Pasakay na ako sa kotse ko para papasok sa trabaho dahil aasikasuhin ko pa yung project sa papatayong business ni kuya Theo sa Bicol.
Pagkarating ko ay binati ako ng guard at ibang kasamahan ko rito pero deadma lang ako. This is me... Hindi ko naman pwedeng baguhin ang sarili ko. Nang nakarating na ako sa palapag kung saan ang ibang kasamahan ko ay pumunta na ako sa desk ko.
"Blue." Tawag sa akin ng isang kasamahan ko kaya nilingon ko siya. "Ang sabi ng boss natin may bagong parating at ang gusto niya isali sa team mo. Ayos lang ba?"
"Marami ng engineer sa team ko. I don't need to add another member."
"Ang sabi kasi ni boss architect daw ang ipapasok niya sa team mo at mamaya mo pa daw makilala."
"Okay." Wala gana kong sagot. Wala naman akong pakialam kung may ilagay na bagong member sa team ko as long as gagawin nila ng tama ang trabaho nila.
Habang abala ako sa trabaho ay napansin ko ang pagdating ng boss namin. Ang may ari ng kumpanyang pinagtatrabuan ko ngayon pero nagulat ako sa kasama niyang babae. For real?! Damn, kung kailan nagpasya na akong lumayo.
Nakita ko rin ang paglapit ng boss namin sa pwesto ko kasama yung babaeng iyon.
"Blue, this is Mao Arata and she is be part of your team. Magaling siyang architect." Tumango lang ako kay boss at ayaw kong tingnan si Mao. Pag minalas ka naman, oo. Sa dami na pwedeng pilian ng babaeng ito dito pa talaga. "Mao, this is engr. Blue De Luca. One of my best engineer here."
Bolera pa.
Kung hindi lang babae itong boss ko at hindi lang siya boss ay matagal ko ng sinagot ng pabalang. Minsan kasi nakakapikon rin ang isang ito. Masyadong perfectionist na akala mo siya yung kliyente.
"Hi. Nice to meet you, engr. De Luca." Inilahad nito ang kanyang kamay at agad ko naman iyon tinanggap. Shit lang bakit ganito ang puso ko? At hindi lang iyon nakaramdam ako ng kuryente.
"Mao, doon ang desk mo." Turo ng boss namin at nagpaalam na rin siya pagkatapos.
Bumalik na ako sa ginagawa kong trabaho.
"Sir Blue." Inangat ko ang tingin ko para tingnan ang tumawag sa akin. Alam niyo kung gaano ako naiinis sa pangalan ko? I hate my name. Sa dami pwedeng ipangalan sa akin, bakit Blue pa?!
"What?" Nakakunot ang noo ko pero nakikita ko sa gilid ng mata ko ay nakatingin sa akin si Mao. Tsk. Problema ng babaeng ito?
"G-Gusto ko lang po sana pakita sa inyo ang design na ginawa ko." May inabot siyang design sa akin pero nilagay ko lang sa desk ko. Mamaya ko na iyon titingnan.
"Maya ka na bumalik ulit rito kapag natingnan ko na. O tatawagin na lang kita mamaya."
"O-Okay po."
Abalang abala ako sa trabaho at hindi ko na nga napansin ang oras. Mas lalong hindi ko pinapansin ang pagiingay ng sikmura ko ngayon dahil gutom na ako.
"Blue." Inangat ko ang tingin ko para tingnan kung sino kahit alam ko naman kung sino.
"What do you want, miss Mao?" Kunot noo kong tanong ko sa kanya.
"Kahit hanggang ngayon pa naman hindi ka pa rin marunong ngumiti. Paano ka magkakaroon ng mga kaibigan niyan kung ganyan ka?"
"Do you think I really need friends? I don't need them. At isa pa ayaw ko makipag kaibigan sa ibang tao kung naawa lang naman sila sa akin. Tsk." Niligpit ko na ang mga gamit ko sa desk bago pa uminit ang ulo ko.
"Same Blue De Luca I know. Hindi ka pa rin talaga nagbabago."
"Walang nagbago sa akin simulang... grumaduate ako." I want to say simulang umalis ka ng bansa tapos ngayon babalik kang may kasama ng iba. Damn it. Sarap pumatay ng tao kung pwede lang ay matagal ko ng ginawa.
Tumayo na ako sa kinuupuan ko dahil nawawalan na akong gana magtrabaho ngayon. Sirang sira na ang araw ko.
"Blue, sorry kung bakit ako umalis ng bansa noon na hindi nagpaalam sayo. Biglaan lang kasi ang pagalis ko dahil nagkasakit si papa noon kaya wala na akong choice na bumalik sa Japan."
"Dalawang taon, Mao. Dalawang taon hindi mo man lang ako ginawang kamustahin."
"Ang akala ko rin kasi ay galit ka sa akin dahil nagbago ang lahat na pakitungo mo sa akin noon. Nawala na yung Blue nakilala ko. Ang Blue na kaibigan ko."
"Akala. Fuck naman! Maraming namamatay sa maling akala, Mao!" Pagtaas ko ng boses at mabuti na lang ay kaming dalawa lang ang nandito.
"Sorry na talaga..."
"Wala ng magagawa ang sorry mo dahil hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Iniwanan mo ko ng dalawang taon na walang balita sayo! Sa tingin mo ba magagawa ko pang patawarin ang pagiwan mo sa akin, Mao?! Siguro nga nasaktan rin kita noon dahil sa ginawa ko pero mas masakit ang ginawa mong pagiwan sa akin na hindi man lang nagpaalam. Pero ayos lang. Dalawang taon na rin naman, you have your fiance and I have to focus on my work. By the way, congrats ulit at sana maging masaya ka." Pumunta na ako sa banyo para maglabas ng sama ng loob. Ang sakit sobra.
"Blue." Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pinahid ko agad ang luha ko. "Umiiyak ka ba?"
"Hindi ako umiiyak. Ano na naman ang kailangan mo---" Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Mao ngayon.
"You're crying." Sabi nito. Pero pinasandal ko si Mao sa pader. "Blue?!"
"Hindi ka ba nagiisip na pwedeng may gawin ako sayo at pumasok ka pa talaga sa loob ah."
"Alam ko naman wala kang gagawing masama sa akin."
"Tsk. Lalaki ako at babae ka. Sigurado namang naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, no?"
"Hindi mo gagawin kung ano ang iniisip mo ngayon. Hindi ko pwedeng saktan si Vince."
"Yeah, yeah. Sana naman inisip mo muna ang pwedeng mangyari bago ka pumasok rito." Inilapad ko ang dalawa kong palad sa pader para pumagitna si Mao.
"Blue, ano ba--" Walang pagdadalawang isip ay hinalikan ko si Mao sa labi niya. Hindi ito ang unang beses na hinalikan ko siya. Ang una ay isang aksidente lang noong gusto niya akong halikan sa pisngi ko pero napalingon ako sa kanya kaya sa labi ko dumikit ang labi niya. Naramdam ko na rin tumugon si Mao sa halik ko. Ano iyon? Nagustuhan niyang hinahalikan ko siya?
I'm her first kiss kahit isang aksidente lang iyon.
"Kahit anong gawin mo ako pa rin ang nakakuha ng first kiss mo."
"Alam ko... Isa iyan ang hindi ko magawang sabihin kay Vince at baka magselos siya kapag nalaman niya ang nangyari noon at ngayon."
"Sabihin mo nga sa akin, Mao... minahal mo ba ako noon?" Tanong ko sa kanya pero isang tingin lang ang binigay niya sa akin. Napabuntong hininga lang ako bago lumabas ng banyo dahil isa lang naman ang pwedeng sagot.
Mahal niya ako bilang kaibigan...
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...