Ilang araw na ang nakalipas. I think it's already a month pero napapansin kong palaging inaantok si Mao at tinatamad bumangon sa kama. Kapag ginigising ko naman siya ay nagagalit sa akin.
Maaga ako nagising ngayon dahil gusto kong ipagluto si Mao ng paborito niyang omurice.
"Hijo, tulog pa rin ba si Mao?" Tanong ni manang habang pinapainom niya ng gatas si Mei.
"Yes po. Baka mamaya gigising na rin iyon." Nagsimula na ako magluto ng agahan para kay Mao.
"Hindi kaya buntis siya?" Natigilan ako sa sinabi ni manang Carlota. Napatingin rin ako sa kanya. Imposible. Kapag nabuntis ko si Mao ay paniguradong magagalit siya sa akin. Hindi pa malaki si Mei.
"Manang naman.."
"Bakit? May nasabi ba akong mali?"
"Magagalit sa akin si Mao kapag nangyari iyan. Maliit pa si Mei kaya hindi pa siya pwedeng sundan."
Wala pang isang taon ang anak namin. Sa totoo lang, dalawang buwan at isang araw pa lang si Mei. Hindi pa ganoon katagal simulang pinanganak niya ang anak namin.
"At saka dalawang buwan pa lang po si Mei ngayon."
"Baka nagkamali lang ako. Pagod lang siguro ang batang iyon dahil minsan ay nakikita ko siyang inaalagaan si Mei kapag gabi."
"Si manang talaga pinaka---"
"Good morning." Napalingon ako dahil gising na si Mao.
"Magandang umaga, hija."
Hindi buntis si Mao. Hindi. Kailangan ko na magingat kapag may nangyari sa aming dalawa.
Nilapag ko na yung plato na may omurice at nagpaalam na si manang sa amin na ibabalik na nila si Mei sa crib niya. Kumuha na ako ng tubig sa refrigerator para uminom.
"Anong amoy ito?" Napalingon ako kay Mao habang nagsasalin ng tubig sa baso.
"Anong amoy?"
"Hindi ko maintindihan. Para bang kakaiba ang amoy. Hindi pa ba ito sira o baka naman itlog mo ito, Blue." Naibuga ko ang iniinom kong tubig. What the hell.. Ang bibig ni Mao talaga. Mabuti na lang kaming dalawa lang ang nandito sa kusina. "Ayaw ko nito."
"Hindi ko kailangan lutuin ang akin dahil sarap na sarap ka naman tuwing gabi." Nakangising sabi ko sa kanya.
"Ang manyak mo."
"Ikaw nagsimula ng lahat na ito, Mao." Umupo na ako sa harapan niya. "Bakit naman ayaw mo nito? Hindi ba paborito mo ang omurice? Palagi mo naman kinakain ang omurice na ginagawa ko."
"Ayaw ko kasi ng amoy niyan. Parang hindi na fresh yung itlog na binili."
"Pero kahapon lang naman ito binili."
"Baka naman kahapon din ang expiration date." Inamoy ko naman ang omurice pero wala naman akong naamoy na kakaiba. Nakita kong tumakbo si Mao sa lababo at sumuka.
"Ilayo mo sa akin iyan." Sabi niya pagkatapos niyang hugasan ang bibig niya. "Kung ayaw mo sa sofa ka matutulog ngayong gabi."
"Huwag ganoon, hon."
Hindi ka tama ang sinabi ni manang kanina? Napatingin lang ako kay Mao ng nailayo ko na sa kanya ang omurice na ginawa ko sana para sa kanya pero mukhang ayaw na niya.
"Mao..." Tumingin siya sa akin pero hindi naman pwedeng sabihin sa kanya baka buntis siya dahil magagalit sa akin si Mao. "Ah, it's nothing."
Tumalikod na ako sa kanya. Ako na lang ang kakain nito kaysa masayang lang. Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na ang plato sa lababo.
BINABASA MO ANG
5 Ways To Fall In Love With My Best Friend
RomanceDe Luca Series # 3 Blue is a bad boy in their school campus pero niisa ay walang gustong lumapit sa kanya until she met Mao Arata, a half Japanese. During his college he really had fun with his best friend but one day, nagbago ang lahat pati ang pak...