kay Vince dahil magaaway lang kaming dalawa.

Pinatakbo na ulit ni Vince ang sasakyan niya papunta sa condo ko. Finally, gusto ko na rim ang matulog ngayong gabi.

Pagkarating namin ni Vince sa tapat ng unit ko ay hinalikan niya ako sa labi.

"Pahinga ka na dahil alam kong pagod ka rin sa trabaho mo."

"Sige, uwi ka na para makapagpahinga ka na rin."

"I love you, babe." Hinalikan niya ako sa noo.

Pagkaalis ni Vince ay pumasok na ako sa loob ng unit. Napabuntong hininga ako dahil parang hindi babae ang nakatira rito sa sobrang kalat ng unit ko.

Kinabukasan...

Maaga ako pumasok sa trabaho baka makausap ko si Blue na huwag na siya umalis.

Pagkarating ko ay wala pa ang mga tao o baka naman lumipat na sila ng team. Kung ganoon ay kaming dalawa na lang pala ni Blue ang magkasama araw-araw.

Damn. Stop thinking like that, Mao. May fiance ka na at ikakasal na kayo sa susunod na buwan.

Hanggang kaibigan lang kayo ni Blue. Hindi kayo pwede. Baka nga hindi ikaw ang tipong babae ang gusto niya.

Mga ilang oras ay nakita ko ng pumasok si Blue at hindi nga inabalang ayusin ang kanyang buhok. Sobrang gulo ng buhok niya.

"Good morning, Blue." Nakangiting bati ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig dahil nilapag lang niya ang kanyang gamit sa desk niya at pumunta sa opisina ng boss namin. Talaga bang aalis na siya? Maiiwanan na ba ako rito? O baka naman susundin ko yung gusto ni Vince na lumipat ako ng ibang team.

Ayaw ko naman mawala ulit sa akin si Blue dahil dalawang taon ako wala sa tabi niya. Hindi pa nga nagkaayos ang away namin noon tapos lalong lumubha. Ano ang gagawin ko?

"Um, Blue?" Tawag ko sa kanya pagkalabas sa opisina ng boss namin. "Pwede ba tayo magusap?"

"Wala na tayong oras na para magusap. Nasa trabaho tayo ngayon." Bumalik na siya sa table niya.

Let me guess, hindi siya pinayagan ng boss namin mag-quit kaya iyon ang sinabi niya sa akin.

Kalahating minuto ay dumating na yung ibang kasamahan namin pero ilan na lang kami ngayon rito. Siguro ang iba ay lumipat na ng ibang team.

Inaangat ko ang ulo ko para tingnan si Blue at halatang busy siya sa kanyang trabaho kaya bumalik na rin ako sa paggawa ng design para sa project na hawak ni Blue ngayon. Gusto ko ma impress siya sa gawa ko. Pakiramdam ko tuloy nagpapa impress ako kay crush.

Napangiti ako wala sa oras dahil crush ko nga pala itong si mr. Sungit.

5 Ways To Fall In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon